Chapter 14

568 47 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 14°°°

Mula sa di kalayuan

Isang pares ng nanlilisik na mga mata ang nakatunghay at nagmamasid sa mga kalalakihan na nagsisimula ng magkaingayan habang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot

Halos mapuno ng usok ang kapaligiran ng mga iyon, wala na silang pakiala kung may magambala man sila sa kanilang mga pinag gagawa at sa kanilang kaingayan

Basta ang alam lang nila ay malaya sila ng gabing iyon dahil walang magbabawal sa kanila at maninita sa kanilang mga pinaggagawa at sa kanilang mga bisyo

"Boss, totoo kayang may mga aswang na nakatira dito?," tanong ng isang lalake na patuloy sa paghithit ng droga at halatang bangag na bangag na ng mga sandaling iyon

"Kwentong komiks lang yan, pare!," sigaw ng isa na sumasayaw habang nakahubad kasama ang isa pang kasamahan na halos nakapikit na dahil sa kalasingan

"Eh diba iyong mga kumakalat na balita? May mga napatay pa nga daw eh,"hirit pa nito bago nahiga at nakangisi

"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon,"dagdag ng Boss nila,"Mga kulang s apansin, atensiyon at pag aaruga ng magulang kaya ganyan nalang mag isip, kagaya niyo, mga siraulo!," dagdag pa nito sa kanilang walo

Imbes na mainis ay nagtawanan lang ang walo nitong kasama habang walang patid sa pagtungga ng alak na dala nila na nas aloob ng isang malaking cooler para manatiling malamig iyon

"Ang mabuti pa mag enjoy nalang tayo dahil bukas ay simula na ng trabaho natin,"utos ng Boss nila,"Lahat ng may taling pula, iyon ang puputulin natin,"paalala nito

Dahil kanina habang may araw pa ay nag ikot ikot na sila para maghanap ng mga kahoy na puputulin para tuloy tuloy na ang kanilang trabaho kinabukasan

"Tiyak, limpak limpak na salapi na naman ang maaani natin,"ani ng nakangising lalake,"Tapos ilang araw na naman tayo magpapahinga,"

"Tama ka,"pagsang ayon ng kausap,"Magbababad na naman ako sa babae ahahahaha,"halakhak pa nito kaya nagtawanan nalang silang walo dahil sa mga kalokohan nila at sa mga plano nila

Hindi na nila alam na kanina pa may nag aabang sa kanila, na ang isang pares ng mapupulang mga mata ay biglang dumami at tila napapaikutan na sila ng mga sandaling iyon

Hindi nila iyon napapansin dahil tutok ang kanilang pansin at pakiramdam sa kanilang mga ginagawa at sa kanilang mga kasiyahan

Ang isa mga mga iyon ay nag lalaway na at tila gusto na silang sunggaban, pero dahil wala pamg hudyat ang pinuno ng mga iyon kaya naghihintay lang sila

"Amang Aswang,"ani ng isa,"Sinisira nila ang kagubutan,"may galit na sambit nito, na kahit mga aswang sila ay may pakialam sila kapaligiran lalo na sa kalikasan

Kaya nga sa kagubatan sila nanirahan dahil sa dariwang hangin, tahimik at walang manggugulo sa kanila, pero dahil sa walong kabaatang nangahas na puntahan ang kanilang Sitio, ginambala sila at higit sa lahat ay pinatay ng mga ito ang pamilya ng kanikang Amang Aswang

Kaya ngayon punong puno sila ng paghihiganti at galit sa kanilang puso, uubusin nila ang lahat ng tao na tutulong sa walong kabataan at kahit ang buong Baryo oras na nakialam ang mga iyon sa kanila

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now