Chapter 39

6.6K 169 9
                                    

Chapter 39

+

"CORINE!!?"Tawag ni Bea sa kaibigan, tinawagan kasi sya ni Mildred at sinabing pumunta sya ng school ng alas dose ng hating gabi at kakausapin sya ni Corine at papatawarin na ito sa nagawang kasalanan.

Dahil ayaw ni Bea na mawala ang fame nya ay matapang at walang tanong tanong syang pumunta at tinakas pa ang sasakyan ng ama.

"CORINE.. "Tawag pa ulit ni Bea ng nasa may school cafeteria na sya, doon kasi ang sabi ni Mildred na magkikita sila pero walang Corine ang sumagot.

Takot na takot na naglakad pa si Bea hoping na pinagtitripan na naman siya ng dalawa.

"GUYS? OKAY.. TAKOT NA AKO.. SIGE NA LABAS NA KAYO.. YUHUUU, CORINE.. MILDRED!!"sigaw ni Bea, maya maya pa ay nakarinig ng kalampag si Bea at halos mapatalon ito sa pagkagulat.

"Sino yan? Corine? Mildred? Kayo ba yan? Guys.. Wag nyo na kasi akong takutin, kasi naman eh.. "parang batang nagmamaktol.

Biglang nagsara ang pintuan sa cafeteria at nagkalabugan sa may kitchen ng cafeteria.

"TAMA NA YAN AH! HINDI NA NAKAKATUWA, PAG HINDI PA KAYO NAGPAKITA PAGKABILANG KONG TATLO UUWI NA TALAGA AKO!!"banta ni Bea.

"ISA.. DALAWA.. DALAWAT KALAHATI.. TATLO!!"at saktong tatlo ay nagring ang cellphone ni Bea, tumatawag si Mildred.

"Hello Bea?"bungad ni Mildred.

"Hoy ano ka ba! Nasaan ba kayo? Magpakita na nga kayo!"galit na sagot nya.

"Huh? Pumunta ka ba sa school? Hahahahaha, sira ka talaga, umuwi ka na nga, niloloko lang kita, pinasubukan lang naman ni Corine loyalty mo eh, uyyyy, loyal sya, umuwi ka na girl at wala kami dyan."sabi ni Mildred pero bago pa makasagot ang dalaga ay..

Napalingon si Bea at nakita nya ang isang taong nakaitim na may hawak na kutsilyo, nanlaki ang mata ni Bea ng makilala iyon..

"I-IKAW! ANONG..--"Dinig na dinig ni Mildred na sabi ni Bea at saka isang malakas na sigaw ang sumunod dito.

"BEA? BEA? BEA!!"tawag ni Mildred.

Si Bea naman ay mabilis na tumakbo papasok sa kitchen, sinara nya iyon at takot na takot na hinarangan ng lahat ng mkitang mabigat na bagay.

"Tulong! Tulungan nyo ako!"Sigaw ni Bea at nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Pagkatapos nyang harangan ang pintuan ay hinarap nito ang mga kitchen knife na nakatago doon at wala sya ni isa man lang makita.

"Bea.. Magtago ka na.. Pagkabilang kong tatlo nakatago ka na, pag hindi.. PAPATAYIN KITA!!"naririnig nayang galit sabi ng tao.

Si Bea naman ay takot na takot na sumiksik sa ilalim ng lamesa, iyak ito ng iyak lalo ng lumakas ang iyak nito ng marinig nyang pilit binubuksan ng taong iyon ang pintuan na hinarangan nya, at maya maya ay narinig nya ang isang malakas na kalabog, natanggal na ang harang sa pinto, takot na takot si Bea, kitang kita nyang palapit na ng palapit ang tao sa lamesa kung nasaan sya. 

Kaya kahit kinakabahan ay takot na takot syang gumapang sa kabilang lamesa pero malapit na sana sya doon ng maramdaman nyang may kung sino sa harapan nya, tiningala nya ito at nakita ang isang babaeng nakaitim na walang mata.

Nawala sa loob nitong napatayo at sumigaw at saka naharap sa taong humahabol sa kanya at kitang kita nya ang ngiti nito.

"Boom Bea!"sabi nito at saka sunod sunod na saksak ang ginawa nya dito.

+

Kinabukasan ay gulat na gulat ang tigaluto sa cafeteria ng makitang gulo gulo ang gamit sa kusina, agad nila itong niligpit kahit puno ng pagtataka.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now