Chapter 07

9.3K 305 33
                                    

Chapter 7

* * *

~

"Ano kaya nangyari kay Ysa? Kawawa naman sya, kay bago bago pinagtitripan na ng mga loko lokong yon.." Nag aalalang wika ni Tristan .

"Oo nga eh, gustong gusto sya pagtripan, nakita ko din sya nung nagtrust walk sila, iniwan dun sa may haunted restroom." kwento din ng kaibigan nitong si Ren.

"Tsk tsk, mga bata talaga, mabuti pa ay maiwan ko muna kayo diyan at maglilinis pa ako ng Cr" wika naman ni Mang Dante na kakwentuhan din nila, pagka-alis nila ay lumapit si Ren kay Tristan.

"May gusto ka doon sa new comer noh?!"tukso nito dito.

"Hindi noh, ano ka ba, natutuwa lang ako sa kanya.. " depensa naman ni Tristan.

"Talaga lang ah, asus, umamin ka na kasi, gusto mo si Ysa .." tukso pa ni Ren sa kaibigan.

"Kung gustuhin ko man sya, wala din.. Masyadong komplikado." Malungkot na sabi ni Tristan.

+

Sa mabilis na takbo ni Ysa ay hindi na nito namalayan na meron itong makakabangga ngunit bago pa man ito makaiwas ay tumilapon na siya sa taong nakabangga at napahiga sa ibabaw nito ,

Napapikit naman ang dalaga at hindi agad nakakilos hanggang sa makarinig ito nang munting tawa.

"Alam kong may gusto ka sa akin pero hindi ko naman alam na ganyan ka ka wild.." Asar nito sa dalaga.

Tila natauhan naman si Ysa nang makilala niya ang boses na iyon at mas lalo itong namula nang marealize niya ang pwesto nilang dalawa ,

"Bastos ka talaga! Bastos!!" Sigaw ni Ysa rito.

"Bastos? Eh ikaw tong pumatong sa akin tapos ako yung bastos, baka idemanda kita ng rape diyan" Natatawang sabi ni Lexin.

Pero iyak lang ang ginanti ni Ysa, hindi pa kasi sya makarecover sa nakita kanina. Nagulat naman si Lexin sa reaksyon ng dalaga.

"Oh nag-aasaran lang tayo dito, bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Lexin pero imbes na sumagot ay napalumpasay lang ito at nag-iiyak.

Lumapit naman dito si Lexin at hinawakan si Ysa, doon naramdaman nya na nanginginig at nanlalamig ang dalaga.

"Bakit takot na takot ka?" Nagaalalang tanong ni Lexin.

"May babae.. May babae.. " Umiiyak na sabi ni Ysa at saka yumukyok kay Lexin.

"Sinong babae?"Tanong ni Lexin.

Tumingala naman si Ysa para i-kwento sana ang nangyari pero pag angat niya ng mukha nya ay nakita nya ang babae sa likod ni Lexin na titig na titig sa kanya, Halos manlaki ang mata nito at nanginginig na tinuro ang babaeng nasa likuran ni Lexin.

Kunot noo namang tinignan ni Lexin ang nasa likod pero wala namang makita ang binata.

"Ano yon?!" Tanong niya kay Ysa.

"May babae, may multo.." Takot na takot na sabi ni Ysa.

Kumunot ang noo ni Lexin at umiling. "Buti pa, hatid na kita pauwi." Nag aalalang wika nito.

"Maniwala ka sa akin, meron talaga, maniwala ka sa akin.." takot na takot na pilit ni Ysa.

"Okay, naniniwala ako sayo, mabuti pa ihatid na kita."Concern parin na sabi ni Lexin. 

Nginig na nginig naman sa takot si Ysa sa nakita kaya naman sumama na lang ito sa binata.

Dinala naman ni Lexin si Ysa sa kanyang kotse at nang tumatakbo na ang sasakyan ay nakita nyang takot parin ang dalaga ,

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat