Chapter 46

556 42 8
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••

°°°Chapter 46°°°

•••Third Person'sPOV•••

Habang nakaupo si Vleane sa loob ng sasakyan ay tahimik silang nakikiramdam sa kapaligiran, may mga pagaspas ng malalaking pakpak silang nadidinig na dumaan sa sasakyan at mga yabag na paikot ikot sa labas

"Salamat po sa tulong,"ani niya,"Hindi ko na po kakayanin kung buong Baryo na ang susugod sa akin,"

"Ayos lang iyon iha,"ani nito,"Ako nga pala si Mang Anton, siya ang si Carlito ang bunso ko, tulog na ang aking asawa at ang panganay ko,"

"Salamat po, Mang Anton,"ani niya,"Ako nga po pala si Vleane,"pagpapakilala niya

"Madre po siya Tay,"singit ni Carlito kaya napangiti nalang siya ng bahagya

"Pasensiya na po, Sister,"ani ni Mang Anton sa kanya

"Ayos lang po,"ani niya,"Nagtitinda po kayo?," tanong niya ng mapansin ang mga kagamitan na nasa loob ng sasakyan,"Dumadayo po kayo sa mga probinsiya?,"

"Ah, opo,"ani nito,"Ito na po ang bahay namin, nagpupunta po kami sa mga probinsiya lalo na kung kapistahan, sa San Sebastian ang tungo namin bukas, dahil kapistahan na doon, eh ikaw po?,"

"Ah ganoon po ba?," ani niya,"Sa San Nicholas po, doon po ako nakatira,"

"Napakalayo niyon,"ani ni Mang Anton,"Magkape ka po muna,"alok nito sabay abot ng isang tasang kape

"Salamat po,"ani niya,"Ah Mang Anton, manggagamot ka po ba? Albularyo o antingero?," tanong niya dito

Natawa lang iyon at napailing sa kanya, humigop muna ng kape bago sumagot

"May kaalaman lang po ng kaunti,"tugon nito,"Kailangan po iyon dahil sa pagala gala kami kung saan saang Probinsiya na uso ang mga aswang, kagaya po dito, halos lahat ng namumuno ay may lahing aswang kaya walang tumulong sayo, dahil takot po silang mapahamak,"

"Kaya nga po eh,"ani niya,"Kayo lang po ang tumulong sa akin,"

"Eh ikaw, antingera ka po ba?," tanong nito sa kanya

"Manggaagamot po, may kaunting kaalaman sa panggagamot,"ani niya,"Bakit po?,"tanong niya

"Baka maaari mo kaming matulungan?," ani ni Mang Anton,"Iyong asawa ko po kasi lumalaki ang dalawang paa pati ang kanyang tiyan,"

Bago pa makapagtanong si Vleane ay nakadinig na siya ng pag ungol mula sa kabilang parte ng sasakyan na natatakpan ng kurtina

"Tay, si Nanay po,"ani ng isang dalaga na bumungad doon, tinignan lang siya nito bago bumalik sa loob

"Tara po, Sister,"yaya ni Mang Anton sa kanya na kaagad naman siyang sumunod

Pumasok sila sa pinaka kwarto kung saan natutulog ang mag ina nito at doon sa labas ay silang mag ama

Nakita nga niya ang dalawang matabang paa nito na halos nangingitim na pati ang tiyan nito na aakalain mong nagdadalang tao

"Napaglaruan po siya ng itim na engkanto,"saad niya ng makita ang kalagayan nito,"Baka may naihian po kayo, natapunan ng mainit o kaya ay malamig na tubig, nagambala?,"

"Wala akong maalala, iha,"ani nito sa kanya

"Nga po pala Sister Vleane,"ani ni Mang Anton,"Siya po ang aking asawa na si Lorena at ang aking panganay na si Aliza,"

"Sister? Madre ka po?," gulat na tanong ni Aliza sabay mano sa kanya at si Aling Lotena

"Naku naku, ayos lang po,"ani niya,"Huwag niyo na po akong pupuin, kasi ano po sa totoo niyan hindi po ako totoong Madre,"saka ikinuwento niya ang buong pangyayari sa pamilya nito

"Kahit po ako gagawin ko iyon alang alang sa kakambal at mahal ko sa buhay,"ani ni Aling Lorena,"Pero bagay po sayo ang maging Madre, napakaamo ng iyong mukha, kaso bawal po ang gagawin mo kung sakaling totoonh Madre ka,"

"Kaya nga po eh,"napabuga siya ng hininga,"Pinaalis po ako sa kombento dahil pumapatay po ako ng mga aswang sa gabi, naka abito po ako, may nagsumbong kaya pinaalis ako,"malungkot niyang saad

"Inggetera po siguro iyon,"ani ni Aliza na nakangiti,"Kasi Madre kana, tapos aswang killer kapa, ang astig po kaya, kaso sabi nga po ni mama bawal po iyon sa inyo,"

"Siguro hindi ka para sayo ang mag Madre,"ani ni Mang Anton,"Kasi wala ng magtatanggol sa mga naaapi kung isa kang Madre eh,"

"Siguro nga po,"ani niya,"Umipisahan na po natin siyang gamutin,"pag iiba niya ng pinag uusapan

"Ay oo nga pala,"ani ni Mang Lino,"Ano ano ang kailangan mo, Vleane?,"

"Karayom po, itong malalaki, tapos apoy, maligamgam na tubig, langis at malinis na bimpo po, saka planggana,"

"Sige,"agad na kumilos ang mag ama, kinuha ang mga kakailanganin niya

Umusal muna siya ng orasyong pambakod at pambulag, baka maamoy kasi sila sa loob ng mga aswang lalo na ang Aling may sakit

Kinuha niya ang langis na palagi nyang dala, hinaplos ang namamagang paa ng babae habang umuusal ng orasyon

Kinuha ang karayon bago pinainit sa apoy ng kandila bago dahan dahang tinusok sa naglalakihang ugat na nasa binti ni Aling Lorena

Napapapikit iyon sa sakit at hapdi, pero tinitiis nito iyon para lang gumaling sa sakit na binigay sa kanya ng engkantong kanyang nagambala

Bawat naglalakihang ugat na akala mo ay puputok na sa sobrang taba ay tinusok niya ng karatom bago umusal ulit ng dasal at maya maya ay inalis na din niya ang mga iyon

Nagtaka sila sa kanilang nakita, imbes na pulang likido ang lumabas sa mga butas na likha ng karayon ay itim ang nakita nilang umaagos

"Lason po iyan,"ani niya na sinahod na doon ang planggana,"Kung hindi po maaalis kaagad ay maaaring mamatay na po siya sa loob ng isang linggo, malakas ang gumawa niyan sa kanya,"

"Salamat, iha,"ani ni Mang Anton sa kanya

"Ayos lang po,"tugon niya,"Hayaan niyo lang po na umagos ang mga itim na dugo para maalis at malinis na ang dugo ni Aling Lorena, ipainom niyo din po ito,"sabay abot ng langis sa kaharap,"Kapag pula na po ang lumalabas sa lahat ng tinusok ko, pwede na po talian at hugasan ng pinakuluang dahon ng bayabas,"

"Kasama na din ba iyong nasa tiyan niya?,"tanong pa nito

"Hindi po,"tugon niya,"Itong langis ang maglilinis sa tiyan niya, gawin niyo na po agad para sabay sabay na pong lumabas ang lahat ng lason,"

Tumango lang si Mang Anton bago kumuha ng isang maliit na kutsara at nilagyan ng langis bago isinubo sa asawa

"Ipaubos niyo ang langis hanggang sa gumaling na po siya,"paalala pa niya,"Bigay ko na po iyan sa inyo,"nakangiti niyang saad bago lumabas

"Dito kana po matulog,"ani ni Aliza,"Sa labas nalang po ako kasama nila papa,"

"Oo nga Vleane,"pagsang ayon niang Anton,"Para makapagpahinga kana ng mabuti at alam kong pagod kana din sa mga nangyari ngayong araw sayo,"

"Salamat po,"ani niya at nahiga na sa nakalatag na banig na nilatag ni Aliza bago iyon lumabas at doon na tumabi sa ama at kapatid nito

Hindi na niya namalayang nakatulog na kaagad siya dahil pagod at sa mga nangyari ng araw na iyon sa kanya

Wla na siyang pakialam sa mga aswang na naglipana sa buong kapaligiran kung saan hinahanap siya para patayin dahil sa pagpatay niya sa mga kalahi ng mga ito

Halos tatlong pamilya ang nasa Centro na paikot ikot habang hinahanap at inaabangan siya para mapatay at madala ang ulo niya sa kanilang pinuno








Itutuloy

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now