Chapter 95

440 45 2
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 95°°°

•••Third Person's POV•••

"Basta mag iingat kayo sa matandang iyon,"babala ni Aling Demi,"Kagaya ko nalinlang lang din ako at nadaya kahit na nanalo na ako sa dwelo namin,"malungkot na saad nito

"Bakit hindi na po kayo nakaalis dito?,"takang tanong ni Angela

"Hindi na ako binalikan ng mga kasama ko, halos lima kaming magkakaibigan na napadpad dito,"kwento nito na punong puno ng hinanakit at lungkot,"Kamusta na ang pamilya ko?,"

"May mga apo kana, Aling Demi at isang Doktor ang bunso mo,"nakangiting ani niya,"Miss na miss kana din nila,"

Napaiyak nalang ang babae dahil sa sinabi niya, niyakap niya iyon

"Isama na natin siya pagbalik natin,"ani ni Jane,"Kapag manalo tayo,"

Umiling nalang si Aling Demi sa sinabi ni Jane, habang pinupunasan ang luha nito

"Heto pakibigay nalang sa mga anak ko,"ani nito sabay dukot sa bulsa nito ng isang katamtamang lagayan ng ginto na kagaya ng ibinigay ni Tandang Kabute sa kanila,"Heto para din sa inyo,"at isa pang maliit na lagayan ang iniabot sa kanya

"Makakarating po ito sa kanila,"pangako niya dito sabay na inilagay sa loob ng kanyang bag

"Madali niyo lang sila matatalo kung hindi kayo dadayain,"ani nito,"Pisikal na lakas lang ang kanilang ginagamit sa mga dwelo, kapag alam nilang dehado na sila saka sila mandadaya, kaya maging alisto kayo sa mga panalo niyo,"

"Salamat po,"ani niya sabay yakap sa babae,"Sana ay mabalikan kapa namin dito,"

"Sige, nandiyan na sila,"ani nito saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay ng matandang engkanto

Kaya umalis na din sila, inayos ang kanilang mga sarili, at ilang sandali pa ang ay dumating naang mga ito, lumingon sa loob ng bahay ang matanda para siguraduhin na hindi nila nakita ang alipin niyong mortal

"Mag uumpisa na po ba tayo?,"tanong niya para hindi na ito magtanong pa sa kanila

"Masyado kang atat, mortal,"ngising ani ng binatang engkanto na gusto siyang asawahin,"Masyado mong minamadali ang pagiging asawa mo,"ngumisi siya dito

"Asa ka pa, berdeng engkanto,"ani niya sabay ngisi,"Over my dead body,"sabay belat niya dito

Napakunot noo nalang ito dahil sa hindi nito naintindihan ang kanyang sinabi kaya natawa nalang siya

"Sumunod kayo sa akin,"yaya ng matandang engkanto, kaya napasunod nalang silang tatlo

Lumingon siya sa bahay nito at nakita pa niyang ngumiti at kumaway si Aling Demi sa kanila

Ipinapangako niyang dadaanan nila iyon sa oras na makompleto na sila at pabalik na sila sa kanilang mundo







Sa Pusod ng Anakraw

•••Jane's POV•••

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now