Chapter 05

646 53 1
                                    

A/N

So heto po ang unang pagsagupa ni Vleane sa aswang at kung paano niya ito tutuklasin

So tara na po

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 05°°°

Tahimik ang Gabi, isang anino ang lumabas mula sa kombento, palinga linga habang dahan dahan na naglalakad para hindi makalikha ng ingay

Napatingala siya sa bilog at maliwanag na buwan, maya maya ay nakadinig siya ng alulong ng mga aso at di sa kalayuan ay nakakita siya ng dalawang anino na mabilis na tumakbo papasok sa Baryo

Dahil ang simbahan ay nasa bungad ng Baryo kaya kitang kita ang mga papasok at papalabas na sasakyan

Mabilis siyang tumakbo pasunod sa anino na kanyang nakita, mga kakaibang anino kaya kinabahan siya, pero bago pa siya makalayo ay may humawak sa kanyang braso

"Saan kana naman ba pupunta?,"tanong ni Angela sa kaibigang Madre,"Makikialam kana naman sa mga iyon?,"

"Gela, umayos ka,"masungit niyang saad,"Kung gusto mo sumama, sumama ka, heto ang pilak na itak,"sabay kuha mula sa likuran niya na nasa loob ng kanyang abito,"Kung ayaw mo mabuti pang matulog kana lang,"sabay waksi sa kamay niya at mabilis na tumakbo papasok ng Baryo

Napapailing nalang si Angela na napasunod sa kanya, dala ang pilak na itak na hindi nito alam kung paano nito naitatago sa loob ng abito ang mga sandata nito laban sa aswang

Nakita naman ni Angela na pumasok sa kakahuyan ang kanyang kaibigan, nakita niya na nakatago ito sa isang malaking puno

"Vleane, ano ang nangyayari?," takang tanong ni Angela,"May mga nabiktima na naman ba?,"

"Ssshhhh,"senyas niya sa madaldal na kaibigan, pinanlakihan lang niya iyon ng mata dahil magtatanong pa sana iyon sa kanya

Sumenyas siya na sumunod iyon dahil nakita nilang tinungo ng dalawang nilalang na patungo sa mga kabahayan na nasa bukirin

"May nanganganak sa loob,"ani ni Gela sa kanya,"Tiyak ang sanggol ang puntirya nila,"

"Tara,"yaya niya sa kaibigan patakbo nilamg tinungo ang bukirin kung saan nadidinig nila ang pagdaing ng babae dahil sa sakit ng tiyan na nararamdaman nito,

Nakabantay lang silang magkaibigan sa dalawang aswang na paikot ikot sa kubo, may limang kabahayan doon na nakatayo at alam nila na magkakamag anakan ang mga nakatira doon

"Magbantay ka,"ani niya kay Angela na nasa tabi lang niya

"Oo na, sungit,"bulong nito kaya napairap na lamang siya

Nagbantay silang maigi sa mga galawan ng dalawang aswang na nasa anyong malaking baboy na ang isa at lumusot na sa silong ng bahay

Habang ang isa ay naging malaking ibon at lumipad patungo sa bubungan

Maya maya pa ay nakadinig na sila ng huni ng tiktik, na napakahina na tila binubulong nalang sa kanilang mga tainga

Sa loob naman ng bahay kung saan nagli labor ang isang babae ay napatigil iyon sa pag daing dahil sa nadidinig nilang napakahinang huni ng tiktik

"May aswang,"ani ng matandang babae na ina ng babaing buntis,"Bantayan ninyo ang mga bintana at pintuan,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now