Chapter 40

5.8K 143 2
                                    

Chapter 40

~

"PAANO MO NAKUHA ITO! PAANO KA NAGKAROON NG KOPYA NITO??"biglang naging mabagsik ang tinig ni Nita.

"Alam mo bang tatlo lang silang may kopya nito, nagkapunit punit ang kay Arianne, dala ni Charm yung sa kanya at kasama ito ng anak ko ng ilibing sya!"sabi pa nito.

"Pero totoo ang sinasabi ko, totoo pong si Grace ang mismo ang nagbigay sa akin nyan at..."

"TAMA NA!!"putol muli ni Nita sa sinasabi ni Ysa.

"Hindi na ako makikinig sa ano mang sasabihin mo! Kaya mabuti pa Ms. Fajardo, lumabas ka na dito, at wag na wag ka ng gagawi pa sa kwarto na to, kung hindi, mapipilitan akong magsabi sa Management para mapaalis ka na dito"pagkasabi nun ay binuksan nito ang pintuan para kay Ysa.

Walang kibo namang lumabas si Ysa at pagkalabas nya ay padabog na sinara ni Nita ang pinto.

+

"TABI! TABI! EXCUSE ME, EXCUSE ME.. "sigaw ni Mildred habang nakikipagsiksikan sa mga taong nagkakagulo sa Cafeteria, agad agad tumakbo dito ng mabalitaan nya sa guard ang nangyari kay Bea.

Nang makapasok na si Mildred ay nakita nya ang strecther na saktong dumaan sa kanyang harapan, may nakatakip ditong kumot na puti, walang sabi sabi na tinanggal nya ang kumot at bumulaga sa kanya ang putol putol na katawan ni Bea.

"OH MY GOD!!"napahawak sa bibig na sabi ni Mildred at saka pumalahaw ng iyak.

"BEA! WHAT HAPPEN? IM SORRY.. BEA.."panangis ni Mildred, tinakpan ulit ang bangkay at saka lumabas na.

Si Mildred ay napalupasay sa sahig at nakatulalang nag-iiyak.

"IM SORRY BEA.. KUNG ALAM KO LANG, DIKO NA DAPAT SINUNOD SI CORINE, DAPAT HINDI NA KITA PINAPUNTA DITO KAGABI!"iyak ni Mildred.

Nakatawag naman ng pansin ni Bonker na nagiimbestiga doon ang pagwawala ni Mildred lalo na ang mga sinasabi nito.

"Excuse me Hija, "wika ni Bonker ng makalapit dito.

"Tama ba ang narinig ko na ikaw ang nagpapunta dito kay Beatrice Joson kagabi?"tanong nya.

Si Mildred naman ay wala sa loob na tumango,

"O-Opo, Sabi sa akin ni Corine, P-Papuntahin ko daw si Bea sa school, testingin ko daw kung.. Kung pupunta si Bea kahit kagabi."parang batang nagsusumbong na sabi ni Mildred, ni hindi na nya ininda kung anong kinahihinatnan ng mga sinasabi nya.

"Etong Corine ba na to eh si Corine Rivera?"pagkukumpirma ni Bonker, tumango naman si Mildred.

"Ang mabuti pa hija sumama ka sa amin sa presinto at doon tayo magusap usap"wika ni Bonker at saka tinayo ang dalaga.

+

Papasok na sana si Ysa ng makatanggap sya ng tawag mula sa ate nya na natagpuang patay si Alexa sa loob ng bahay nila, kaya imbes na pumasok ay dire diretso itong sumakay ng taxi at nagpahatid sa kanila.

Sa Taxi ay samu sari ang kanyang naiisip, ang huling usap nya kagabi kay Alexa, ang panaginip nito. Sa dami ng iniisip ni Ysa ay hindi nya napansin na pagdaan ng LAC ay nagkakagulo ang mga estudyante.

Nang makarating sa kanila ay imbes na pumunta sa bahay nila ay dire diretso ito sa bahay nila Alexa.

Isang pamilyar na boses ang narinig nyang tumawag sa kanya. "Ms. Fajardo?"

Nilingon ito ni Ysa at nakita nya si Carlo na isa sa mga nagiimbestiga ng kaso nila Yuan.

"Inspector Sta. Ana,?"tawag nya, agad lumapit sa kanya ang batang pulis.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now