Chapter 33

494 36 3
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 33°°°

•••Third Person's POV•••

Pansin din nila na abala ang lahat sa kani kanilang mga ginagawa, ang ilan ay abala sa pagkakatay ng baboy, manok at baka, habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto kaharap ang naglalakihang kawa at kaldero sa harapan ng kani kanilang bahay

"Mukhang may handaan sila o kapistahan dito ah,"puna ni Jude ng makarating na sila sa mismong Sitio nila Jessa

"Oo nga,"pagsang ayon naman ni Calvin sa pinsan

"Mukhang iba ang kanilang kapistahan ah,"dinig ni Lucas na bulong ni Vleane,"Talaga bang sa gabi kayo naghahanda at nagdiriwang ng inyong kapistahan?," baling kay Jessa na nasa tabi nito

"Oo,"diretsang tugon ni Jessa,"Tara, sumunod kayo sa akin, malapit lang ang aming bahay,"wika nito

"Sige,"kuro nila sa dalagita, kaya ng huminto ang sasakyan ay kaagad na silang nagsipagbabaan doon

Kaya nagpatianod nalang silang apat na sumunod sa dalagita, maya maya pa ay nagawa na nilang makarating sa bahay nito, pansin nila ang mga kabahayan doon ay tipikal na talagang bahay ng mga taga probinsiya, gawa sa pawid ang bubong at halos gawa din sa kahoy ang kabuuan ng bahay

"Tara pasok kayo,"yaya nito sa kanila,"Huwag po kayong mahihiya mga kuya at ate,"pag aanyaya nito na kaagad silang sumunod at pinaupo sa upuang yari sa kawayan na nasa pinaka sala ng kanilang bahay,"Sandali lang po ha?,"

Nagpaalam iyon sa kanila, pero bago pa sila nito maiwanan ay biglang may dumating na isang matanda, na napag alaman nila na ama nito

"Oh, anak,"ani nito,"Sino ba ang tatlong binata na ito at may kasama pang Madre? Mukhang hindi naman sila taga dito ah?!,"may galit na mababakas sa boses nito

Napangiwi naman si Vleane dahil sa kakaibang amoy na kanyang naamoy sa bagong dating na lalake, pero hindi siya nagpahalata dahil baka mapalayas pa sila ng wala sa oras kapag sinabi niya ang naaamoy niyang mabaho

Bago pa ulit makapagtanong ang lalake ay kaagad naman na nagpaliwanag ang dalagita simula ng makita nila ito at inihatid doon sa Sitio nila

"Ama,"ani ni Jessa,"Ang dalawa po sa kanila ay ang apo ng manggagamot na iyon,"ani nito, matapos maipaliwanag kung sino sila at kung ano ang ginagawa nila doon

"Ano? Sino sa kanila?," takang tanong ng ama nito kay Jessa, na nilingon pa ang tatlong binata at sinipat sipat

"Hindi po ako sigurado ama,"tugon ni Jessa,"Malalaman po natin mamaya,"nakangisi nitong turan sa kaharap

Naguguluhan man silang apat dahil sa mga pinag uusapan ng mag ama ay hindi na nila nagawa pang magtanong dahil sa nahihiya sila at isa pa nahahalata nila na tila galit ang ama nito sa kanila dahil dumating sila na walang kaabog abog sa bahay nila

"Sandali lang mga kuya at ate,"paalam ni Jessa,"Ihahanda ko lang ang ating hapunan,"

Napatango nalang silang apat sa sinabi nito, kaagad na umalis ito kasama ang ama nito na mababakas pa din ang galit sa boses at mukha nito, nilingon pa sila at isa isang tinignan bago tuluyang umalis doon

"Mukhang highblood ang tatay niya,"dinig nilang wika ni Vleane,"Baka kasi puro karne ang kinakain kaya highblood,"

"Oo nga, pansin ko din,"pagsang ayon naman ni Calvin,"Madali mamamatay iyon kasi nga highblood,"nadinig pa ni Lucas na napatawa sandali si Vleane bago tumigil, nagtawanan naman ang dalawang pinsan niya dahil doon

"Hindi kaba naiinitan sa suot mo, Sister Vleane?," tanong ni Jude sa katabi,"Ako ang init na init sa suot mo eh,"

"Manahimik ka,"saway niya sa binata,"Igalang mo ang suot ko,"sabay irap

"Kung hindi ka lang Madre,"ani ni Calvin,"Iisipin kong bagay kayo ni Lucas, pareho kayong masungit at pala irap,"

"Calvin!," may diing saway ni Lucas kaya napatawa nalang si Jude sa pinsan,

"Iyan pa ang pinansin mo, alam mo naman iyan, highblood din,"ani ni Jude sabay tawa kaya nabatukan sila ni Lucas ng wala sa oras

"Kaya nga eh,"ani ni Calvin na hindi man lang ininda ang pagbatok sa kanila ni Lucas na hindi naman kalakasan

Napapailing nalamg si Vleane sa magpipinsan, na kahit na hindi magkakapareho ng ugali ay magkakasundo naman silang tatlo lalo na sa kalokohan

Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na si Jessa na nakangiti sa kanilang apat

"Tara na at kakain na po tayo ng hapunan,"pagyayaya nito sa kanilang apat

"Ok,"pagsang ayon nila sa dalagita

Kaya kaagad naman silang napatayo at mapasunod sa dalagita na nagpunta na sa kusina, doon ay nakita nila sa malaking lamesa ang mga nakahain na ulam

Lahat ay puro karne at mukhang masasarap ang mga iyon kaya natakam ang dalawa maliban kina Lucas at Vleane

"Oh diba, kaya highblood kasi puro karne ang ulam,"dinig nilang bulong ni Vleane kaya hindi napigilan ng tatlo na mapangiti sa katabi,"Wala ba kayong gulay o isda?," nakasimangot na tanong niya sa dalagita

"Pista po kasi ate kaya puro karne po ang handa namin,"sagot ni Jessa sa kanya,"Wala po eh, di uso iyon dito sa amin,"paliwanag nito,"Upo na po kayo at para makakain na po,"

Nakaramdam kaagad sila ng gutom ng makita ang masasarap na ulam na nakahain, kaagad naman silang naupo para umpisahan na ang pagkain,

"Kain lang po kayo,"ani ni Jessa,"Huwag po kayong mahihiya, saka kapistahan ngayon kaya marami po kaming handa,"

"Naku, maraming salamat, Jessa,"ani ni Calvin,"Nag abala pa kayo, hayaan niyo makakabawi din kami sa inyo,"

Ngumiti lang si Jessa matapos madinig ang mga sinabi ni Calvin sa kanya

Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na din sa paghahapunan, dinala sila ni Jessa sa sala para makapagpahinga ay makababa ng kanilang mga kinain, bigla nalang silang nakaramdam ng matinding pagkahilo

"Ang ulo k.....," hindi na naituloy ni Calvin ang sasabihin dahil kaagad iyon bumagsak sa upuan at nawalan ng malay tao

"Ako di...,"ani naman ni Vleane pero bumagsak na din ito

Nauna ng nawalan ng malay si Calvin, sumunod naman ay si Vleane bago si Jude, unti unti ay nakakaramdam narin siya na anumang oras ay mawawalan na din siya ng malay tao

Pero bago pa tuluyang mawalan ng malay tao si Lucas ay naaninag niya ang paglapit ni Jessa sa kanila at kitang kita niya ang pagngisi nito ng tila nakakaloko habang may hawak iyong mga lubid

Iyon na ang huling nakita ni Lucas bago pa siya tuluyang mawalan ng malay tao, nahiga sa tabi ng kanyang mga kasama na wala na ding malay tao ng mga sandaling iyon








Itutuloy

Aswang Killer: Season 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें