Chapter 07

649 55 4
                                    

A/N:

Heto po ang unang pagpatay ni Vleane sa mga aswang lalo na kay Sister Jessica

Kaya abangan po natin ang kanyang pakikipaglaban sa dalawang alagad ng Simbahan na naging malapit din sa kanya

So tara na po umpisahan na po natin ang pagbabasa

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 07°°°

Alas sais ng Gabi

Nakahanda na ang lahat, para sa paghahanap sa dalawang alagad ng simbahan, naka pwesto na sila sa paanan ng kabundukan kung saan may nakakita na doon nagtungo ang dalawa ng hapong iyon

May ilan na duda sa sinasabi nina Vleane kagaya nina Calvin at Lucas, dahil matagal na nilang kilala ang dalawang iyon, pero kailangan nilang sumunod sa ama nito dahil gusto na din nilang matapos ang patayan sa kanilang Baryo

May iba naman na nagtiwala sa kanila sa tulong naman ng ama ni Lucas, kaya nandoon sila at nag aabang sa pagbabalik ng dalawang alagad ng simbahan

Inabot na sila ng ilang oras doon at nilalamok na pero hindi pa din nila nakikita ang dalawang inaabangan nila

Nasa isang puno nakatayo si Vleane habang pinagmamasdan ang kanyang langis na kumukulo, kaya napangisi nalang siya

"Magtago po muna kayo,"bilin niya,"Papalapit na po sila, kailangan ko po na makausap silang dalawa,"

"Sige po,"pagsang ayon ng mga iyon kaya kaagad na nagsipagtaguan ang lahat habang nakaupo siya sa malaking bato at hinihintay ang dalawa na pababa na ng kabundukan

"Kamusta?," bati niya, ilang sandali pa ang nakalipas ng matanaw niya ang dalawa na papalapit,"Mukhang nagtagal kayo doon ah,"

"Ikaw,"ani ni Father Romano,"Ibalik mo ang kinuha mo sa kanya,"

"Ah, heto po ba?," sabay pakita ng dila ng Madreng si Jessica na kumikislot kislot sa loob,"Sister Jessica, bakit di ka po makapagsalita?," tanong niya

Umuungol lang sa galit ang Madre at akma nitong hahablutin ang lagayan ng dila nito pero mabilis na naiiwas iyon ni Vleane

"Ooppssss,"ani niya,"Kayong dalawa ang salot ng Baryong ito,"ani niya,"Nagpapanggap na alagad ng simbahan at ng Diyos pero pumapatay at kumakain ng nilikha NIYA?,"

"Ibigay muna ang kailangan namin!," mabalasik na saad ni Father Romano,"Kung ayaw mong maging hapunan ka namin,"

"Hindi po ako natatakot,"saad niya,"Lumabas na po kayong lahat!," sigaw niya

Mula sa magkabilaang panig ay lumabas ang mga tanod doon at ang ilang kalalakihan na kasama nila

Bumalasik ang mga mukha ng dalawa ng makita ang mga taong nakapaikot sa kanila ni Jessica na ngayon ay galit na galit kay Vleane

"Kapatid ko,"ani ni Father Romano,"Lalaban tayo hanggang sa huli,"pagsabi niyon ay kaagad na silang nagpalit ng kaanyuan

Naging malalaking asong itim ang dalawa, na may mapupulang mga mata at mabalasik na kaanyuan, humanda na din ang lahat ng nagsimula ng unatake ang dalawa, inilabas na din niya ang kanyang pilak na kutsilyo at ang buntot ng pagi na ibinabad niya sa holy water at sa mga orasyong buhay

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon