Chapter 25

537 36 3
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 25°°°

•••Third Person's POV•••

Nakangising nakatingin sa kanilang dalawa si Jorie, lalong lalo na kay Vleane na nakataas pa ang isang kilay nito

Napairap nalang siya habang hinihintay ang isang Madre na siyang pumalit kay Mother Jessica, halos isang buwan pa lang ito doon sa Baryo San Gabriel pero naging magkaibigan kaagad ito at si Jorie na siyang may gusto kay Lucas noon pa man

"Humanda ka, Vleane,"ani nito sa kanya,"May kasama din siyang isang Madre na kilalang kilala mo,"nakangising saad nito sa kanya

"Ano bang kasalanan namin sayo ha? Bakit mo ito ginagawa sa amin? Lalo na kay Vleane?,"

"Para hindi na kayo sumama sa kinalingguhan,"saad nito,"Ayaw kong makasama kayo sa pagroronda! Nakakairita ang mga pagmumukha ninyo,"

"Bakit iyang mukha mo hindi ba nakakairita?," tanong ni Angela,"Para ka ngang reyna ng mga aswang eh, humarap kana ba sa salamin? Para makita mo ang pagmumukha mong panget, mas panget pa sa mga aswang!,"gigil na saad nito sa kaharap na babae

"Huwag munang pansinin yan, Gel,"saway ni Vleane,"Hindi siya worth it sa atensiyon natin, kaya kalma ka lang,"nangingiting awat niya sa kaibigan,"Relaks ok?,"

"Sabi mo eh,"kaya nanahimik na silang dalawa habang nagpuputak si Jorie, pero hindi na siya pinapansin pa ng dalawang kaharap niya

Hindi niya ulit pinansin ang kaharap nila, binuklat buklat niya ang isang magazine na nasa tabi niya, kaya lalong nanggalaiti sa inis si Jorie dahil binalewala lang siya ni Vleane

Nginisihan naman iyon ni Angela kaya lalong nabwisit sa kanilang dalawa

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng opisina ng isang Madre na siyang pinakamataas sa kanilang lahat

"Good morning Mother Santa and Sister Helena,"kurong bati nilang tatlo sabay yumuko sa dawalang Madre na nasa harapan nilang tatlo

"Goodmorning, Sisters,"kuro ng dalawa sabay upo sa harapan nilang tatlo

"Pinatawag niyo daw po kami,"ani kaagad ni Vleane, ayaw niya kasi ng paligoy ligoy dahil nababagot siya,"May problema po ba?,"

"Sister Vleane,"ani ni Mother Santa sa kanya, ito ang nagpadala sa kanila ni Angela doon sa San Gabriel,"Ano itong nababalitaan kong lumalabas kayo ng gabi at pumapatay ng mga aswang?," tanong nito sa kanya,"Alam mo bang labag sa batas ng simbahan ang sumama sa mga pumapatay o nagha hunting ng aswang?,"

"Bawal po ba?," balik na tanong niya,"Alagad po tayo ng simbahan at sa pagkakaalam ko ay hindi po iyon labag sa batas o kautusan ng simbahan. Ipinagtatanggol ko lang po ang mga naaapi at pinapatay ng nga kampon ng kadiliman, Mother,"

"Madre ka ba talaga o dapat na nagpulis kana lang? Kung iyon ang huli ang pipiliin mo mas mabuti pang sa eskwelahan ka mag aral at hindi dito sa kombento,"paliwanag ni Sister Helena, pansin niya na ngumisi ng palihim si Jorie

"Masama po ba ang tumulong? Tayo po ang alagad ng Simbahan at kailangan po natin labanan ang alagad ng Diyablo, pangalagaan ang sangkatauhan, Mother Santa at Sister Helena,"ani niya, pinigilan niya si Angela na sasagot sana,

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now