Chapter 52

5.4K 158 30
                                    

Chapter 52

~

Isang babae ang tumatawag kay Lexin.

"Lexin... Sumama ka na saakin, Iwanan mo na lahat ng paghihirap mo, halika na..."Anyaya ng babae na malabo ang itsura.

Parang nahihipnotismo namang naglakad si Lexin papunta sa babae. Tulala ito at tila hindi alam ang ginagawa.

"Halika ka na Lexin..Halika na.. Iwan mo na sila.. halika na..."

"Lexin, tama, Sumama kana saakin, walang pagmamahal sayo si Albert, si Maita naman ay wala lagi sa tabi mo at ang babaeng mahal mo ay pinagtatabuyan ka.."Sabi pa muli ng babae.

~

Samantala, Si Ysa at Maita ay umiiyak lang na nakatanaw sa pagsasagip ng doctor sa buhay ni Lexin.

Nakatanaw si Ysa sa makina kung saan kitang kita nya na malapit ng maging isang linya ang monitor.

"Lexin, lumaban ka, huwag mo ako iwan..please.."Wika ni Ysa.

~

"Tama na Lexin.. Sige na, sumama kana sa akin..."Aya pa ng babae na unti unti ng lumilinaw ang itsura, at kitang kita na ito ang babaeng nakaitim.

~

(Monitor Warning Tone)

Isang mahabang tunog na nangangahulugan na nabigo ang mga doctor sa pagsagip ng buhay ni Lexin.

"NO LEXIN ANAK!!!!NO!!!!"Sigaw ng ina ni Lexin na si Maita.

Si Ysa naman ay nakatanaw lang sa minamahal at maya maya ay agresibong pinuntahan ito kahit pinigilan ito ng mga nurse.

"BITIWAN NYO AKO!"Matigas na sabi ni Ysa ng tangkang hawakan siya sa braso ng nurse. Kinabig niya lang ito at dumiretso sa binata.

"Lexin.. Wag mo akong iiwan.. Wag naman oh.. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw m-mawawala ..."Simula ni Ysa habang nakahawak sa braso ni Lexin at tumutulo ang luha.

"Miss kailangan na po naming asikasuhin ang pasyente.."Sabi ng isa pang nurse at saka ito hinila palayo sa binata.

"HINDI.. HINDI.. MABUBUHAY SYA.. LEXIN! HOY LEXIN! BUMANGON KA NA DIYAN! BUMANGON KA NA! PLEASE! LEXIN PLEASE... Kailangan kita...."Iyak ni Ysa sabay yakap sa binata.

~

Ilang hakbang na lang ay malapit na si Lexin sa babaeng nakaitim, pero isang tinig ang narinig nito mula sa kung saan...

"LEXIN PLEASE .. Kailangan kita.."Ani ng tinig.

Para namang nagising si Lexin mula sa pagkakatulog ng marinig iyon.

"Ysa.."Sambit nya at saka biglang huminto sa paglalakad.

"HUWAG KANG HUMINTO! HAYAAN MO SI YSA.. SINAKTAN KA LANG NYA! SUMAMA KA NA SA AKIN!"Agresibong sabi ng babae ng makitang tumigil si Lexin.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now