Chapter 01

31.2K 600 90
                                    

Chapter 1

* * *

~

Unang araw ni Ysa sa school na yon, medyo kinakabahan sya dahil bukod sa late na sya nag-enroll ay tiyak na mahihirapan siyang mag-adjust, kinakabahan din sya dahil ibang iba ito sa lugar na kinalakihan nya.

"Lozada Aquino-College" Basa ni Ysa sa entrance gate nang school.

Kabadong kabado siya at bahagyang hinimas ang kanyang dibdib, pakiramdam nya ay pinagtitinginan sya nang mga estudyante dito, hindi nya malaman kung paanong lakad ang gagawin. Yukong yuko ang dalaga bago pumasok sa loob nang campus at paulit ulit sinasabing " Kainin na sana ako nang lupa ".

At dahil nakayuko sya ay hindi na nya napansin na may makakasalubong siyang grupo ng mga kababaihan, huli na ang pag-angat nya ng mukha dahil nakabunggo na nya ang isa sa mga ito.

"What the --!!"Gulat na asar nang babaeng nagngangalang Bea at saka tinignan nang masama si Ysa.

"S-Sorry!!h-hindi ko sinasadya," nagkandautal-utal na dispensa ni Ysa.

"Sorry!? tatanga tanga ka kasi! hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!" Sigaw nito sa dalaga,

Nagpanting naman ang tenga ni Ysa sa narinig, hindi siya ang tipo nang palaaway na tao pero hindi rin sya ang tipong magpapaapi kung kani-kanino lang.

"Nag sorry na nga ako diba!? Sabi ko nga Sorry, at hindi ko sinasadya, ano pang kinakagalit mo diyan? Napilay ba kita?"matapang na sabi nito.

Nanlaki naman ang mata ni Bea sa hindi inaasahang sagot nito ,

"Ahhhhhhhh! patay tayo diyan! Mukhang nakakuha ka na nang katapat mo Bea!" kantyaw ng mga lalaking nasa di kalayuan at nakikinig lamang ,

Napabuga naman nang hangin si Bea at napairap sa mga lalaki at tinignan muli ang dalagang nasa harapan ,

"Abat ang kapal nang---!!" Galit na sabi ni Bea at susugurin na sana si Ysa.

"That's enough Beatrice!" pigil nang pinaka leader ng grupo nila na si Corine.

Napahinto naman ang talaga at tinignan si Corine na nakatingin lang din kay Ysa ,

"But Corine --!!" reklamo ni Bea.

" I said .... That's enough ..." Mataray na sabi nito at tinignan mula ulo hanggang paa si Ysa ,

"Are you a new student?" tanong nito habang nakatitig sa dalaga ,

"Oo.."Maikling sagot ni Ysa na hindi na komportable dahil pinagtitinginan na sila ,

"Kaya ... " Sarkastikong wika ni Corine at tinaasan nang kilay ang dalaga at bumaling naman sa kaibigan nitong si Bea ,

"First offense.." makahulugang ani nito sa kaibigan at saka kinindatan.

Napangiti naman si Bea sa senyales na binigay nang kaibigan at tinignan muli si Ysa na nakatingin lamang sa mga kamay niya ,

"Next time.. " Maarteng sabi nito kay Ysa at sabay irap.

"Let's go girls.." Aya naman ni Corine sa dalawang kasama.

Hindi naman na sila pinansin ni Ysa at nagpasalamat na lamang na umalis na ang mga ito , nagkibit balikat na pinagpatuloy na lamang nang dalaga ang paghahanap sa magiging classroom niya ,

Sa gilid nang kanyang mata ay pansin nya na may lalaking nakangiti sa kanya na tila ba aliw na aliw sa ginawa nya. Inirapan nya lang iyon at saka sya nagpatuloy sa paglalakad.


+


Sa restroom naman kung saan nagtuloy ang grupo ni Corine pagkatapos nang engkwentro nila kay Ysa ay nag usap usap ang mga ito ,

"I'm warning you Corine, the next time na makita ko yung girl na yon at sinagot nya ulit ako ng ganon, hindi ko na alam kung anong magagawa ko !! Urghh!! " gigil na wika ni Bea habang naglalagay nang face powder sa muka ,

"Will you shut up Bea ? She's a new comer, she doesn't even know who you are .." Naaasar naman na sabat ni Mildred ang isa pa nilang kasama.

Inis namang lumingon si Bea kay Mildred at binigyan ito nang matalim na tingin ,

"You shut up! Palibhasa hindi ikaw ang nabastos ng ganon kaya nasasabi mo yan! If I know, kung ikaw ang ginanon baka sinabunutan mo na sya!" nanggagalaiti nitong sabi kay Mildred.

Umirap lamang si Mildred rito at nagsuklay naman na nang kanyang buhok ,

"Well I'm sorry but I'm not like you.." mabilis na sagot nito at pumasok sa isa sa mga cubicle , napa taas naman ang kilay ni Bea sa sagot nang kaibigan ,

" And what are you trying to say !?" Galit na tanong nito , nagkibit balikat naman si Mildred rito at tsaka sinara ang pinto nang cubicle ,

" Nothing , I'm just expressing myself , that's all .." Nang aasar na ani nito mula sa loob ,

Napangisi naman si Corine na kasalukuyang naglalagay nang lip balm sa kanyang labi at tsaka nilingon ang asar na si Bea , kinalabit niya ito at kinindatan at agad namang nakuha ni Bea ang ibig sabihin nang kaibigan ..

Dahan dahan naglakad ang dalawa palabas nang naturang Cr at tsaka sinara ito mula sa labas , halos parehas nagpigil nang tawa ang dalawa , habang sa loob naman ay kinabahan na ang dalagang si Mildred dahil wala na itong marinig na ingay mula sa dalawang kaibigan ,

" Ayan nanaman kayo eh , Pinagtritripan niyo nanaman ako eh !! ngayon pa kayo sumabay eh alam niyo namang masama ang tiyan ko eh !!" Parang maiiyak na wika nito ngunit walang sumagot sa kanya ,

Sa labas naman ay tuwang tuwa ang dalawang dalaga sa kalokohang ginawa nila sa isa pa nilang kaibigan ,

" Anong ginagawa niyo diyan Ms.Rivera at Ms.Joson?" Sita sa kanila nang kadadaan lamang na guro , napatuwid naman nang tayo ang dalawa.

" Nag Cr lang po , Dean Aruello ," Magalang na wika ni Corine rito , nagsalubong naman ang kilay nang Dean at tinignan ang Cr na pinasukan nang dalawa,

" Sa Cr na yan ? hindi ba't mahigpit na pinagbabawal ang pumasok sa Cr nayan !!" Galit na wika nang ginang , nagpigil naman nang tawa ang dalawa at marahang siniko ni Corine si Bea upang patigilin ito ,

" Naku ma'am hindi po namin napansin .. " Inosenteng wika ni Corine rito ,

" Wala ba kayong mga klase ? anong oras na ? dapat ay nasa klase na kayo ni Mrs.Del Mundo !"Usisa nito ,

" Hinihintay lang po namin si --" Hindi naman natuloy ni Bea ang sasabihin nang magsalita na si Corine ,

" Papasok na po kami Ma'am " Ngiti nito at tsaka naglakad na , wala namang nagawa si Bea kundi sundan ang kaibigan .

Sa loob naman ay halos paulit ulit nang nagdadasal ang dalaga , alam niya sa mga oras na ito ay iniwan na siya nang mga kaibigan ..

Maya maya pa ay nakarinig ito nang munting yabag sa labas nang Cr , nanlaki naman ang mata ni Mildred ,

" S-Sino yan ?" Sigaw nito ngunit walang sumagot sa kanya , bagkus ay patuloy lang ang yabag papalapit nang papalapit sa pwesto niya,

" C-Corine , B-Bea ... natatakot na talaga ako ..." Nanginginig na pagmamakaawa na Mildred ,

* * *

Next : Chapter 2

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat