Chapter 118

382 32 1
                                    

A/N:

Hello po,

3 chapters to go at tapos na po ang Season 1 ng Aswang Killer😔😔😔

Kaya ngayon pa lang po ay nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta, nagbasa, nagtiya at higit sa lahat sa mga naghintay sa bawat update ko kahit na natagala po✌✌😊😊

Kasi pinag iisipan ko po talaga kung tatapusin ko na ito na baka abutin hanggang 200 chapter o hahatiin sa dalawang Season, kasi marami pa po silang makakalaban at paglalakbay na aabangan

Kaya pasensiya na kung natagalan ang pag update ko✌✌😊😊😊

Salamat po😊😊🥰🥰

°°°Chapter 118°°°

•••Vleane's POV•••

"Mishka, may maitutulong o maibibigay ka bang kapangyarihan para matalo na ang mga iyo?,"tanong ko sa aking gabay, dahil ilang oras nasiyang tahimik

"Oo,"tugon niya sa akin,"Kabisaduhin mo ang orasyon na ibibigay ko sayo, kapangyarihan iyon ng apoy,"

"Sige,"tugon ko sabay nakinig sa kanya dahil inuusal na niya ang isang orasyong latin para sa pagtawag sa kapangyarihan ng apoy

"Gamitin mo iyan para sunugin sila,"ani niya sa akin,"Magagamit mo din iyan para sunugin ang katawan ng mga aswang na mapapatay mo,"

"Sige at masubukan nga,"ani ko, sabay usal ng orasyon at ibinuka ko ang aking kamay, habang nakatingin sa grupo ng mga uwak na abalang abala sa pagkain sa isang katawan ng tao

Sa mga palad ko ay mau lumalabas na paunti unting apoy habang malapit kong matapos ang orasyon

"Kapag buo na ang bolang apoy sa palad mo,"sabi ni Mishka sa aking isipan,"Ihipan mo iyon patungo sa bagay o kalaban na iyong nais sunugin o puntiryahin,"

"Sige,"tugoj ko sabay ihip ng bolang apoy ng mabuo na iyon sa aking palad, halos mamangha ako dahil para iyong paputok na fountain na kumalat at naghiwa hiwalay na patungo sa grupo ng mga uwak at ilang sandali pa ay nasunog na ang mga iyon ng sabay sabay

Kaya inulit ko ulit ang prosesong iyon sa iba ang mga uwak, halos marami na din napapatay na uwak ang mga kasama ko kaya ang ilan ay sinunog at pinatay ko na hanggang sa mag atrasan ang mga iyon ng makadinig ng isang malakas na pag tawag at paghuni ng uwak

Napatingin ako sa isang puno, may malaking uwak doonna nakadapo, huni ng huni na tila tinatawag ang mga uwak na natitirang buhay pa, soya siguro ang pinuno ng mga abwak na babae, napangisi ako ng makitang nagsipagliparan ang mga uwak, pero ang ilan ay bumagsak ng sunog ng puntiryahin ko ng bolang apoy

Kaya lalo nag ingay ang malaking uwak dahil sa nakita nito, nasa di kalayuan at sa labas ng Sitio ay natanaw ko ang mga lalaking abwak na halatang nanggagalaiti sa galit dahil sa dami ng uwak na nalagas sa grupo ng mga ito, nang makita nila na wala na ang mga uwak ay kaagad din silang pumasok sa ilalim ng lupa gamit ang mga butas na nagsisilbing pintuan nila

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now