Chapter 28

524 35 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 28°°°

•••Third Person's POV•••

Kombento,

"Kinakabahan ako, Gel,"ani ni Vleane habang nakahiga sila,"Lalo na at bilog na bilog ang buwan, tapos ang laki laki pa,"

"Kahit ako din, Vleane,"ani nito na nakatingala sa malaki at bilog na buwan,"Baka may mga aswang na susugod ah,"

"Kaya nga eh,"sabay lingon sa pintuan ng kanilanh silid,"Hindi naman tayo makalabas dahil malamang naka lock iyon sa labas,"malungkot na saad niya

"Kaya nga eh,"pagsang ayon ni Angela,"Hindi naman pwede dito sa bintana, may mga grills din,"sabay upo ng pasalampak sa higaan nito,"Wala na tayong magagawa kung anuman ang mangyari ngayong gabi sa buong San Gabriel at sa mga Sitio na sakop nito,"

Hindi na umimik si Vleane, nagdasal nalang siya para sa kaligtasan ng mga kaba Baryo nila at sa mga barangay tanod na nagroronda ng mga sandaling iyo kasama sina Lucas at ang tatlo

Nahiga nalang silang dalawa habang nakatingin sa kisame ng kanilang silid, wala din silang magagawa dahil tuwing gabi matapos nilang makakain ng hapunan ay pumapasok na sila sa loob ng silid, kaya nila lock iyon ni Sister Helena para hindi sila makatakas

Habang nasa loob naman ng Baryo sina Lucas na nag iikot at nagroronda dahil sila ang nakatoka ng gabing iyon

"Sayang wala sina Vleane,"ani ni Calvin,"Madali sana natin mahuhuli ang mga aswang kung nandito sana sila,"

"Kaya nga eh,"pag sang ayon naman ni Jude

"Madami kasing epal kaya ayun grounded sila,"pagpaparinig nito kay Jorie na nasa tabi ni Lucas,"Kung makalingkis akala mo pag aari na niya,"

"Pakialam mo!," sigaw ni Jorie kay Calvin, hindi nalang iyon pianansin pa ni Calvin,

"Tara dito, insan,"sabay hila kay Lucas,"Baka mabuntisan at mapikot ka niyan eh,"sabay tawa kaya napasimangot nalang si Jorie dahil s ainis na nararamdaman kay Calvin

Hindi naman ito pinansin ni Jude dahil sa masama talaga ang ugali nito, kaya ayaw niya na kasama ang dalaga, pero dahil sa pakiusap ng mama niya kaya wala na siyang magawa para tanggihan iyon

Sumama nalang siya sa dalawa at iniwanan ng dalaga na naka simangot bago nag walk out at umuwi nalang sa bahay nila

Kaya lalong lumakas ang tawa nina Calvin at Jude na dinig pa ng papalayong dalaga na lalong ikinainit ng ulo nito

Kaya sabay sabay na silang umalis doon at nag ikot ikot sa buong San Gabriel hanggang sa umabot na sila sa may Simbahan at sa kombento

Sarado na ang lahat ng ilaw sa loob ng kombento at simbahan, tanging ang mga ilaw na lamang na nagmumula sa loob ng silid ng nawat Madre at Pari ang tanging nakikita nila

Kaya nagbalak na silang bumalik sa kanilang pinagmulan, pero bago iyon ay lumingon pa muna si Lucas sa kombento at nagbabakasakali na makita ang dalawang Madre







Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now