Chapter 59

503 46 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 59°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan

"Sigurado ka ba diyan, ate Vleane?,"tanong ni Veronica sa kanya habang nag aalmusal silang tatlo,"Delikado doon eh,"

Napabugtong hininga nalang siya habang nagpapatuloy sa pagkain, habang nakikinig lang ang kanilang Lolo

"Ate, darating sa makalawa si Ate Angela,"pagbabalita nito,"Baka pwede daw dito muna siya kahit na isang buwan,"

"Sige,"tugon niya,"Siya lang ba mag isa?,"tanong niya na ikinangiti naman ng lihim ni Veronica

"Oo, te,"tugon nito, gusto kasi nito na masorpresa nila ito,"Wala naman kayong ibang kaibigan doon diba?,"

Napatango nalang siya habang nakayuko at nagpatuloy na sa pagkain ng tahimik, habang nag ngitian lang ang mag lolo

"Mag iingat ka doon, apo,"paalala ng kanilang Lolo sa kanya

"Opo,"ani niya,"Pupunta po muna ako sa bukid,"paalam niya sa kanila,"Sasama ka ba, Nica sa akin?,"

"Sige,"pagsang ayon naman nito sa kanya kaya napatango nalang siya,

Matapos nilang makapag almusal ay mabilis na silang nagligpit at nilinis ang mga pinagkainan pati na ang loob ng bahay bago nagpasyang pumunta sa bukid na nasa di kalayuan sa kanilang bahay

Doon ay inani nila ang mga gulay na dapat ng anihin para ihatid sa mga suki ng kanilang Lolo, para hindi na sila pumunta pa sa pamilihang bayan para magtinda ng kanilang nga pananim na gulay at prutas

"Ang dami nating maibebenta nito, ate,"bulalas ni Nica ng makitang nakaka dalawang basket na puno na sila ng mga inaning mga ibat ibang gulay,"Malaki ang kikitain natin nito,"

"Oo nga eh,"napapangiti siya habang tinatakpan ng dahon ng saging ang mga inaning gulay na napakasariwa,

"Mga sariwa at mukhang matatamis pa ate,"ani nito sa kanya,"Mag iwan tayo para sa uulamin natin,"

"Sige,"tugon niya sa kapatid,"Naani na ba ang lahat?,"tanong niya

Nilibot naman ni Veronica ang paningin sa kanilang taniman ng gulay, sa ilang puno ng saging at iba pang tanim nila

"Ubos na po ate,"tugon nito sa kanya, sabay tingin sa ilang sako na nasa tabi ng dalawang basket na malalaki

"Tara uwi na tayo,"yaya niya sa kapatid,"Tawagin mo muna sina Brent, para maideliver na natin ang mga nag order sa suki natin,"sabay ngisi sa kapatid na tinutukso tukso

"Umayos ka nga ate,"saway nito bago tinawagan ang manliligaw nito, napapangiti nalang siya habang tinitigan ang itsura ng kapatid na tila kinikilig pa

"Ano sabi?,"tanong niya

"Maya maya daw te,"tugon nito habang inaayos ang kanilang mga inani

Napatango nalang siya habang inaayos ang kanyang sarili, nangangati na din siya dahil sa mga alikabok at sa mga damo na kumapit sa kanyang braso, lalo pa at umiinit na ng mga sandaling iyon dahil malapit ng magganghaling tapat

Aswang Killer: Season 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant