Chapter 65

476 47 5
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 65°°°

•••Third Person's POV•••

Nang madinig ni Vleane ang pagsigaw na iyon ay mabilis na niyang pinatakbo ang motor papunta sa talahiban kung saan niya nadidinig ang pagsigaw

Nakita niya din sa di kalayuan ang jeep at ang mga aswang na nakapaikot doon

Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng motor ng makitang lalapain na si Cris ng isang asong itim habang nakabantay naman ang dalawa pa nitong kasama

Iniangat niya ang unahan ng kanyang motor at sinagasaan ang dalawang may hawak kay Cris habang tinagpas niya ang ulo ng isa pa na nasa leeg ni Cris

"Ate Vleane?!," gulat na tanong ni Cris ng makilala siya,"Salamat po at dumating ka,"mangiyak ngiyak na saad nito sa kanya

Hindi niya iyon pinansin, pinagtuunan niya ang dalawa pang aswang na buhay, pinaandar niya muli ang motor at sinagasaan ang isa sa katawan nito bago sabay na tinaga ang ulo ng isa na kaagad naman niyong ikinamatay

"Tara na,"yaya niya kay Cris na kaagad na sumampa sa bandang likuran niya

Kaagad naman na yumakap sa bewang niya si Cris bago niya pinaharutot ang motot papunta sa pwesto ng jeep

"Ikaw na dito,"ani niya at tumayo habang inaabot naman ni Cris ang hawakan ng motor para hindi sila maaksidente,"Ayusin mo,"

"Opo,"tugon nito, itinaas naman niya ang laylayan ng kanyang belo bago inihanda ang sarili para sa paglaban sa mga aswang

Nasa harapan siya nakatayo habang inaaninag naman ni Cris ang daanan

Ilang sandali pa ay bigla siyang tumalon ng paikot, saktong sa bubungan siya ng jeep lumanding, kaagad niya pinagpapatay ang mga nasa bubungan ng jip na nag uumpisa ng butasin iyon

"Bigyan mo sila ng sandata!,"utos niya kay Cris ng makahinto na ang motor sa mismong pintuan ng jeep at sabay lingon sa mga kasama na nasa loob na tila nabuhayan at nagakaroon ng pag asa ng makitang buhay si Crisat may kasama pa ito

"Heto,"sabay hagis ng bag sa loob at may kinuha na din itong isang buntot ng pagi at nilabanan ang mga aswang

"Si Vleane,"nakangiting sambit ni Sister Angela

"Salamat naman at naisipan tayo ni ate na sundan at salubungin,"ani naman ni Nica sabay kuha ng sandata sa loob ng bag na hinagis ni Cris sa kanila

"Humanda na tayo,"ani ni Angela ng matapos makapili ng sandata

"Opo,"ani naman ni Jane sabay pakita ng isang matalas na patalim

Nagsipagtanguan naman ang lahat at inihanda na ang sarili para sa pakikipaglaban sa mga aswang







Samantala

Nagulat naman si Joey ng makita ang isang Madre na tumalon mula sa motor papunta sa bubungan ng jeep at kaagad na pinagpapatay ang nga aswang na nagsisimula ng butasin ang bubungan ng jeep

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now