Chapter 09

8.3K 246 15
                                    

Chapter 9

* * *

~

"TULUNGAN MO AKO!! TULUNGAN MO AKO !!TULUNGAN MO AKO!!!" Paulit ulit na sabi ng tinig.

Naalimpungatan naman si Ysa ng marinig iyon, nakita niyang nasa Clinic pala sya, tahimik na tahimik sa loob, napansin nya rin na may natutulog na pasyente sa kabilang kurtina ng clinic. Humawak sya sa ulo at inalala kung anong nangyayari sa kanya. Kinilabutan sya ng maalala ang nangyari.

Pinagmasdan nya ang paligid, tahimik na tahimik sa clinic. Maya maya pa ay nagpatay sindi ang ilaw.

"May Tao ba diyan? Wag naman kayong magbiro ng ganyan oh." pakiusap ni Ysa. "Please naman oh, natatakot na talaga ako .." Tangis muli nito.

"Hay nako, tinamad na naman yung maintenance palitan ang bombilya!! tsk tsk.."Sabi ng isang pamilyar na boses at nagulat sya ng biglang bumukas ang kurtina na divider.

"Tristan!!"Gulat na gulat na sabi ni Ysa ng makita ang binatang walang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti.

"O bakit parang nakakita ka ng multo?" Casual na nakangiti pa rin ito habang sinasabi iyon.

Sa loob loob naman ni Ysa, kung ganito lang sana kagwapo at kabait ang multong makikita nya, kahit araw arawin pa siyang multuhin ay ayos lang.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" tanong ni Ysa.

"Well, sa pagkakatanda ko, pumupunta ang mga estudyante sa clinic dahil may sakit sila."Sabi ni Tristan at saka tumawa ng tumawa

Naiiling na natawa naman si Ysa sa tinuring ng binata. Hindi nya alam kung bakit pero ang gaan gaan ng loob nya pag kasama nya si Tristan, pakiramdam nya wala syang problema, lalo na pag ngumingiti ito.

"O ayan ka na naman, pinagmamasdan mo na naman ang kagwapuhan ko.."Pang aasar ni Tristan sa dalaga ..

"Tsss.." Pabirong irap naman ni Ysa.

"May sakit ka ba?" biglang seryosong tanong ni Tristan.

"Wala, hinimatay ako kaya siguro ako nandito." sagot ni Ysa.

"Buntis ka?" Wala sa sariling tanong ni Tristan.

"Pfft !! Buntis ka diyan adik kaba ?? Pffttt " Nahihirapang wika nang dalaga dahil sa nagpipigil ito nang tawa.

"O bakit? Hindi ba?" Seryoso pa ring tanong ni Tristan.

"Hindi no .."Irap na sagot ni Ysa.

Tila naman nakahinga ng malalim si Tirstan at saka ngumiti muli.

"Hay salamat! Mabuti naman"

"Hm? bakit mabuti naman?" Usisa ni Ysa.

"Mabuti k-kasi bata ka pa!! Tama hindi ka pwedeng m-mabuntis." palusot ni Tristan.

"Hm.."Dudang ungol lang ni Ysa.

"O paano, alis na ako ah? maiwan na kita diyan.." paalam ni Tristan.

Naalarma naman si Ysa dahil sa idea na mag-iisa nanaman sya sa clinic.

"Wag mo muna ako iwan Tristan."Pigil nito sa binata sabay hawak sa braso nito.

Napangiti naman si Tristan sa tinuran ni Ysa. Tiningnan nya ito ng maigi at saka ngumiti nang natamis.

"Crush mo ako no?" biro nya.

"Whattt?!! Lakas ng fighting spirit mo!" sagot na biro naman ni Ysa.

Tumawa rin si Tristan at pakiramdam ni Ysa ay musika sa pandinig nya ang halakhak ni Tristan.

"Mauna na ako, maya maya nandyan na mga kaibigan mo kaya wag ka na matakot, teka .. natatakot ka nga ba o gusto mo lang talaga ako makasama ng matagal?" biro na naman nito.

"Asa! " Nakangiting asar ni Ysa.

Natatawang umalis naman si Tristan at bago pa man ito makalabas ay kinindatan niya si Ysa.

Isang matalim na irap naman ang sagot ng dalaga.

Wala pang ilang segundo nang makaalis si Tristan ay pumasok naman sila Aileen at Marj, may kasama din itong babae, mukhang estudyante din sa school nila. Natatakpan ito ni Aileen kaya di nya masyado napansin ang suot.

"Girl! Ano nangyari sayo at umeeksena ka ng ganon? Gosh! Pinakaba mo kami." bungad sa kanya ni Marj.

"Oo nga sis, alam mo bang muntik na magpang-abot yang si Marj at Bea.." kwento naman ni Aileen.

"Mahabang kwento, tiyak hindi kayo maniniwala.." sabi ni Ysa at saka tiningnang mabuti ang kasamang babae nila Marj at Aileen.

"Sino tinitingnan mo diyan?" Sita ni Marj.

"Eh ? Yung kasama niyo .. hindi nagsasalita baka naman mapanis na ang laway niyan .." Natatawang wika ni Ysa.

Nagkatinginan naman sila Marj at Aileen.

"Sis, wala naman kaming kasama ng pumasok eh, ano sinasabi mo?"kunot noong sabi ni Aileen.

"Eh ? Edi sino yang --"hindi na natapos ni Ysa ang sasabihin dahil ang babae na kanina lang ay nasa likod ni Aileen ay bigla na lang tumagos sa katawan ni Aileen at dire diretso sa mismong harapan nya at tinitigan sya sa mata.

* * * * *

Next : Chapter 10

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now