Chapter 103

470 39 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 103°°°

•••Third Person's POV•••

Matapos ang masaganang pananghalian nila ay nagpahinga muna sila ng ilang minuto para maibaba ang kanilang kinain bago sila nagpasyang umalis dahil aabutin na sila ng kinabukasan bago makalabas sa Bayang iyon

May tatlo pang tikbalang kung saan sasakay sina Jane at Angela kasama ang apat habang siya ay kay Satyam sasakay

Dahil bilis na tinataglay ng mga tikbalang ay makakarating kaagad sila labasan ng Bayang iyon sa kinabukasan, dahil sa hindi pa kaya ng dalawang diwata at ng mag ina ang bilis ng mga tikbalang ay makikisakay muna ang mga iyon hanggang sa makarating sila sa kanilang paroronan

"Mag iingat kayo sa Merkado,"paalala ni Prinsipe Ikran habang nakasakay sila sa mga tikbalang na kaibigan nito,"Marami ang mapanlinlang doon, kahit na malaput lang doon ang Palasyo, marami ding masasamang kagaya namin, mga aswang at mga mortal na mahilig manlinlang ng kapwa nila,"

"Maraming salamat sa paalala Kamahalan,"ani niya,"Salamat at pinadaan mo kami ng matiwasay,"

"Walang anuman, Babaylan,"tugon nito,"Ang mahalaga ay ang matalo mo si Ronelio at para mawala na ang masasamang aswang dito sa mundo namin at sa mundo ninyo,"

"Makakaasa po kayo kamahalan,"sabay yuko niya,"Mauuna na po kami,"

"Sige, gabayan nawa kayo ni Bathala,"senyas nito bago kumaway sa kanila

Sa una ay dahan dahan lang na naglalakad ang mga tikbalang, sinasanay pa ang kanilang mga katawan at mata sa paligid

Ang dahan dahan ay unti unting bumilis, kaya napayakap ang dalawa niyang kaibigan sa leeg ng mga tikbalang na kanilang sinasakyan

Hanggang sa halos wala na silang makitang kahit ano sa paligid, para na silang hangin na dumadaan na parang kisap mata lang

Wala na silang maaninag sa paligid dahil sa bilis na tumakbo ng mga iyon

"Pumikit at kumapit lang kayo ng maigi sa kanila,"bilin niya habang nakikita sa magkabilaang gilid niya ang tatlong tikbalang,"Para hindi sumakit ang mga mata niyo, baka may biglang pumasok ng di natin nakikita,"

"Sige,"kuro ng dalawa sa kanya, kaya nakita niyang yumakap nalang ang mga ito sa leeg ng tikbalang

"Maaari din kayong matulg,"ani ni Satyam,"Kami ng bahala sa inyong lahat, saka hindi naman kayo mahuhulog basta nakakapit kayo sa leeg namin,"

"Salamat,"kuro nilang tatlo, ganoon din ang ginawa ng apat na kasama nila, kaya pumikit na din siya dahil nakaramdam na siya ng pagkaantok at dala na din ng pagod ay kaagad na siyang nakatulog maging ang mga kasama niya habang patuloy lang sa pagtakbo ang mga tikbalang na nakaalalay sa kanilang pagtulog







•••Vleane's POV•••

Naiirita ako sa mga nadidinig kong ingay sa paligid ko, gusto ko pang matulog ng mga sandaling iyon, pero maingay at isa pa nagsasalita si Angela na parang ginigising ako

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now