Epilogue

905 63 27
                                    


°°°Epilogue°°°

Tahimik lang habang umiiyak si Vleane, hindi pa ito nakakausap ng mga kasama nila kahit na ni Nica, inilibing din nila kaagad ng gabing iyon si Lolo Ernie sa likuran ng kanilang bahay

Nasa harapan siya ng puntod ng kanilang Lolo na katatabon pa lang ng lupa, habang sina Lucas ay pumunta sa kanyang kubo para palabasin ang pamilya nina Brent na doon itinago ni Lolo Ernie

Nag iyakan din ang mga ito matapos malaman na wala na ang butihing matanda, tango lang ang isinasagot ni Vleane sa mga sinasabi ng mga iyon habang nakakausap naman nila ng matino si Nica

Hindi siya umiimik kahit na kinakausap siya ni Angela, o Veronica o kahit si Lucas, kaya hinayaan lang siya ng mga ito na magluksa, iyak lang siya ng iyak at kung minsan ay sumisigaw siya dahil sa galit, sinisisi din niya ang kanyang sarili

Kung nakauwi lang sana sila kaagad ay nailigtas pa sana niya ang kanilang Lolo mula sa kamay ng hukluban na kaaway nito

"Anong plano niyo?,"tanong ni Mang Rommel habang kumakain sila ng hapunan ng mga sandaling iyon

Dahil hindi sila nakakain ng sumugod ang mga aswang kahit na dala nila ang kanilang mga pagkain na ibinilin naman ni Lolo Ernie sa kanila

"Uuwi na po kami ng San Gabriel,"tugon ni Lucas na nilingon si Vleane na nakatanaw sa bukas na bintana,"Nanganganib na din po ang mga pamilya namin doon,"

"Kailan ba kayo aalis?," tanong ni Mang Rommel sa kanilang lahat

"Baka po bukas o sa makalawa,"sagot na naman ni Lucas na hindi pa din inaalis ang malungkot na tingin kay Vleane

"Paano siya?,"tanong ni Maya, nakita na naman nila na tahimik lang itong umiiyak habang nakatulala

"Hindi niyo po pwede iwanan si Ate,"ani naman ni Nica,"Isama niyo na po siya pag alis niyo,"

"Paano ka?,"takang tanong naman ni Angela,"Hindi pwede na maiwan ka,"

"Hindi ko po maaaring iwanan si Lolo dito, kahit na wala na siya, itong bahay, pati na ang bukirin,"sagot ni Nica

"Wala kang kasama dito,"ani naman ni Jane

"Kami na ang bahala sa kanya, sa amin nalang muna si Nica,"ani ni Aling Alice,"Hindi namin siya pababayaan lalo na at may relasyon na sila ng anak naming si Brent,"

"Sigurado ka ba, Veronica?,"malamig na na tinig na tanong ni Vleane, nilingon nila ito pero sa labas pa din ng bahay nakatingin ang dalaga,"Kung hindi ka sasama sa akin, dito nalang din ako,"sabi niya

Nagkatinginan ang lahat, sabay tingin kay Lucas na kababakasan ng kalungkutan, dahil hindi nila makakasama sa pagbalik sa San Gabriel si Vleane

"Sasamahan kita dito,"sabi niya,"Ikaw nalang ang natitirang pamilya ko, ayaw ko na mawala kapa,"

"Pero ate, paano ang misyon niyo?,"tanong niya, hindi iyon umimik, kahit na anong tanong nito sa kanya ay hindi na siya umimik,"Si kuya Lucas?,"huling tanong ni Nica sa kanyang ate,"Ayos lang po ako kina Brent, ate, ang mahalaga ay ang misyon ninyo,"

Hindi na siya umimik, tumayo na siya at dumiretso sa sariling silid at pabagsak na isinarado ang pintuan na ikinagulat nilang lahat

Aswang Killer: Season 1Onde histórias criam vida. Descubra agora