Chapter 61

504 43 7
                                    

A/N

Hello po

Happy New Year po sa ating lahat

Pasensiya na po kung di po ako kaagad nakapag update✌✌✌😊😊😊

Bz lang po talaga sa trabaho this past weeks

Sana po ay naintindihan niyo din po ako🙏🙏🤗🤗


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 61°°°

•••Third Person's POV•••

Linggo, ganap na Alas Dosng madaling araw

"Good morning, Sister Angela,"kurong bati ng tatlong binata sa kanya

"Magandang umaga din,"bati ni Angela sabay tingin sa dalawang babae na kasama nila bago sila tinignan na tila nagtatanong

"Siya po si Jane,"ani ni Calvin,"Kasintahan ko po siya, gusto din po niya sumama,"paliwanag nito na napapakamot nalang sa batok habang napapangiti ng alanganin

"Gusto ko din sumama,"ani ni Jorie sa kanya

"Tinatanong ba kita?,"mataray na pambabara niya dito na ikinatawa ng apat na kasama nito,"Keaga aga panira ka ng araw eh,"sabay busangot

"Pasensiya na po, Sister,"ani ni Jude na tila napapahiya dahil sa pag uugali ng pinsan nito,"Ako na po bahala sa kanya, promise,"

"Ok lang, Jude,"sabay tapik sa balikat ng binata,"Tara na para makarating na tayo sa pupuntahan natin, delikado kapag na stranded tayo sa San Agustin,"habang naghihintay sila ng masasakyan na maghahatid sa kanila sa terminal

"Bakit ano po ang mayroon sa San Agustin, Sister?,"tanong ni Jane na halata niyang mabait

"Baya ng mga aswang iyon,"tugon niya,"Baka doon na stranded si Vleane kaya ilang araw pa bago siya nakauwi sa San Nicholas,"

"Talaga po?,"gulat na tanong ni Jane,"Ano po ang nangyari sa kanya sa San Agustin?,"

"Baka nakipag patayan na naman sa mga aswang,"sabay ngiti

"Wow ang astig,"bulalas pa nito na tila tuwang tuwa

"Mabuti at di naging lamang tiyan,"singit ni Jorie sabay ismid sa kanila

"Baka ikaw,"ani ni Sister Angela,"Kung hindi ka makikisama baka maging lamang tiyan ka doon,"natawa nalang si Jane na halata niyang ayaw din nito sa babaing pulisna kanilang kasama dahil sa kagaspangan ng pag uugaliat asal nito sa kanila

Ilang sandali pa ay nakasakay na sila ng jip na maghahatid sa kanila sa terminal, dahil kailangan na ang first trip ang masakyan nila para makarating sa San Agustin ng umaga

Dahil sa magdamag ang biyahe papunta doon bago sila sasakay ulit papunta naman sa susunod na Bayan bago ang San Nicholas

"Nasabihan ko na si Veronica,"ani niya,"Siya ang susundo sa atin kasama ang kaibigan niya,"

"Hindi po kasama si Vleane?,"tanong ni Jude, habang si Luca ay tahimik lang at tila naiirita sa katabi nito na tila sawa kung makapulupot sa braso

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now