Chapter 117

416 34 1
                                    


°°°Chapter 117°°°

Kinahapunan,

Nakatingin sa malaking buwan si Vleane, hapon pa lang at pasado alas singko iyon, pero ang buwan ay napakalaki at bilog na bilog iyon

Hindi pa iyon gaanong mapula, pero alam niya na unti unti iyon pupula habang dumadaan ang oras at lumalalim ang gabi, kaya alam niyang delikado iyon lalo na sa mga taong nakatira doon sa Sitio

"Panganib,"ani ni Lola Lilia,"Lubhang napakatahimik ng buong paligid, dati rati may mga panggabing huni ng mga insekto, pero ngayon kahit hangin ay wala akong madinig,"

"Tama ka po, Lola Lilia,"tugon niya na hindian lang tumitingin sa katabi,"Kahit ang mga uwak wala po akong madinig,"

"Kakaiba kang dalaga,"ani nito,"Nararamdamab ko anh kakayahan at kapangyarihan mong taglay, ikaw ay isang manggagamot at babaylan tama ba ako? May mutya ka at may gabay ka,"

Nilingon niya ang matanda, ngumiti ito sa kanya, ibinaling niya ang tingin sa buwan at alam niyang anumang oras ay kakalat na ang dilim

"Pumasok na po tayo,"yaya niya sa matanda

"Apo,"tawag nito sa kanya,"Lakasan mo ang loob mo sa mga pagsubok na darating sa buhay mo, huwag kang magpapadala sa galit at poot dahil pwedeng mawala sayo ang iyong gabay at mapunta ka sa kasalanan at sa kaliwang kakayahan,"

Napahinto nalang siya dahil sa nadinig kay Lola Lilia, pero hindi siya kumibo, nagpatuloy nalang siya sa paglalakad papasok sa loob ng bahay

Habang ang mga kapitbahay nila ay unti unti na din na nagsipagpasok sa kani kanilang mga kabahayan

Naghanda na din ang mga iyon sa pagsalakay ng mga abwak at mga uwak, mga pinatulis na bagakay at kawayan at mga hinasang itak na matagal ng inihanda ng mga kalalakihan

Pumasok na sa loob ng bahay sina Vleane kasund ang matanda na alam niyang may kakayahin din kahit na papaano

Tahimik na naghanda ng kanilang hapunan ang kanyang mga kasama habang siya ay dumiretso sa isang silid para magdasal at mag orasyon, inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa pagsalakay ng mga abwak ng gabing iyon

Kinakabahan naman ang lahat ng mga taga Sitio dahil sa napakatahimik ng buonh kapaligiran ng mga sandaling iyon, dagdagan pa ang napaka maalinsangan na ihip ng hangin na kanilang nararamdaman

Pagpatak ng ala sais ng hapon ay wala ng makikita kahit ni isang tao o bata sa labas ng kabahayan

Ang lahat ay nasa loob na ng kani kanilang mga bahay, kumakain ng hapunan at nagdarasal, habang ang mga kalalakihan naman ay naghahanda sa paglusob ng mga abwak sa Sitio







Alas Diyes ng Gabi

Bumasag sa katahimikan ng gabi ang malalakas at sunod sunod na huni ng mga uwak, paikot ikot iyon sa buong Sitio

Napakaraming uwak ang nagliliparan at humuhuni ng malakas, ang ilan ay nakadapo na sa mga puno habang nagmamasid sa kapaligiran

Dahil maraming puno sa Sitio ay napaikutan na ang kabuuan ng Sitio, nakahanda na ang mga uwak sa paglusob habang nag iingay ang mga iyon

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon