Chapter 83

447 40 2
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 83°°°

Samantala

Mabilis naman na pinatakbo ni Calvin ang jeep papunta sa bahay nila Brent, habang nagdarasal sila na sana ay walang aswang na humarang sa kanila sa daan dahil papadilim na ng mga sandaling iyon

"Sana kuya makauwi tayo ng ligtas mamaya,"ani ni Nica na katabi nito na nakaupo sa unahan

"Iyan din ang dasal ko, Nica,"tugon ni Calvin,"Nag aalala din ako kay Vleane,"

Napabugtong hininga nalang ang dalaga dahil sa sinabi ni Calvin

"Wala na po tayong magagawa doon,"tugon niya,"Iyon na po ang kapalaran niya, ang sundan ang yapak ngga ninuno at Lolo namin,"

"Hindi na ba mababago iyon?,"tanong nito sa dalaga,"Kasi hindi natin masasabi kung sa susunod ay makakaligtas na siya sa mga pag atake ng aswang,"

"Hindi po kasi pwede talikuran ang tadhana at ang pagpili sayo bilang isang Babaylan o Manggagamot, kasi parang sumpa po iyon, magdurusa po ang taong tatanggi sa pagpili sa kanya bilang isang Babaylan bago pa siya isilang, kaya nasa dugo na po iyon namin,"

Napatango lang si Calvin, hindi na siya kumibo dahil ilang sandali pa ay natatanaw na nila ang bahay nila Brent at ang tricycle ng mga ito

"Naku mukhang aalis na si ate Amanda,"ani ni Nica ng makita ang bag na bitbit ni Brent,"Pakibilisan kuya, baka di na natin sila maabutan,"

"Sige,"tugon ni Calvin, bumusina pa siya para makuha ng mga ito ang atensiyon na hindi naman nakaligtas sa ama nila Brent dahil nakilala ng mga ito ang jeep na inarkila nila, ilang araw na ang nakararaan

Huminto muna ang mag aama sa akmang pagsakay sa tricycle, hinintay ng mga iyon na makababa ang kung sinuman ang sakay ng jeep, pero napangito na agad si Brent ng sumungaw ang mukha ni Nica na kumakaway sa kanila

"Ano kaya ang kailangan nila at napasugod sila dito?,"tanong ni Brent sa ama, na nagkibit balikat lang bilang tugon

"Magandang gabi po,"bati ni Nica sabay mano at ganoon din si Calvin,

"Magandang gabi din sa inyo,"ani ni Mang Rommel,"Napasugod yata kayo?,"takang tanong nito

"Ate Amanda aalis kana ba?,"tanong ni Nica

"Oo eh,"tugon nito,"May pasok na ako sa makalawa, kaya kailangan ko ng makaluwas, bakit?,"

"Kailangan namin ng tulong mo,"sagot ni Calvin,"Nasugatan kasi si Vleane sa likod at kailangan tahiin, napalaban kasi siya sa mga shokoy, masyadong mahaba at malalim ang sugat niya, hindi kakayanin ng tapal tapal lang,"

"Ha? Ganoon ba?,"gulat na bulalas ni Amanda,"Tay, kailangan po ako ni Vleane,  kahit sa ganitong paraan lang po ay makabayad ako ng utang na loob,"

"Aba, payag na payag ako,"tugon ni Mang Rommel,"Hala, sige na at umalis na kayo, mabuti at napaaga kayo ng punta, kung nahuli huli lang kayo ay baka di niyo na kami naabutan,"paliwanag nito

"Aba, Mang Rommel,"ani ni Calvin,"Hahabulin namin namin kayo kahit hanggang terminal para lang madala si Amanda kina Lolo Ernie,"kaya naman nagtawanan sila dahil sa sagot nito sa kanila

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now