Chapter 19

7.2K 205 6
                                    

Chapter 19

* * *

~

"Ma, nandito na po ako!! "Sigaw ni Tristan pagkapasok na pagkapasok sa bahay nila.

Hinanap kaagad nya ang ina at sa may sala ay nakita nya ito na natutulog at mukhang lasing na lasing, may alak pa ito sa tabi nito at hawak naman nito ang isang frame kung saan nandoon ang larawan nila ng ama, may kung anong kumurot sa kanyang dibdib ng maalala ang ama.

Tumabi si Tristan sa ina at saka ito hinimas sa ulo.

"Alam mo Ma, may nakilala akong babae, Ysa ang pangalan nya, kasing ganda mo din sya, kasing bait at kasing bungisngis, ang ganda ganda nya pag tumatawa sya, ewan ko ba, inlove na ata akoeh."Kwento ni Tristan sa ina.

"Alam ko ma, malungkot ka ngayon, ako din, malungkot sa mga nangyari, hindi lang ikaw ang nawalan Ma, ako din po, ako din nawalan, ako din malungkot pero mas nalulungkot ako sa ginagawa mo sa sarili mo, gabi gabi kana lang umiinom Ma please, wag mo naman gawin ito."Naiiyak na sabi ni Tristan at saka hinalikan ang ina sa noo.

Naalimpungatan naman ang Mama nya at tumingin sa kanya.

"Tristan..." Tawag nito sa anak at saka ito hinawakan sa mukha at saka yumuko ulit at nakatulog, nakita ni Tristan na may tumulong luha sa mata ng ina, doon ay tuluyang naiyak si Tristan, kaya umalis na ito.

+

"ANG TANGA TANGA MO YUAN! ANG TANGA TANGA MO!!"Gigil na sita ni Corine kay Yuan ng dumalaw ito sa kanila kinagabihan. 

"Simpleng pananakot lang hindi mo pa magawa!" sigaw nito.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, may tao talagang pumasok dun, hindi ko din maipaliwanag yung mga pangyayari pero ganon talaga!"Pagpapaliwanag ni Yuan.

"Shut up!! Shut up!! Wag ka na magpalusot!"Gigil na sabi ni Corine.

"Okay okay!! I'm sorry, wag ka na magalit, tutal mas maganda naman yung plano natin sa party diba? Kaya wag ka nang magwala diyan."Malambing na sabi ni Yuan at saka niyakap si Corine mula sa likod.

Kumawala naman ang dalaga sa yakap nito. "Gawin mo muna yang sinasabi mo bago ka yumakap! pakisarado na lang ang gate paglabas mo!"Mataray na sabi ni Corine at saka umalis.

Napasipa naman si Yuan sa inis.

" Fuck!" Inis na wika nito.

+

"Bakit ba linga ka ng linga diyan? Sino bang hinahanap mo?"Tanong ni Marj kay Ysa. "Hm, si Lexin noh? Ayiie!!" Tukso ni Marj kay Ysa.

"H-Hindi no!! Tumigil ka nga!"Pagsisinungaling naman ni Ysa, Nais kasi nya magpasalamat sa pagsagip nito sa buhay nya at sa pagtatanggol na ginawa nito laban kela Bea at Mildred.

"Asus, kunwari pa, teka nga pala, may tanong ako sayo .. seryoso to ah, ano pangalan nung kulay violet sa Mcdo?"Tanong ni Marj na seryosong seryoso pa. Napakunot naman nang noo si Ysa at nag isip.

"Sino? Si Grimace?"Natatawang wika nito.

"Oh.. Anong koneksyon nya sa Mcdo eh halaya sya?"seryosong tanong ni Marj.

"HAHAHA!!"Malakas na tawa ni Ysa at saka biglang nakita si Lexin, Nagpaalam naman agad ito kay Marj at saka hinabol ang binata.

"Lexin! Lexin!"Tawag nito sa binata. Nilingon sya nito at saka hinarap, 

"Bakit?"

"A-Ah kasi ano .. ano uhmm."Nauutal na sabi nang dalaga habang hinihingal.

Kunot noo namang nakatingin sa kanya si Lexin.

"ANO?" Sigaw ni Lexin.

"SALAMAT KAHAPON! Yun lang, Bye!"Mabilis na sabi ni Ysa at saka tumalikod.

"Ops! Teka teka, ano akala mo libre yung pagligtas ko sayo? Hindi no! "Pahabol na sabi ni Lexin.

Kunot noong napalingon si Ysa kay Lexin at saka tiningnan ito na parang nagtatanong.

"Maya treat mo ako dinner, punta ako sa inyo."Sabi nito at saka tumalikod.

Napanganga naman si Ysa sa sinabi ni Lexin.


+


"Ano girl? Ready ka na ba para bukas ng gabi?"Tanong ni Corine kay Ysa.

"Ano meron?"Sagot naman na tanong ni Ysa..

"Ano ka ba? The party ! Sa rooftop!"Sagot ni Corine.

"A-Ahh! Oo sige. "Napipilitang sagot ni Ysa.

"Ysa.. Aasahan kita ah!" paniniguro ni Corine na tinanguan naman ni Ysa.

Narinig naman yun ni Bea at Mildred, pagkaalis na pagkaalis ni Corine ay nilapitan nila si Ysa na nasa tabi na ni Marj.

"Hoy aswang! Kung sa feeling mo ay isa ka na sa amin! Nagkakamali ka, you will never be like us!"Pagtataray ni Mildred.

Tumayo naman si Marj at saka namewang.

"So feeling nyo naman gusto ni Ysa maging katulad nyo?? Duh.. Magkakape nga kayo ng nerbyosin kayo sa sinasabi nyo!"Matapang na banat ni Marj.

"Hoy epal ka! Sumosobra ka na sa pagsagot sagot sa amin ng ganyan ah! Sino ba pinagmamalaki mo? Yang aswang mong kaibigan?"Sagot ni Bea.

Inirapan lang ito ni Marj at saka nagmake face. Hinila naman nito si Ysa at saka umalis ng classroom.

 * * * * *

Next : Chapter 20

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now