Chapter 31

702 44 17
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 31°°°

•••Third Person's POV•••

Kasalukuyan na nagkukwentuhan, ang dalawang pinsan niya na sina Calvin at Jude habang bumibiyahe sila, nasa likurang bahagi siya nakaupo kasama ang kaibigang Madre na si Vleane, nag arkila sila ng sasakyan ng makababa sila ng barko dahil ayaw nilang palipat lipat ng sasakyan

Ngayon lang naaprobahan ang hinihingi nilang bakasyon, halos isang buwan din silang nakiusap na payagan sila, kaya heto sila ngayon nasa biyahe na para puntahan ang Lolo nila

Panay naman ang kwentuhan ng dalawa habang silang dalawa naman ni Vleane sa likuran ay tahimik lang at nakikinig lang sa biruan ng dalawa na nasa unahan nila

"Alam niyo balita ko magaganda ang tanawin sa Isla na sakop din ng Bicol,"ani ni Calvin habang nagmamaneho ito, sabay kindat sa rear mirror

"Idagdag mo pa insan,"ani ni Jude,"Na maraming magagandang resorts na maaari nating mabisita oras na makita na natin ang Lolo namin,"sabay lingon kay Lucas

"Oo na,"pagsang ayon ng masungit na binata,"Alam ko na naman na susulitin ninyo ang punta natin dito eh, kaya payag na ako,"sabay lingon sa katabi na nakatingin lang sa labas ng sasakyan

"Yun oh,"sabay apir ng dalawa na ikinailing nalang niya

"Oh, ano insan,"baling ni Jude kay Calvin,"Mukhang nangangalay kana ah, hayaan mong ako naman ang magmaneho,"prisenta nito

Napatango nalang si Calvin sa pinsan nito, pareho niyang pinsan ang dalawa, pero si Calvin sa father side at si Jude ay sa mother side, kambal ng tatay ni Jude ang kanyang mama

Magpinsan naman ang dalawa dahil ang mama ni Jude ay kapatid ng Mama ni Calvin kaya magkakasundo silang tatlo at naging magkakaibigan

"Naku, salamat insan,"natatawang wika ni Calvin,"Dahan dahan lang tayo ha? Medyo delikado ang daan,"paalala nito bago inihinto ang sasakyan sa gilid at sabay na silang bumaba para magpalit ng pwesto

Nang mga panahong iyon ay maaari na silang pumunta sa Isla gamit ang sasakyang panlupa dahil natayuan na iyon ng kalsada na magdudugtong sa Main City ng Bicol at sa mga Isla na nasa tawid at kalapit lang nito, kaya hindi na mahihirapan ang mga turista na mamasyal sa mga Isla doon

"Pasalamat tayo,"ani ni Jude,"Hindi na tayo mahihirapan na magpunta sa Isla dahil may kalsada na, dati rati umaasa lang tayo sa bangka na kung kailan may biyahe,"

"Oo nga eh,"pag sang ayon ni Lucas,"Pero delikado pa din ang daan kaya kailangan na mag ingat pa din, sa magkabilaang side dagat na, tapos bakod lang ang harang kaya umayos ka, Jude,"

"Oo na po, sir,"natatawang sagot nito sa kanya na ikinasimangot lang niya, napalingon siya sa kanyang tabi ng makitang napangiti ang katabing Madre kaya sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang din siya

"Salamat nga pala sa pagsama mo sa amin, Sister Vleane,"ani niya sa katabi para lang magsalita ito

"Ayos lang yun, Sir,"tugon naman ni Vleane,"Kung hindi nakiusap si Mang Lino at si Angela baka wala din ako dito at kung hindi niyo kinausap si Sister Helena,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now