Chapter 32

484 42 5
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 32°°°

Alas Dos ng Hapon,

Nang magising silang tatlo at napagpasiyahan na nilang umalis doon sa karinderya, dahil sa napasarap ang tulog nila kaya hapon na sila ng magising

"Maghanda na kayo at aalis na po tayo mga Sir,"ani niya sa tatlong binata,"Hapon na po at mukhang napasarap ang tulog natin ah,"sabay ngisi

"Pasensiya na po, Sister Vleane,"ganting biro naman ni Calvin, nagagawa na kasi nitong makipagbiruan sa dalaga kaya kaya na nitong sakyan ang mga biro nito,"Heto naman nagpahinga lang po sandali kasi pagod po eh,"

"Oo na,"ani niya sabay talikod,"Alis na po tayo,"yaya niya sa mga iyon na kaagad naman na sinang ayunan nila

"Ako na ang magmamaneho,"ani ni Lucas ng akma ng sasakay at pupwesto si Calvin sa driver seat,"Alam kong pagod na kayong dalawa kaya ako nalang para makapag pahinga kayo,"

"Salamat, insan,"kuro ng dalawa at kaagad na silang pumasok para makaalis na doon dahil sa hapon na nga

Nagpatuloy lang sila sa pagbiyahe at sa daan na kanilang nakikita, habang patuloy pa din sa kwentuhan sina Jude at Calvin kahit na nasa likuran na nakaupo ang ang isa sa mga ito, tahimik pa din si Vleane habang nagmamasid lang sa paligid

Hindi na nila namalayan ang mabilis na pagdaan ng mahabang oras, dahil naging abala sila sa pag uusap

"Alas singko na,"ani ni Lucas at huminto sila sa isang tindahan para makapagtanong at makapag meryenda na din,"Tara baba muna tayo at magmeryenda, nangangalay na din ako sa kakaupo,"

"Mabuti pa nga,"tugon ng dalawa, tahimik lang si Vleane habang pababa ng sasakyan

"Magandang hapon po,"ani ni Jude,"Pabili nga po ng makakain,"tawag nito sa tindera na nasa loob

Ilang sandali pa ay may lumapit ng isang Ale at kaagad sila nitong pinagbilhan ng kanilang mga sinabi, pero pansin ni Lucas na matamang tinititigan ni Vleane ang Ale na panay naman ang iwas nito sa Madre na kasama nilang tatlo

"Manang,"ani ni Vleane,"Pwede po bang magtanong? Itong daan na po ba ay dire diretso lang patungo sa Isla? Medyo nagka problema lang po kami sa lokasyon?," diretsong tanong nito na ikinatahimik naman ng tatlong kaharap niya

"Naku, Sister,"nakayukong sagot nito,"Pasensiya na kayo at hindi pa po ako nakakarating sa lugar na iyon eh, kung kayat hindi ako pamilyar,"mahabang paliwanag nito,"Ganito nalang, subukan niyo nalang magtanong tanong sa mga taong madadaanan ninyo, baka matulungan nila kayo,"

"Salamat po,"kaagad na saad ni Vleane na nakatitig lang sa ale at pansin nila na tila naiilang iyon sa Madre na makipagtitigan at makipag usap

Sinunod nga nila ang payo ng Ale, matapos makapag meryenda ay kaagad silang umalis at nagpatuloy sa biyahe nila, ngunit sa kasamaang palad ay papadilim na ng mga sandaling iyon at kahit isang tao ay wala na silang nakikitang naglalakad sa labas o kahit saan

Kaya wala na silang nagawa kundi ang magpatuloy nalang sa pagbiyahe habang kumakalat na ang dilim sa buong kapaligiran

Halos mahigit dalawang oras na sila na nasa biyahe pero hanggang ngayon ay wala pa din silang nakikitang tao sa daanan, kalat na din ang dilim sa buong kapaligiran

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon