Chapter 03

821 62 7
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 03°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan, habang nag aalmusal silang mag anak ay biglang dumating si Calvin doon para yayain na siya

"Insan, daan muna tayo sa Barangay Hall,"ani nito,"May meeting daw at kelangan natin makinig, bilin ni Kapitan,"

"Bakit pati tayo kasama?," nakasimangot niyang tanong,"Sa prisento tayo at hindi sa Barangay Hall,"

"Eh kailangan daw tayo doon sabi ni Kapitan,"ani nito,"Mano po tiya, tiyo,"ani nito sabay lapit sa mga magulang niya,"Diba tiyong kasama din kayo sa meeting na iyon?,"

"Aba oo, Calvin,"tugon ng ama niya,"Magroronda na din kami simula mamayang gabi,"sabay higop ng kape,"Mag almusal kana muna at pagapsensiyahan muna iyang pinsan mong masungit, kaya walang nobya kasi napaka sungit,"sabay tawa

"Si Tatay talaga,"napapakamot nalang ng ulo si Lucas habang inaasar siya ni Calvin,"Sabay sabay nalang tayo nila tatay,"

"Aba mabuti pa nga,"tugon ni Calvin,"Nasa Barangay Hall ang motor ko, makisabay nalang tayo sa owner ni Tiyo,"

"Oh siya sige,"ani ng Tatay niya,"Magbibihis muna ako habang nag aalmusal kayo,"sanay tayo nito,"Nailibing na ba ang pinsan mo, Calvin? Nakikiramay kami, grabe pala ang ginawa sa kanya,"

"Oo nga po, Tiyo,"tugon nito na biglang nalungkot,"Sino kaya ang gumawa niyon sa kanya? Sayang lalas pa naman ng tama noon kay Lucas eh,"sabay tawa

"Sira ulo!," sabay hampas ng diyaryo sa braso nito na ikinatawa naman nila,"Patay na iyong tao ginagawan mo pa ng kwento, multuhin ka sana,"

"Eh sa totoo naman eh,"dagdag pa nito,"Ang tagal niyang naghintay para bumalik ka dito, bumalik ka nga kaso patay naman na siya,"

Napailing nalang siya sa mga pinagsasabi nito bago binilisan ang pagkain, dahil nakabihis na ang kanyang ama at anumang sandali ay aalis na sila

Makalipas ang ilang sandali ay sakay na silang tatlo ng owner jeep ng ama niya patungo sa Barangay Hall para makinig at dumalo sa meeting na inihanda ng kanilang Kapitan







Kinahapunan,

Tapos na ang duty nina Calvin at Lucas kaya nagpasya na silang umuwi dahil sasama pa sila sa kanyang Tatay sa pagroronda dahil natatakot siyang baka mapahamak ito

Mapag usapan naman nilang dalawa ni Calvin na doon nalang sa bahay nila magkita kita para isahang sasakyan lang ang gagamitin nila dahil sama sama naman silang tatlo sa isang grupo

"Handa kana ba anak?," tanong ng tatay niya,"Kumain na muna tayo bago umalis,"

"Sige po, Tay,"tugon niya na inaayos ang baril at ang itak na gagamitin nila ng ama

"Mag iingat kayong apat dito,"baling naman ng kanyang ama sa kanilang Nanay at sa tatlo niyang kapatid,"Isarado ninyong mabuti ang mga bintana at pintuan, maglagay ng pangontra sa aswang,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now