Chapter 22

526 36 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 22°°°

•••Third Person's POV•••

Isang linggo ang nakalipas, walang kababalaghan ang ang nangyari kahit na may napapansin ng kakaibang si Vleane sa tatlong lalake na dayo sa Baryong iyon

"Kamusta?," tanong ni Angela kina Calvin ng mapadaan ang mga iyon sa tapat nila, nasa palengke sila ng mga sandaling iyon, namimili ng mga kailangan nilang dalawa

"Heto, pupunta na sa duty,"tugon ni Jude na nakangiti,"Nga pala siya si Jorie, pinsan ko,"pagpapakilala nito sa babaing kasama nila

"Pulis din siya?," takang tanong ni Angela sa kanila

"Yes, Sisters,"maarteng saad nito na nakataas ang kilay na nakatingin kay Vleane

"Bago ka lang po ba dito, Maam?," tanong ni Vleane sa kaharap,"Kasi ngayon lang po namin kayo nakita dito,"

"Matagal na po kami dito,"tugon nito,"Kaso sa ibang lugar na po ako nag aral at naka destino,"

Napatango lang si Vleane, ngumisi si Jorie habang nakakapit sa braso ni Lucas, na tila iniinggit pa siya at tinutukso, pero tinitigan lang siya ni Vleane na nakangiti p nga, kaya lalong nainis si Jorie

"Mauna na po kami,"paalam ni Jude sa dalawang Madre, napatango nalang sila sa mga iyon bago sila umalis ni Angela at pumasok na sa kombento

"Sige po,"malanding pahabol pa ni Jorie, na ikinainis naman lalo ni Angela, kaya hinila na niya ito bago pa maging palengkera

"Bakit mo ba ganyan ka?,"natatawang tanong niya kau Angela,"Madre ka ba o palengkera?,"

"Nakaka inis ang babaing iyon,"ani ni Angela,"Ke bago bago ganoon ang ugali, kung makakapit kay Lucas akala mo pag aari niya o nobyo niya,"

"Bakit ka ba naiinis?," natatawang tanong pa niya,"Saka bakit ka apektado sa pagkapit niya kay Lucas? May gusto ka sa kanya noh?,"tukso niya sa kaibigan

Umirap lang ito sa kanya, dahilan para tawanan lang niya iyon, dahil sa pagkakagusot ng mukha nito

"Ayaw ko sa kanya,"sabi ng Angela,"Mukhang magkaka problema tayo sa kanya in the near future, Vleane,"paliwanag nito sa kanya habang nakatingin sa apat na papalayo

"Ha? Bakit naman?,"takang tanong niya

"Basta masama ang kutob ko sa kanya,"tugon nito,"Kaya kailangan natin mag ingat lalo kana, mag iingat ka,"

Napatango nalang siya sa sinabi nito sa kanya, kahit siya ay kinakabahan din sa bagong kasama nila Lucas, kahit pa na pinsan ito ni Jude at isa din itong alagad ng bata

"Tara na,"ani niya kay Angela,"Baka mapagalitan na naman tayo ni Sister Helena, tutal nakabili na tayo ng mga kailangan at gamit natin,"

"Sige,"tugon nito,"Alam mo nagtataka lang ako,"ani ni Angela,"Noong isang araw lang dumating si Sister Helena, tapos ngayong araw ang Jorie n iyon ang dumating? Tapos magkamukha pa sila, hindi kaya magkamag anak sila?,"

"Siguro,"sagot niyang nagkinit lang ng balikat,"Hayaan muna sa, basta mag iingat lang tayo,"

"Tama ka,"pagsang ayon naman nito sa kanya habang papauwi sila ng kombento

Naabutan nila sa labas si Sister Helena na halatang hinihintay sila nitong dumating

"Ano ang ginagawa ninyo doon?,"tanong nito sa kanila

"Malamang po Sister namalengke po,"medyo pabalang na tugon ni Angela dahil naiinis siya sa Madre kahit na wala naman itong ginagawa sa kanila

"Alam ko,"tugon nito,"Pero bakit ang tagal niyo? Saka bakit kayo nakikipag usap sa mga pulis na iyon?,"

"Sister Helena,"ani niya,"Mga kaibigan po namin sila, binati nila kami kaya binati din namin sila, saka pinakilala lang nila sa amin iyonh kasama nila, na pinsan din po nila,"

"Pumasok na kayo,"ani nito bago sila tinalikuran,

Napairap nalang si Angela sa Madre dahil napasungit nito sa kanila, pero sa iba ay maayos naman iyong makitungo

"Insecure yata sa beauty natin,"sabay tawa kaya natawa nalang siya sa mga piangsasabi nito kahit na Madre din ito

Nagtuloy nalang sila sa kanilang kwarto para mag usap at ilagay doon ang kanilang mga gamit na pinamili bago matungo sa kusina para lutuin ang kanilang tanghalian







Sitio ng mga Aswang

Nasa labas ang lahat ng kalalakihang aswang habang pinupulong iyon ni Ronelio

"Mamayang hating gabi!," sigaw nito,"Aalis tayo at baba sa Nayon para maghasik ng lagim! Kunin ang mga dapat kunin at hawaan ang mga dapat hawaan!,"

"Ayeh! Ayeh! Ayeh!," sigaw ng mga aswang na mukhang katutubo dahil mga nakabahag lang ang mga iyon

"May ilan akong maiiwang tauhan dito para magbantay, kaya wag kayong mag alala!,"

Napatango naman ang mga aswang dahil sa sinabi ni Ronelio sa kanila

"Kailangan natin mag ipon ng makakain para sa kabilugan ng buwan sa sunod na linggo,"ani nito,"Iyon na ang panahon para maging kaisa natin ang aking reyna na si Regina,"

Mababakas ang kasiyahan sa mga aswang dahil sa tanggap na ni Regina ang kanilang lahi at nagbalak pa ito na maging kaisa nila

"Kaya magkakaroon tayo ng handaan at kapistahan ng araw na iyon!," sigaw nito na lalong ikina ingay ng kanyang mga nasasakupan dahip mabubuo na ulit ang kanilang pamayanan

Tinignan naman ng binatang si Kadu si Regina na nasa tabi ng kanilang Pinuno na hindi naman nakaligtas sa matalas na pandama ni Ronelio, pero hinayaan muna niya iyon at di pinansin

Siniko naman ng matandang aswang ang apo nito na tigilan na ang panunukso sa kabiyak ng kanilang Amang aswang dahil hindi nito magugustuhan ang kayang gagawin oras na maahuli sila nito

Nagkibit balikat lang ang binatang si Kadu na simula ng masilayan nito ang kagandahan ng mortal na bbaing inasawa ng kanilang Amang aswang ay pinagpapantasyahan na niya ito kahit na may kalakihan na ang tiyan nito

Kahit na buntis na ito ay maganda pa din ang hubog ng katawan at nakakapag init ng kahit sinumang nilalang ang makakita ng kagandahan niyon

Lalo pa at maliliit na tela lang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan nito

Gustong gusto niya itong matikman ng paulet ulet, kaya nag isip siya ng paraan kung paano niya ito maaakit

Hindi na niya iisipin pa ang galit ng Amang Aswang, bahala na sa kanya ang kanyang Lolo at kanyang ama

Patuloy na nakikinig ang lahat habang nagbibigay ng kani kanilang obligasyon at gagawin si Ronelio

Habang si Kadu ay nilalantakan na sa kanyang isipan ang magandang kabiyak ng kanilang Amang Aswang

Gusto niya iyon dahil sa sariwa pa ito at napakabata pa para sa kanilang Amang Aswang








Itutuloy

Please leave a Comment and reaction

Dont forget to Vote

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat