Chapter 73

464 52 2
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 73°°°

Magkahiwalay na nga nilang tinungo ang taniman ng bawang, dahil sa liwanag ng bilog na buwan ay nakatulong iyon para mas makita nila ang buong taniman, wala ding mga puno na nakaharang sa bahaging iyon ng taniman kaya mas mapapabilis ang kanilang paghahanap

Naunang magpunta si Lucas sa kaliwang bahagi ng taniman at hinahanap naman nito ang bawang na may kakaibang dahon, mabusisi niyang pinagmamasdan ang bawat madaanan niyang tanim, dahil ayaw niyang magkamali at malagpasan ang kanilang hinahanap

Kahit na kakaiba iyon sa lahat ng nakatanim doon, kahit nagmamadali ang lakad niya ay hindu siya nagpapabaya hanggang sa makarating siya sa dulong bahagi ng taniman pero wala pa din siyang nakikita

Kaya nagpasya siyang umabante papunta sa pinaka gitnang bahagi, natatanaw niya sa di kalayuan si Vleane na tila may pinagkakaabalahan iyong bunutin at tila may kinakain din iyon

Kaya napakunot noo niyang pinuntahan ang dalaga, dahil nakaupo na ito habang may kinakain na kung ano sa harapan nito, kaya kaagad siyang tumakbo para lapitan sana ito pero may napansin pa siya na isang anino na kumakaway sa kanya kung saan ang lugar na napagusapan nila kung saan sila magkikita

"Psstt!,"sitsit nito sa kanya,"Lucas! Bilisan mo!,"yaya nito habang nakatingin sa nilalang na nakatalikod kay Lucas na abala sa kung anong kinakain

Kaya kahit na nalilito ay agad na naglakad ng tahimik si Lucas papunta sa pwesto ng tumawag sa kanya na habang papalapit ay nakikilala niyang si Vleane iyon, may sugat sa kaliwang braso na nagdurugo at putok ang kaliwang labi nito

"Ayos ka lang ba?,"may pag aalalang tanong nito ng makalapit sa pwesto niya,"Anong nangyari at sino iyon?,"

"Mamaya na tayo mag usap,"ani niyang napapangiwi dahil sa kirot na nararamdaman,"Tara na sa taniman ng kalamansi bago pa niya tayo makita,"sabay hila sa binata papalayo doon

"Nakuha mo naba?,"tanong nito sa kanya,"Talian muna natin ang braso mo,"

"Nakuha ko na bago iyon dumating,"tugon niya,"Mamaya na, kailangan na natin magmadali, mas marami pa ang darating, mamaya kana din magtanong,"

Nanahimik nalang si Lucas habang mabilis silang naglalakad papunta sa taniman ng kalamansi, na ilang metro ang layo mula sa taniman ng bawang

"Alam kong nagtataka ka kung bakit may aswang sa taniman ng bawang,"

"Oo nga, paano?,"tanong ni Lucas ng makarating na sila sa taniman ng kalamansi

"Mamaya n ok?,"tugon niya habang naglalakad papasok sa loob ng taniman,"Nasa dulo ang bunga kaya bilisan natin,"

Napatango nalang si Lucas sa kanya kaya hinila na niya iyon papasok sa pinaka gitnang bahagi ng taniman, dahil doon niya nakikita ang kulay gintong bunga ng kalamansi na kumikinang dahil sa liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan

Inihanda niya ang telang pagbabalutan ng gintong bunga para hindi makita at maagaw sa kanila sa daraanan nila, inabot niya iyon at kaagad na pinitas gamit ang tela bago itinago sa bag kung saan kasama nito ang bawang

"Maupo kana,"ani ni Lucas, hindi na siya nakakibo dahil masakit na talaga ang sugat na kanyang nararamdaman,"Ngayon pwede kana magkwento, kung bakit may aswang sa taniman ng bawang at kung ano ang nangyari sayo,"

Aswang Killer: Season 1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu