Chapter 76

484 43 1
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 76°°°

•••Lucas POV•••

Hindi ako mapakali lalo na ng malaman kong tumakas pala si Vleane at pumunta ng mag isa doon sa Baryo Guadalupe kung saan pinamumugaran na ng mga aswang at ang ilan sa mga nakatira doon ay nahawaan na din

Halos sabunutan ko ang sarili ko habang nasa biyahe kami papunta doon, si Jude na ang nag drive ng jeep nila Brent, buti nalang at hindi pa namin iuon naisasauli kanina kundi baka naglakad lang kami papaunta sa Baryong iyon na hindi namin alam kung saan banda

"Saan banda ang Baryong iyon?,"tanong ni Jude kay Nica, na pilit sumama kahit na delikado, katabi nito si Jude para siya ang magturo ng daanan papunta doon

"Sa kanang bahagi po ng Pamilihang Bayan, may kalsada po doon, diretso lang po kuya, tapos po sa unang kanto liliko ka po, doon na po ang papasok sa Baryo Guadalupe,"dinig mong paliwanag ni Nica

Kaya naman napatango lang ang pinsan ko, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, kung pwese lang lumipad para mas mabilis akong makarating doon ay ginawa ko na sana, kaso wala naman akong kakahayan o magic para makalipad eh

"Relaks ka lang, Sir Lucas,"tudyo sa akin ni Sister Angela na kababakasan ng panunudyo kahit na nasa ganoon kaming sitwasyon,"Ligtas si Vleane at makakarating tayo doon para tulungan ang kaibigan kong matigas ang ulo,"sabay ngiti sa akin

"Oo nga naman, kuya Lucas,"dagdag naman ni Nica,"Malakas at matapang po ang ate ko, kaya kakayanin po niya ang lahat ng iyon, saka po malapit na po tayo,"

Napatango nalang ako dahil sa sinabi ni Nica, mabilis kasi magpatakbo ng jeep si Jude kaya nakarating kami agad sa Pamilihang Bayan, kaagad niyang sinunod ang mga bilin ni Nica kaya naman mabilis at naka focus lang siya sa pagmamaneho

"Buti nalang at malalim ang tulog nuna Jane at Jorie,"ani ni Calvin na ikinakunot ng noo ko,"Baka sumama pa sila sa atin at baka mapahamak lang silang dalawa,"

"Ginamitan po sila ng orasyon ni Lolo,"ani ni Nica,"Para maging mahimbing po ang tulog nila, saka baka mapahamak lang po sila kaya ginawa iyon ni Lolo,"

Napatango nalang kami habang ako naman ay panay usal ng dasal para sa kaligtasan ni Vleane, hindi ako papayag na mapahamak siya lalo na at ngayon pa lang kami nagkakalapit at ngayon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may masamang mangyari sa kanya, kahit na may kakayahan siya at isa siyang Babaylan sa hinaharap na tutugis at papatay sa mga aswang

"Malapit na po tayo,"ani ni Nica na nagpabalik sa akin mula sa malalim kong pag iisip,"Kaya po maghanda na po tayo,"

"Sige,"tugon ko

Kaya naman mas binilisan pa ni Jude ang pagpapatakbo ng jeep papasok sa Baryo,

Dahil sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan at s ilaw ng jip ay natanaw na namin ang loob ng Baryo

Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang grupo ng mga aswang na kinakalaban na ni Vleane ng mga sandaling iyon, napasign of the cross kaming lahat st sabay sabay na napabulalas ng salitang 'Diyos ko po' dahil sa nga sa dami ng bilang ng mga aswang na kinakalaban ng babaing mahal ko

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now