Chapter 16

7.9K 229 17
                                    

Chapter 16

* * *

~

"Hi Ysa.." Maikling bati ni Tristan sa kanya ng maabutan nya ang dalaga sa rooftop na mag-isa.

Tumingala naman si Ysa at isang tipid na ngiti lang ang binagay nitong sagot sa binata.

"Alam ko sobrang lungkot mo ngayon, nararamdaman ko kahit hindi mo sabihin.."Malungkot na sabi ni Tristan.

Lumapit ito at tumabi kay Ysa, at saka nag-inhale at exhale, napatingin naman ang dalaga rito.

"Anong ginagawa mo?"Kunot noong tanong ni Ysa.

"Nag-iinhale exhale.." Literal na sagot naman ni Tristan at saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Tinitigan ito ni Ysa at saka napangiti dahil sa ginagawa ni Tristan, para itong bata.

"Imbes na tinatawanan mo ako diyan, mabuti pa, gayahin mo na lang tong ginagawa ko.."Sabi ni Tristan at saka huminto sa ginagawa.

"At bakit ko naman gagayahin yan aber?"Mataray na sabi ni Ysa. "Para ako naman ang pagtawanan mo?"

"Hindi.. Mali.. May nakapagsabi kasi sa akin non na imbes na kimkimin natin lahat ng negative vibes sa dibdib natin, bakit hindi na lang natin to ilabas sa hangin.." Paliwanag ni Tristan.

"Sa hangin?"Usisa naman ni Ysa.

"Tama sa hangin, mag-iinhale ka, at doon sa inhale mo na yun, ipunin mo lahat ng masakit na nararamdaman mo at pagkatapos saka mo iexhale"Turo ni Tristan.

Sinubukan naman gawin ni Ysa ang turo nang binata, huminga ito ng malalim at saka bumuga ng hangin.

"Yan, tama yan.. Paulit ulit mong gawin yan, at pag sa pakiramdam mo okay ka na, eh di good, libre mo ako ng footlong dun sa tabi ng school, yung kay Ate Pilar." Biro ni Tristan.

At ganon nga ang ginawa ni Ysa, lahat ng takot at lungkot na nararamdaman nya ay inilabas nya sa pamamagitan ng hangin at sa pagitan ng paginhale at pagexhale nya at di nya napansin na tumutulo na pala ang kanyang mga luha.

Napatingin naman dito si Tristan pero imbes na magsalita ay tinapik lamang ni Tristan ang kanyang balikat na parang sinasabi nyang pwede syang iyakan ni Ysa, at si Ysa naman ay parang bata na humilig at umiyak sa balikat ni Tristan.

"Takot na takot na ako Tristan, takot na takot na ako..." Iyak ni Ysa.

Awang awa naman si Tristan sa dalaga, inakbayan nya iyon at saka hinimas ang buhok.

"Tahan na.. Wag ka matakot, nandito lang ako, hindi kita pababayaan.."Paniniguro ni Tristan.

"Hindi ko maintindihan Tristan, nung una akala ko ordinaryong pagpaparamdam lang sa mga estudyanye yung nararamdaman ko pero bakit pati sa panaginip ko, pati si Aileen..hindi ko talaga maintindihan.."Daing ng dalaga kay Tristan.

"Hindi lang si Aileen ang kauna unahang nag kaganon Ysa.."Kwento ni Tristan.

Bigla namang napaayos ng pwesto si Ysa at saka napatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin??" Tanong nito.

"Mula ng mangyari ang sunod sunod na patayan 3 years ago ay naging haunted na ang restroom na yon dahil dun daw pinatay karamihan sa biktima, kaya mula noon, wala ng nag-cr doon. At ilang beses na may nagkamaling magbanyo doon ay napoposses katulad ng nangyari kay Aileen at matapos ang ilang araw ay namatay din sila sa di malamang dahilan, sinasabi na isang galit na kaluluwa daw yon na hindi matanggap ang pagkamatay nya."Kwento pa ni Tristan.

"Kilala mo ba kung sino sino yung mga namatay noon Tristan?" Takot na tanong ni Ysa.

"Walo silang namatay noon Ysa, Tatlong lalaki at Limang babae, karamihan sa kanila ay puro mga freshmen."sabi ni Tristan.

"Paano ba sila namatay? Sinunog? Paano?"Hindi parin mapakaling tanong nang dalaga.

"Karumal dumal, kung nakakapanood ka ng mga suspense movie, maihahalintulad mo doon."Sagot naman ni Tristan.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinupuntirya nila, bakit ako? Bakit nila ako minumulto? Ano bang kasalanan ko?"Naiiyak na naman na sabi ni Ysa.

"Sigurado ka ba na pang-gugulo ang pakay nila sayo? Paano kung isa pa lang babala.."Makahulugang sabi ni Tristan.

Napatingin bigla si Ysa kay Tristan."Anong ibig mong sabihin?"tanong nya.

"Wala naman, naalala ko kasi yung sabi sa akin ng lolo ko noon na ang mga kaluluwa daw, iba iba ang pakay, merong gusto lang talaga nila makasama ang mga naiwan, may mga naghahanap ng hustisya, yung iba ni hindi alam na patay na pala sila, at yung iba mga nanggugulo dahil hindi tanggap ang pagkamatay nila, at meron din mga nagbibigay lang ng babala para sa mga buhay, pero alam mo kung ano ang pinakapaborito ko?"Sabi ni Tristan.

"Ano?"Seryosong wika ni Ysa.

Lumapit naman si Trisan kay Ysa at saka nagsalita."Si Casper.. Isa kasi syang friendly ghost.." sabi ni Tristan at saka tumawa ng tumawa.

Hinampas naman ni Ysa si Tristan sa balikat "Sira ulo ka talaga!" Kunwaring asar na sabi nito.

"Hahahahaha!! Masyado ka kasing seryoso eh, wag ka ngang ganyan, sige ka papangit ka.."Biro ni Tristan kay Ysa.

"Hmp!! Ikaw talaga, ano kayang gagawin ko kung walang isang Tristan sa buhay ko .."Biro ni Ysa na parang nabura ang lahat ng iniisip niyang masakit dahil kay Tristan.

"Hala, pag nangyari iyon, pakamatay ka na kasi wala ng saysay ang buhay mo."Masayang sabi ni Tristan.

Tumawa naman ng tumawa si Ysa, pakiramdam nya ay minamanipula ni Tristan ang nararamdaman nya.

"O tama na tawa mamaya nyan iyak ka na naman ng iyak.. Masasaktan na naman ako.."Seryosong biglaang sabi ni Tristan.

"At bakit naman!?"Natatawa paring tanong ni Ysa.

"Kasi pag umiiyak ka, pakiramdam ko, dinudurog ang puso ko, kaya wag na wag ka ng iiyak kung ayaw mong tuluyang mapulbos ang puso ko.."Nakangiting sabi ni Tristan.

Napahinto naman si Ysa sa pagtawa at tinignan ang nakangiting binata sa kanya , titig na titig ito at saka pinitik ni Tristan ang noo niya.

" Seryoso ka nanaman!" Tawa nito at umiling , hindi naman nakakibo ang dalaga at hinimas nalang ang noo niya at nakitawa na lamang sa binata.

* * * * *

Next : Chapter 17

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now