Chapter 96

434 40 3
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 96°°°

•••Third Person's POV•••

"Tara sa susunod niyong paglalabanan,"pagyayaya sa kanila ng matandang engkanto

Kaya sumunod silang lahat dito kasama kung saan kailangan din nila ulit na manalo

"Ilang dwelo ho ba ang kailangan namin para manalo?,"tanong ni Vleane sa matanda

"Isang dwelo nalang pero katumbas niyon ay dalawang puntos,"tugon nito sa kanya

"Tapos pwede na kami makakuha ng kubo at mga sandata?,"tanong niya ulit dito na tumango lang ito kaya napatango nalang din sila at napangiti

Huminto sila sa isang malawak na kapatagan, kung saan tuyo na ang lupa at maging ang mga halaman at damo ay mga namatay na din dahil sa tindi ng init

"Ang init,"dinig niyang angal ni Angela,"Siguro alas dose na,"

"Ang init,"reklamo ni Jane sa katabi,"Kung kami ang mapipili paki cheer po kami ha?,"

"Oo,"tugon nito sa kanya,"Ano hong paglalabanan ninyo? Saka Angela nalang itawag mo sa akin, tutal tatlo lang naman tayo ang nakakarinig at walang nakakakilala sa atin,"

"Sige,"tugon ni Jane

"Ayun!,"turo nito ang isang stage na kagaya sa mga boxing, may mga harang sa buong paligid niyon

"Magba boxing tayo?,"bulalas ni Jane na napanguso,

Nakita nilang na ang bawat taling nakapaikot sa stage ay may mga tinik, kaya ang sinumang mapapadikit doon tiyak na magtatamo ng sugat sa katawan

"Bawat sugat na matatamo ninyo ay bawas sa puntos kapag matatamaan ninyo sila,"paalala nito,"Oras na sumigaw ako ibig sabihin tapos na ang laban, ang mapapalabas sa bilog na iyan at ang mawawalan ng malay sila ang talo,"

"Ganoon? Dagdag bawas ang puntos?,"takang tanong ni Angela kaya napapailing nalang siya sa sinabi nito

"Oo ganoon na nga,"ani nito,"Kung pwede lumpuhin ang kalaban gawin niyo at patulugin niyo, heto gamitin niyo,"sabay abot ng telang pambalot sa mga kamay nila, kagaya ng sa boxing, may telang ibabalot sa loob bago isuauot ang gloves

Pero sa dwelo nila ay walang gloves kundi mga tela lang na pambalot sa kanilang kamao

"Sino po ang maglalaban?,"tanong niya sa mga ito

"Kaming dalawa,"ani ng engkantong gusto sila mapangasawa at sabay turo sa kanya at kay Jane na halos maiyak na sa sobrang inis

"Simulan na ang laban!,"utos ng matandang engkanto

Kaya kaagad silang naglakad papasok ng stage para labanan ang dalawang engkantong gusto sila asawahin at gawing alipin

"Kaya niyo yan, Jane!,"pang chi cheer ni Angela,"Isipin niyo nalang na kalaro niyo ang true love niyo,"sabay tawa niya

"Yuuuck ka, Gela!,"tinawag na naman siya nito sa palayaw niya, kapag naiinis ito at naglalambing ay iyon ang tawag sa kanya,"Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo!,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now