Chapter 74

463 49 3
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 74°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan,

Halos tinanghali na ng gising ang lahat dahil madaling araw na silang lahat na nagsipagtulog

"Goodmorning po,"bati ni Lucas, sa lahat habang nag aalmusal na ng maabutan nto ang lahat

"Goodmorning din po sir,"ganting bati ni Angela na pabiro din,"Maupo kana po at sabay sabay na tayong kumain ng almusal,"

"Si Vleane?,"tanong nito habang palinga linga

"Nasa kwarto pa,"tugon ni Lolo Ernie,"Ano ang nakita mo Sister Angela sa pintuan?,"

"Do not disturb,"ani ni Angela na ikinakunot nila ng noo dahil sa nadinig,"Ganyan na siya kahit sa kombento basta may pinagkakaabalahan, nagdarasal o kung gusto niya matulog,"

"Hindi po ba siya kakain?,"may pag aalalang ani nito sa lahat

"Mamaya na iyon kakain, apo,"ani ni Lolo Ernie,"Huwag natin siya abalahin kung ayaw niyong sumabog ang bulkang mayon,"sabay tawa, kaua nagkibit balikat nalang si Angela at Nica, ang iba naman ay nagtatala pero hindi nalang kumibo

Nagpatuloy na sila sa pag aalmusal habang nagtataning sila kay Lucas tungkol sa kanilang lakad, kaya naman nagkwento nalang ang binata

"Ano? Nakakuha siya ng gintong buhok mula sa heneral na tikbalang? Paano"bulalas at gulat na tanong ng lahat maliban kay Lolo Ernie na tila tuwang tuwa

Ipinagpatuloy nalang ni Lucas ang pagkukwento, kung paano nila nilabanan ang grupo ng mga tikbalang na kanilang nakita sa daan papunta sa taniman ng bawang at kalamansi

"Napaka swerte niya,"ani ni Lolo Ernie

"Ha? Bakit po?,"takang tanong ni Jude

"Dahil napagtagumapayan niyang kalabanin ang isang tikbalang, hindi lang isang normal na tikbalang kundi isang heneral, isa sa may mga katungkulan sa kanilang mundo ag kaharian, mabuti at nakuha niya iyon, dahil kapag natalp kayo gagawin na kayong alipin sa kanilang mundo,"

"Oo nga po eh,"pagsang ayon ni Lucas,"Magaling makipaglaban si Vleane, hindi niya tinigilan ang tikbalang hanggang hindi niya nakuha ang buhok nito, tapos iyon inihatid nila kami sa taniman at sa pagbaba ng kabundukan,"

Napatango nalang si Lolo Ernie, natutuwa siya dahil nadagdagan ang kakampi ng kanyang apo na labanan ang mga kampon ng kadiliman

Kailangan nalang nito na palakasin ang bakod nito sa katawan at orasyon na gagamitin nito, mga malalakas na orasyon ang kailangan nito para mapagtagumpayan ng kanyang apo ang lahat ng kalaban at haharaping peligro kasama ang mga kaibigan nito







Gabi, ganap na ika-pito ng Gabi

Baryo Guadalupe

"Magsipagpasok na kayo sa mga bahay niyo!,"sigaw ng isang lalake,"Isarado ninyong mabuti ang mga bintana at pintuan niyo! Nandiyan na naman sila!,"

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon