Chapter 12

659 35 4
                                    

A/N

Heto po ang nawawalang Chapter ng Aswang Killer na Chapter 12

Kasi nagloko ang wattpad ko ng time na nagpublished po ako, kung paano nagkaroon ng nga sugat si Lucas ng gabing iyon

Ngayon ko lang po nalaman na kulang ng isang Chapter dahil nireview at binasa ko po,

Saka inedit ko po ang ilang chapter nito

Pasensiya na po kayo sana maintindihan niyo, tao lang po ako😁😁😁✌✌✌

Tara at umpisahan na po natin

Salamat po

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 12°°°

•••Third Person's POV•••

Kaagad na nagsarado ng pintuan sila Aling Niña ng makarating na si Vleane sa bahay nila Lucas

"Aba handa ka, Sis?,"pagbibiro ni Angela na sinamaan lang niya ng tingin dahil nabulilyaso ang kanyang lakad ng gabing iyon,"Salamat, Vleane sa pantulog ko ha?,"

Umirap nalang siya sa kanyang kaibigan, kung hindi lang niya kaibigan ito ay baka matagal na niya itong pinalapa sa mga aswang

"Kami nalang po ang maghahanda ng hapunan,"ani ni Cassie sabay yaya kay Angela at dinala sa kusina habang nakangiti sa kanya ng pagkalapad lapad

"Sige,"pagsang ayon niya sa dalagita bago naupo at ipinikit ang mga mata

"Inaantok ka po ba, Sister Vleane?,"tanong ni Aimy,"Pwede ka po muna umidlip, gigisingin kana lang po namin kapag handa na po ang hapunan,"

"Hindi na, Aimy,"ani niya sabay ayos ng upo,"Hindi na ako makakatulog mamaya kapag umidlip ako,"

"Salamat po, Sister Vleane,"ani ni Aimy,"Mabuti po at sinamahan niyo kami,"

"Ayos lang iyon,"ani niya,"Kaysa sa mapahamak kayo, saka wala na din kami gagawin sa kombento,"

"Natatakot po kasi ako na baka mapahamak po ang mga kapatid ko at mga magulang namin ng dahil po sa kalokohan namin,"yumuko ito habang nagsasalita na tila nahihiya

"Ayos lang iyon,"ani niya,"Lahat naman tayo ay nagkakamali at may pagkakamali, walang taong perpekto, tandaan mo yan Aimy, ang mahala natuto tayong magsisi at ayusin ang mga pagkakamaling iyon habang hindi pa huli ang lahat,"sabay gulo sa buhok nito kaya napangiti nalang ito sa kanya

"Ang bait niyo po ni Sister Angela,"sabay yakap sa kanya kaya napangiti nalang din siya, lalo lang niya namiss ang kanyang bunsong kapatid na matagal ng hindi nakikita at nakakasama

Habang abala naman sa paghahandang hapunan ang dalawa ay inayos na niya ang kanyang gamit para handa na siya kung sumalakay ang mga aswang doon







Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon