Chapter 98

447 39 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 98°°°

•••Vleane's POV•••

Matapos ang ilang oras na paglalakad papalabas ng Baryo Anakraw ay nandito na din kami sa pinakadulo

May araw pa din at maliwanag, natatanaw ko ang ilog sa di kalayuan kung saan may mahabang tulay na magtatawid sa amin papunta sa Baryo ng mga Aswang

"Nakikita niyong wala kaming bihag,"ani ng matandang engkanto sa amin,"Nasa pusod ng kanilang Baryo ang hinahanap ninyong Reyna at Prinsesa,"

"Marami bang mga aswang sa bayang iyon?,"tanong ni Jane habang inihahanda ang kanyang sandata

"Marami silang nakatira doon,"tugon ng katabi ko,"Katumbas sila ng dalawang Baryo na pinagsama,"

"Patay na talaga,"ani ni Jane,"Hindi na tayo makakalabas sa Bayang iyon na walang galos at sugat,"naiiyak nitong saad

Napapailing nalang at napapatawa nalang siya sa sinabi ni Jane

"Paano kung dumaan kami dito ulit?,"tanong ni Angela,"Lalabanan ba namin kayo ulit?,"

Nagkatinginan naman ang mga engkanyo dahil sa tanong ni Angela sa mga ito

"Papadaanin niyo ba kami ng maayos?,"tanong niya

"Oo,"diretsang sagot ng pinuno ng mga iyon na ang mismong matanda

"Sigurado po kayo?,"tanong ni Angela na may paninigurado

"Oo, may isang salita ako, basta pakawalan niyo lang siya,"ani nito kaya bjnitawan na niya iyon,"Baka maaari alisin muna din ang nilagay mong orasyon sa kanya,"

"Kusang maaalis iyan,"ani niya,"Oras na makaalis na kami dito sa mundo ninyo, pwede magtanong?,"

"Ano iyon?,"tanong na sagot ng matanda habang inaalis ang pagkakatali sa engkantong iyon

"Ilang oras pa ang nalalabi bago sumapit ang gabi sa bayan ng mga aswang?,"tanong niya

"Kakasikat pa lang ng araw sa Baryo nila,"tugon ng matanda,"May limang oras pa kayo para makahanap ng matutulugan doon at mailigtas ang Reyna at ang Prinsesa ng mga taong kabute at ng mga engkantada,"

"Sige,"ani niya sabay talikod at nagsimula ng maglakad palabas ng Baryo Anakraw, agad naman sumunod ang dalawa sa kanya, hindi niya pinansin ang dalawa,"Bilisan ninyo, para may oras pa tayo, maligo muna tayo samay ilog bago magpatuloy sa paglalakad,"

"Sige,"pagsang ayon ni Jane

"Nangangati na din ako,"angal ni Angela kaha napairap nalang siya, pero napasimangot ng batuhin siya nito ng maliliit na bunga na napipitas nito sa daanan

"Umayos ka,Gela!,"saway niya,"Baka di na tayo maligo kapag nainis ako,"

"Oo na,"ani ng dalawa na nagtawanan nalang

Tahimik nilang binagtas ang makipot na daan papunta sa ilog kung saan sila tatawid papunta sa Bayan ng mga Aswang

Namamangha sila habang papalapit sila sa ilog, nakakakita sila ng mga isdang tumatalon talon mula sa ibabaw ng tubig na tila naglalaro at nagpapaligsahan

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon