Chapter 13

677 44 5
                                    

A/N:

Ang Chapter 12 po ay kasunod ng Chapter 46, kasi nagloko po ang wattpad ko nung nag update po ako

Kaya nawala po ang Chapter 12, ngayon ko lang po nabasa dahil nag eedit po ako ng ilang Chapters

Salamat po, ingat po kayo

And happy reading po

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 13°°°

Kinaumagahan,

"Kamusta na ang pakiramdam mo?," tanong niya kay Lucas ng makitang nagpipilit itong makabangon

"Masama pa din,"nakangiwi nitong sagot,"Masakit ang buong katawan,"sabay tawa ng mahina

"Tulungan na kita,"inalalayan niya iyong makaupo para makapag almusal na din,"Almusal ka muna, tapos lilinisin ko ang mga sugat mo,"ani niya

"Salamat, Sister Vleane"ani nitong nakatitig sa kanya, habang inilalapag ang tray kung saan nakalagay ang kanyang almusal,"Pero sina Nanay nalang ang gagawa, nakakahiya sa inyo eh,"

Tumango lang siya bago iniabot ang gamot para sa sugat nito

"Nasaan nga pala sina Nanay?," tanong nito habang kumakain

"Tulog pa sa itaas,"sagot niya na yumuko at inaayos ang mga gagamitin para sa paglilinis ng mga sugat at galos nito

"Salamat sa pagliligtas mo sa akin at sa pagsama ninyo sa buong pamilya ko,"ani nito,"Ang galing mo pa lang makipaglaban, kanino mo natutunan ang lumaban? Gayong isa kang Madre?,"

"Ok lang yun,"tugon niya,"Sa isnag taong pinatay din ng mga aswang,"

Napatango lang si Lucas habang patuloy na kumakain ng almusal

"Saka galing din sa kanila iyong buntot ng pagi na ginamit ko kagabi, meron din akong binsol ng pagi, iyong tinik na galing din sa buntot, ginawa ko iyong patalim,"paliwanag niya

"Ang galing naman,"puri nito,"Alam mo unang kita ko pa lang sayo, akala ko wala kang alam sa pakikipaglaban, para kasing ang hinhin mong kumilos at parang di ka makakapatay ng langgam eh, kasi isa ka ngang Madre"sabay tawa nito

Napangiti nalang siya, dahil iyon ang kauna unahang pagkakataon na nakita niya iyong ngumiti at tumawa

Dahil kapag nakikita niya ito o nasasalubong ay palaging nakasimangot o seryoso lagi kaya madami ang ilag sa binata

"Grabe ka naman,"ani niyang napapangiti,"Marami na din nagsabi niyan, lalo na noong nakasapok ako ng bastos na lalake,"

"Dapat lang na masapok mo iyon, kasi nga bastos eh,"patango tango pang sambit ng binata

"Kuya, talikod kana at uunahin ko na itong likuran mo bago iyang hita at tiyan mo,"ani ni Cassie na biglang sumulpot sa tagiliran nila,"Tapos kana pala kumain eh,"

"Salamat, Cassie,"ani nito sa kapatid na hinubad na ang suot nitong sando, maganda ang katawan nito at kahit sinong babae o bakla ay maglalaway dahil sa may abs iyon

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now