Chapter 65

4K 116 48
                                    

Paint Cenery

SA MGA ORAS na narinig ko ang huling salita niya na sinambit ay tuluyan na akong naubusan nang lakas at pinagbigyan siya.

Ni hindi na ako umalma pa dahil wala na akong lakas para magsalita pa. Hinayaan ko siyang humiga sa kama at magpahinga kami sa bisig ng isa't isa.

And I thought I won't feel the safeness around him again. Katulad nang paulit-ulit kong sinasabi. Pero aaminin ko na nagkamali ako doon sinasabi ko lang 'yon dala ng galit sapagkat iba ang pakiramdam ko ngayon na para bang gumaan ang loob ko dahil nakakapag pahinga ako kasama—katabi siya.

Ang himlayan ng bawat luha at lungkot ko ay ang bisig niya. 'Yung tipong puno ako nang galit ngunit siya ang alon na dadalhin ako pabalik ng dalampasigan na kapag nalulunod na ako, ibabalik ako ng iyong mga bisig sa lugar na kung saan namamahay ang pahinga.

He's not just the father of my baby. He's my home, my rest, my heart and my safe place.

Ika nga nila minsan hindi lang bahay o kama ang pahingaan. Madalas ito ay isang bisig. 'Yung tipong kapag naramdaman mo na ang kaniyang bisig ay gusto mo nalang mahiga ng habang buhay, matulog nang mahaba na walang inaalalang problema.

Bisig na mahigpit ang yakap kaya unti-unti nawawala ang pagod na nararamdaman mo. Bisig na p-protekta sa'yo at higit sa lahat ang bisig na cocomforta sa'yo.

Matagal ko mang tinanggi sa aking sarili dahil sa poot na nararamdaman ko. Pero alam ng puso ko kung sino ang tunay na makakatulong saakin—sa pagod na nararamdaman ko sa laban ng aking buhay. Ay kailangan ko ring magpahinga.

He's my home. I never knew what it felt like to feel at home while not at home. I never realized that home could be more than just a location, but him have made all the difference.

Roks. Even his presence can comfort me. I don't wanna lose him again. Ayoko nang mawalay pa sakaniya. Now, para akong nagigising sa katotohanan.

I know naman na kasalanan ko ang lahat but I want to change it. Ni hindi ko alam if deserve ko pa siya but one thing for sure is I want him. I always do.

NAGISING nalang ang mga mata ko ngunit nawala na sa tabi ko si Roks. Kagabi ay hinayaan kong matulog siya sa kama na hinihigaan ko. Sobrang comfortable sa pakiramdam.

Napakagat ako saaking labi at pinigilan ang nagbabadyang mga luha mula sa mga mata ko. I miss him already.

'Yung momentum pala na magkasama kami sa kama ay tuluyan na kaming hinila nang kaantukan at ng pagod. Nakapagpahinga kami nang comfortable na matagal kong nang hindi nararanasan simula nang iniwan ko ang buhay ni Paint.

Kahit pa naging maganda ang buhay ko bilang si Cat ay mas marami pa rin ang kalungkutan na bumabalot sa puso ko. Kasi I know naman na may kulang pa rin.

And it's so sad na makita na wala sa tabi ko si Roks. Ang ibig sabihin lang no'n ay panandalian lang pahinga namin kagabi dahil sasabak na naman kami sa panibagong araw ng problema.

I sighed.

Masasabi ko na kahit papaano ngayon ay tuluyan na akong nagkaroong enerhiya. Para bang na fully charge ako out of nowhere. I'm still sad but masasabi ko na masarap ang gising ko dahil kahit papaano ay nakatulog ako ng mahimbing.

"Where's Roks?" I asked Bite. Siya na naman ngayon ang nagbabantay saakin.

He's reading something. "Roks? I didn't see him." He told me without looking at me.

"What? Kagabi ay kasama ko lang siya. Natulog pa kami." I raised my eyebrows dahil alam ko namang pinaalis niya 'to.

"Oh? I didn't know. I was out." He look at me boredly.

KISS ME, CAPTAINWhere stories live. Discover now