Chapter 54

483 47 3
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 54°°°

•••Third Person's POV•••


•••San Gabriel•••

Linggo

"Sister Angela,"ani ni Lucas,"Kamusta kana po? May balita na po ba kay Vleane?,"

"Ikaw pala Lucas,"ani ni Angela,"Heto malungkot wala pa akong balita kay Vleane at hindi pa din siya tumatawag sa akin, saka nakapatay din ang cellphone niya eh, halos dalawang araw na simula ng umalis siya,"

"Hindi mo ba alam kung saan po siya nakatira? Saang probinsiya nakatira ang Lolo at kapatid niya?,"tanong naman ni Calvin

"Para mapuntahan na natin,"ani naman ni Jude,"Halos mabaliw na kasi itong si insan dahil na mimiss na niya ang kanyang true love na first love pa,"sabay tawa

Napapakamot nalang sa batok si Lucas dahil sa mga pinagsasabi ng mga pinsan niya

"Halos hindi na nga iyan makakain at makatulog,"dagdag pa ni Calvin,"Tapos minsan lasing pa,"sabay tawa ulit

Napapailing nalang si Angela dahil sa mga nadidinig mula sa dalawang binata habang nakatingin kay Lucas, pansin niya din na pumayat ito at mahahalata ang lungkot sa mga mata nito

"Tinamaan eh,"sabay tawa ni Jude,"Malalim ang pagkakapana ni kupido, tinamaan sa isang Madre,"sabay tawa nito

"Sabi nga sa kanta na we have a right love at the wrong time, kasi Madre ang minahal niya,"ani ni Calvin

"Hindi tunay na Madre si Vleane,"ani ni Angela na ikinabigla nilang tatlo,"Oo hindi siya tunay na Madre,"

"Sister Angela, huwag ka nga po magbiro at magsinungaling, baka kunin kana ni Lord,"biro naman ni Jude

"Totoo,"sabay hila sa kanila papunta sa isnag swing,"Maupo kayo at ikukwento ko,"

"Wow story telling,"biro ni Calvin kaya napatawa na din si Jude,"Umpisahan mo na po,"

"Ok,"ani nito,"Ang totoo niyan kaibigan ko ang kakambal ni Vleane na si Veena, siya ang yotoong Madre,"

"Ha?,"gulat silang tatlo

"Makinig muna bago magtanong ok?," ani niya

"Opo,"kuro ng tatlo na ikinailing nalang niya

"Tatlong araw matapos na maging ganap na Madre kami ni Veena, umuwi siya sa probinsiya nila para magbakasyon,"nalungkot bigla si Angela

Napatingin sa mga halamang iniikutan ng mga paruparo

"Nang makauwi na siya halos hindi na kami nag usap at nagkita, hindi ko nalaman ang nangyari sa kanya hanggang sa dumating si Vleane, akala niya maloloko niya ako na siya nga si Veena, nahalata ko lang siya noong nagbihis siya, dahil sa isang balat, wala siyang balat hindi katulad ni Vee na may balat sa likod nito,"

"Yes!," hindi napigilan na sambit ni Jude,"May forever na si Sir Lucas!,"

"Sira ulo manahimik ka," saway ni Calvin,"Makinig muna tayo,"

"Lalo na noong lagi na siyang lumalabas para pumatay ng mga aswang,"pagpapatuloy ni Angela ng tumahimik si Jude,"Sa kanya ko nalaman na pinatay pala ng aswang si Vee ng pauwi na ito galing sa simbahan, naabutan pa iyon ni Vleane na nilalapa ng aswang, napatay pa niya ang aswang at doon pinakiusapan ni Vee na magpanggap na isang Madre si Vleane kahit na tatlong taon,"

"Kahit na nagpanggap siya na Madre,"ani ni Calvin,"Hindi pa din mawawala sa kanya ang nakasanayan na niya, kaya kahit na nasa loob na siya ng simbahan at kombento eh ginagawa pa din niya ang mga dating ginagawa niya,"

"Tama ka,"ani ni Angela,"Kaya ilang beses ko na din siyang pinasasabihan na tama na ang dalawang taon na nakakulong siya sa isang pangako, eh hindi naman niya kinasanayan na lumaki sa kombento, hindi kagaya namin ni Vee na halos sa kombento na kumaki,"

"Angela, please hanapin natin si Vleane,"pakiusap ni Lucas sa kanya,"Lalo na ngayon na alam ko na ang totoo,"

"Please?," ani nina Calvin at Jude sa kanya

"Pag iisipan ko,"ani niya,"Magkita tayo ulit sa linggo,"ani niya sa tatlo na ikinangiti naman nilang tatlo

Bago nagpaalam ang tatlo ay nangako pa ang mga iyon na babalik din sa linggo ng ganoong oras para malaman kung ano ang desisyon niya







Samantala,

"Nalalapit na naman ang kapistahan,"ani ng isang matanda,"Mabubusog na naman tayo at hindi na naman makakapamista ang mga taga San Sebastian ng maayos,"

"Tama ka po, Inang,"ani ng panganay nitong anak,"Walang magagawa ang mga taga Barangay lalo na ang dating Albularyo at Manggagamot na si Tandang Ernie dahil matanda na ito at mahina,"

"Tama si kuya, Inang,"pagsang ayon ng ikalawang anak nito,"Iyong apo nitong si Valerie, mukhang walang kakayahan na namana sa kanyang Lolo,"

"Kaya mapapadali ang pagsakop natin sa buong San Sebastian,"ani ng Inang nila,"Wala ng makakapigil sa atin sa darting na kapistahan! Maghasik ng lagim simula bukas ng gabi dahil kabilugannang buwan!,"

Napangisi nalang ang apat na magkakapatid dahil sa sinabi ng kanilang Inang sa kanila

Malalamanan na naman ng mga sariwang karne at dugo ng tao ang kanilang mga kumakalam na sikmura na halos mag iisang buwan na simula ng huli silang makakain ng karne ng tao lalo na ng mga bata at sanggol

"Uubusin natin ang lahat ng kakalaban sa atin!,"ani ng panganay na anak nito

"Bibigyan natin sila ng takot na hinding hindi nila makakalimutan!,"ani ng pangalawa

"Magiging atin na ang buong San Sebastian pagkatapos ng kapistahan!," sunod ng pangatlo

"Kaya maghanda ang aatake bukas ng gabi!," sigaw ng kanilang Inang kaya nagsipagtanguan silang apat, hindi na kumibo ang bunso, dahil kung ano ang plano at kagustuhan ng kanyang mga kapatid at Ina ay iyon din ang kanyang plano

Lalo na at nakita niya ang dayong dalaga na tumuloy sa bahay ng mag lolo ng araw ding iyon

Gusto niya ang samyo at bango nito, para itong isang uri ng dugo na nakakaadik at nakakagutom, alam niya na birhen pa ito kaya mas lalo niyang kinasabikan na makilala at makita ito

Titiyakin niyang mapapasakamay niya ang dalagang bumihag sa kanyang sikmura at sa kanyang pagiging aswang na mahilig sa mga birheng babae







Itutuloy

Naku yari ka Vleane, may mga aswang pala na ang hilig mambiktima ng mga birhen

Mauunahan pa yata si Lucas eh😅😅😅😅

Sana dumating na sila bago pamay mangyari kay Vleane, pero dahil kakaiba si Vleane kaya alam kong kaya niya iyan👊👊👊💪💪💪💪💪

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now