Chapter 35

502 42 1
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 35°°°

Nasa ganoon silang senaryo ng makaramdam sila ng malamig na hangin na pumasok sa pintuan na bigla nalang bumukas

"Oh mga apo,"bungad sa kanila ang isang matandang may kahabaan ang puting buhok na nakangiti sa kanya,"Ayos lang ba kayo? Sinaktan ba kayo ng mga demonyong iyon?," sunod sunod na tanong nito sa kanila

"Ayos lang po kami, Lolo,"si Vleane na ang sumagot,"Diba ikaw iyong may ari ng karinderya na pinagkainan namin kanina?," sabay tanong niya sa matanda

"Mamaya na tayo mag usap at mamaya na din ako magpapaliwanag sa inyo,"saway nito sa kanila,"Unahin muna natin ang problema niyo kung paano kayo makakatakas dito, basta iwasan niyo lang ang lumikha ng ingay at sundin ang lahat ng utos ko, maliwanag ba?," bilin nito sa kanilang apat

Sabay sabay naman na nagsipagtanguan ang apat bilang tugon sa matanda, sumenyas na itong tumayo sila at dahil naalos na nila ang tali sa bawat isa ay kaagad na silang naglakad papalabas ng silod kung saan sila kinulong

Kitang kita pa nila habang papatakas sila kung gaano kasaya ang mga tao doon, habang walamg awang kinakatay pa ang dalawang babaing handa nila sa kanilang kapistahan

"Huwag na,"pigil ng matanda ng akma nila iyong lalapitan at balak na tulungan,"Iyan ang isa sa malaking desisyon ang gagawin mo sa iyong buhay, apo, wala na tayong magagawa para sa mga biktima dahil malalakas ang mga iyan, hindi ko kakayanin ang buong angkan ng mga aswang ng mag isa o kahit kasama pa kayo,"

Mahabang paliwanag nito sa kanila habang nakatingin pa din sa dalawang babae na pinagpipistahan ng kainin ng mga aswang

"Kung gusto pa ninyong mabuhay,"dagdag pa nito,"Sundin niyo nalang ang utos ko,"paliwanag nito

"Tara na,"yaya ni Vleane sa kanila kaya kaagad silang naglakad palabas ng Sitio

Pero ilang hakbang na lamang at makakalabas na sila ng Sitio na iyon ng bigla silang napansin ng isa sa mga aswang

"Tumatakas ang mga pagkain!," sigaw nito sabay turo sa direksiyon nilang lima, kaya ang lahat ng atensiyon ng mga aswang sa mula sa kinakain ng mga iyon ay sa nabaling sa kanilang lahat

"Takbo, bilisan ninyo!," sigaw ng matanda sa kanilang apat, kaya dali dali silang tumakbo papunta sa kanilang sasakyan na nasa di kalayuan,"Bilisan ninyo ang pagtakbo,"muling sigaw ng matanda ng makitang kumilos na ang mga aswang na papasugod sa kanila

Kaagad naman silang kumaripas ng takbo papunta sa kanilang sasakyan na nasa di kalayuan, habang ang matanda naman ay sumakay na sa tricycle na dala nito

"Dali Jude! Bilisan mo at maaabutan na tayo ng mga aswang!," sigaw ni Calvin na natataranta na at kinakabahan

Habang tahimik lang na nakasentro ang atensiyon ni Jude sa pagmamaneho na halatang kinakabahan na ito

Lumingon pa sila mula sa likuran at nakita nila ang grupo ng maiitim na mga aso na humahabol sa kanila, kitamg kita nila ang namumula at matatalim na mga ngipin ng mga iyo dahil sa maliwanag na sinag na nagmumula sa bilog at malaking buwan

Napalingon naman si Jude sa labas at nakita nila na nasa tabi na ng kanilang sasakyan ang tricycle ng matandang nagligtas sa kanilang apat

Kaya lalo nilang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan kahit na lubak lubak ang kanilang dinadaanan, ilang sandali pa ay napansin nila na bigla nalang bumagal ang sinasakyan ng matanda at tuluyan na iyong hindi nakahabol sa kanila

"Nawala si Lolo!," ani ni Vleane kaya napalingon silang lahat sa likuran kaya nakita nilang nakahinto na ang sinasakyang tricycle ng matanda

Doon nakita nila na pinapaikutan na iyon ng mga aswang na kanina lang ay humahabol sa kanila

"Itigil mo!," ani ni Vleane

"Hindi pwede, maaabutan tayo ng mga aswang!," ani ni Jude

"Hindi ko hahayaan na mapahamak ang taong nagligtas sa atin!,"ani ni Vleanw,"Hindi niya tayo kaano ano pero ibubuwis niya ang sarili niyang buhay para lang makaligtas tayo! Kaya ibinto mo ang sasakyan Jude!,"matigas na wika ni Vleane kaya biglang inihinto ni Jude ang sasakyan

Nang huminto ang sasakyan ay kaagad na kinuha ni Vleane ang buntot ng pagi na nasa ilalim ng sasakyan, nakita niya iyon noong nahulog ang rosaryo na nakakabit sa kanyang bewang

Natahimik nalang ang tatlo dahil sa kanyang mga sinabi na alam naman niyang tama siya

Kaagad na bumaba si Vleane at tumakbo pabalik para tulungan ang matanda na napapaikutan na ng mga aswang, kaagad naman silang naglabasan para saklolohan ang matanda at si Vleane, kinuha nila ang kanilang mga baril habang isang bakal naman ang nakita ni Jude sa ilalim ng inuupuan niya at iyon ang kanyang napiling gamitin

Kitang kita nila kung gaano karami ang nakapaikot na mga aswang sa matanda at handa na ang mga iyon na umatake at pagpira pirasuhin ang katawan ng kawawang matanda

"Oh bakit bumalik kayo?," galit na tanong nito sa kanila,"Napakadelikado ng gagawin ninyong mga bata kayo!,"seryoso pero mahahalata na kababakasan iyon ng pag aalala sa kanila

"Lolo, hindi namin kayang iwanan ka at mapahamak," ni Vleane,"Hindi namin hahayaan na mapahamak ang taong nagligtas sa amin, kundi po dahil sayo malamang lamang tiyan na po kami,"

"Tama po si Sister Vleane,"pag sang ayon ni Lucas na sinamaan lang ng tingin ng dalaga,"Utang po namin sayo ang aming buhay,"ngumiti ang matanda na nagbigay ng kaginhawaan sa kanyang puso, hindi alam nila Lucas kung bakit magaan ang loob niya sa matandang kaharap

Bats ang alam niya ay magaan ang loob niya at tila kilala niya ang matandang iyon maging si Jude ay ganoon din ang nararamdaman ng mga sandaling iyon, nakakaramdam sila ng tuwa at pagkasabik

"Heto,"sabay abot ng isang itak na sobrang talim kay Jude dahil bakal nga lang ang dala nito,"Gamitin mo iyan, napakatalas niyan at kargado din iyan ng mga dasal at buhay na salita laban sa kanila, aba maganda iyang panlaban mo apao, buntot ng pagi,"puna nito sa hawak ni Vleane, napatango lang ang dalaga sa matanda

"Salamat po,"tugon ni Jude sabay hawak ng itak na ng mahawakan niya ay napaka gaan at madali lang iyon iwasiwas, hindi na siya mahihirapan na gamitin iyon kasabay ng bakal na hawak

Maya maya pa ay isa isa ng sumugod at umatake ang mga aswang sa kanila, kahit kabado sila ay tinatagan nila ang kanilang loob dahil kung hindi sila lalaban ay hindi sila makakalabas doon ng buhay

Habang abala ang lahat ay panay naman ang hampas ng buntot ng pagi ni Vleane sa mga aswang na sumusugod na papalapit sa dalaga

Kitang kita nila mung paano umusok ang parte ng katawan ng aswang na natataga ni Jude at nahahampas ng buntot ng pagi ni Vleane

Doon nila napagtanto na labis na nasasaktan ang mga iyon dahil nadisinig nila ang labis na paghiyaw ng mga aswang kapag nasusugatan at nahahampas ng buntot ng pagi

Napapahiyaw ang mga iyon at napapasigaw, tulad ng sigaw at hiyaw ng mga taong nabibiktima nila at binabalatan ng buhay, napalingon naman siya sa dalawa niyang pinsan at pansin niya na natutuwa ang mga iyon habang pinapatay ang mga aswang na nagtatangkang lapain sila







Itutuloy

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon