Chapter 66

524 49 3
                                    



-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 66°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan,

"Kamusta ang tulog ninyo mga apo?,"tanong ni Lolo Ernie sa kanilang lahat,"Nakatulog ba kayo ng maayos? Kamusta naman ang pag welcome sa inyo ng mga aswang?,"

"Magandang umaga din po Lolo,"bati nilang lahat at sabay sabah na napatawa dahil sa tanong ng matanda

"Grabe po pala ang pawelcome niyo dito,"bulalas ni Jude,"Nakakatakot, nakaka panginig ng buto at higit po sa lahat halos mawala na ang kaluluwa namin dahil sa mga nakita po namin,"

Natawa lang si Lolo Ernie habang napapangiti nalang si Vleane dahil sa sinabi ni Jude sa kanyang Lolo,

Nawala lang ang ngiti niya ng magtama ang mga mata nila ni Lucas, ngumiti iyon sa kanya kaya napairap nalang siya dito, pasalamat nalang siya at walang nakatingin sa kanila kaya napahinga nalang siya ng maluwag

"Ang dami pong aswang,"ani naman ni Jane,"Pero ang nakakabilib po talaga ay ang galing ni Vleane sa pakikipaglaban, para siyang isang bida ng isang horror movie,"sabay ngiti at palakpak, kaya napapailing nalang siya sa dalaga

"Mabuti nalang at sinalubong niya kayo,"ani ni Lolo Ernie,"Kundi baka naging lamang tiyan na kayo kagabi,"

"Muntik na po ako, Lolo,"ani ni Cris,"Buti po at dumating kaagad si ate Vleane, kundi baka nauna na po akong naging lamang tiyan,"

Tinawanan naman nila si Cris dahil sa pagkukwento nito at kasama pa pati panlalaki ng mata nito,

"Pasalamat ka talaga at dumating sa tamang oras si ate Vleane,"ani ni Brent,"Kundi wala kana ngayon, ahahahaha,"

Napapailing nalang siya dahil sa pag aasaran ng mga kasama niya

Dito na niya pinatulog ang magkapatid kagabi matapos silang maihatid ng mga ito, hindi na nila iyon pinayagan na umalis dahil sa delikado na sa daan lalo pa at pasado na alas dose ng hating gabi ng sila ay makaratinh sa bahay nila

"Paano kapag malaman nila Rigor ang nangyari?,"tanong ni Lolo Ernie sa kanya

Kibit balikat lang ang kanyang sagot sa kanyang Lolo pero nakatingin lang siya sa labasng bahay, nakita niya doon ang mag inang Rigor, masama ang mga titig ng mga iyon

"Mag iingat at maghanda lang po tayo,"ani niya sabay ngisi sa mag ina na bigla nalang ding nawala matapos niyang mangisihan ang mga iyon,"Sigurado po akong babalikan nila tayo,"

"Magsipag almusal na muna tayo bago tuluyang umuwi itong dalawa,"ank ni Lolo Ernie kaya kaagad silang nagsipagdulog sa hapagkainan matapos makapaghain ni Veronica

Masaya silang nagku kwentuhan at kamustahan habang pinagsasaluhan ang masaganang almusal







Samantala,

Sa bahay nila Rigor, halos ang pagdadalamhati at ang pag iyak ng kanilang ina ang madidinig sa buong kabahayan

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon