Chapter 14

7.5K 210 9
                                    

Chapter 14

* * *

~


"Aileen? Aileen! Saan ka pupunta?" Tawag ni Ysa sa kaibigan ng makita itong naglalakad papunta ng haunted restroom.

"Aileen !! Wag kang pumunta dyan! Mapapahamak ka lang diyan!" Sigaw ni Ysa sa kaibigan.

Pero parang walang naririnig si Aileen, dire diretso pa rin ito sa cr na yon. Tumigil si Ysa sa harap ng pintuan at mula doon ay tinawag nya si Aileen.

"Ai !! Lumabas ka na diyan, Aileen Please!"Sigaw ni Ysa. 

"Aileen, umalis ka na diyan!! Ano bang nangyayari sayo!?" Pero wala pa ring naririnig si Aileen. Naglakas loob na si Ysa na pumasok sa cr para sa kaibigan. Pagpasok na pagpasok pa lang nya ay kinilabutan na sya.

"Aileen.. Aileen.. " Wika ni Ysa at saka niyakap ang sarili. Hindi nya nakita si Aileen sa labas ng cubicle kaya kahit takot na takot ay isa isa nyang binuksan ang mga cubicle.

Nabuksan na nya ang lahat maliban nalang sa dulo. Isang iyak na naman ang narinig nya. Kilabot na kilabot si Ysa sa narinig pakiramdam nya ay kahit anong oras ay may lilitaw sa lugar na yon.

"Aileen.. "tawag nya at saka nya tuluyang binuksan ang huling pinto pero nakalock ito. 

"Aileen?"tawag muli ni Ysa at saka kumatok. Pero walang sumagot. Kaya napagpasyahan nyang silipin ito sa ilalim. Dahan dahan nya itong sinilip sa ilalim at doon ay biglang sumambulat sa kanya ang ulo ni Aileen na wala ng buhay.

"AAHHH!!!!!"Sigaw ni Ysa sabay balikwas ng bangon. Humihingal at pawis na pawis ito. Hindi pa sya nahihimasmasan sa panaginip ay naramdaman nya na may humahawak sa paa nya na nakapaloob sa kumot.

"Lewis! Ikaw na naman ba yan!? Bwiset ka talagang bata ka gustong gusto mo kong asarin!! " Sigaw ni Ysa.

"Ate? Bakit mo ko tinatawag??"Naalimpungatan na sabi ni Lewis na noon ay tulog pala sa tabi nya.

Bigla namang nanlaki ang mata ni Ysa at tinanggal ang kumot at doon ay nakita nya sa binti nya na may bakas ng kamay. Kilabot na kilabot sya sa nakita kaya hindi na nya nagawang matulog ng gabi na yon.

+

"Mga salot sa buhay, wag tuluran ..." Basa ni Ysa sa nakapaskil sa may bulletin board, may larawan doon ng dalawang babae at isang lalaki na nasa truck ng basura.

"Hi Ysa.. "Matamis na bati sa kanya ni Corine.

"Ah.. Hi din.."Matipid na bati ni Ysa.

"Bwiset kasi yang mga nasa picture na yan, kinakalaban ako, ayan tuloy.. Ganyan ang napapala ng mga sumasalungat sa akin.. Mas malala pa diyan ang kaya kong gawin." Nakangiti ngunit may lamang sabi ni Corine.

"Buti naman sinuot mo yung bigay ko.."Bati ni Corine ng mapansin niyang suot ni Ysa ang mga bigay nya.

"Ang kulit kasi ng ate ko eh.." Sagot ni Ysa at saka nya naalala kung paanong halos ipasuot sa kanya ng Ate nya ang mga damit na yon ng sapilitan.

"Nga pala Ysa, sa Friday!! May paparty ako, punta ka ah? Ako na bahala sa susuotin mo!" Imbita sa kanya ni Corine.

"Eh Ano kasi--"

"Pupunta ka.. Kung gusto mo isama mo si Marj para hindi ka ma-OP.." Matigas na sabi nito at saka tumalikod at malanding naglakad.

Naiiling naman si Ysa, tinungo nalang nya ang locker at doon ay may nakita syang sulat na nakaipit sa locker nya. Kinuha nya iyon at binasa.

Dear Ysa,

You are so beautiful, I wish I could spend more time with you..

Love,

Yuan..

Luminga linga naman si Ysa sa paligid at doon nakita nya si Yuan na malagkit ang titig sa kanya.

Inirapan nya iyon at nilukot ang sulat at saka tinapon sa pinakamalapit na basurahan.

Ngisi lang na sinundan ng tanaw ni Yuan ang dalaga.

Ang hindi alam ni Yuan ay nakamasid ng patago sa kanya si Tristan at Ren.

"Si Yuan ba ang banta kay Ysa ha Tristan?"Tanong ni Ren sa kaibigan.

"Sana nga Ren sya lang.. Sana nga.." Punong puno ng pag-aalalang sabi ni Tristan.

+

"Tao po.. Tao po.." Tawag ni Ysa sa harapan ng bahay nila Aileen, naisipan kasi nya na dalawin ito, balak sana nyang hintayin pa si Marj pero kailangan na talaga nya makausap si Aileen.

"Sino yan?" tanong ng nasa loob at saka bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang isang matandang babae na sa tantya nya ay Lola ni Aileen.

"Ahh!!Magandang hapon po, ako po si Ysa, Ysabella Fajardo po, kaibigan ni Aileen.."Magalang na pakilala ni Ysa.

"Ikaw pala si Ysa.. " Ngiting sabi ng Lola ni Aileen. "Tuloy ka, kanina pa kita hinihintay.." At saka binuksan ang pintuan.

"Paano nyo po --" Hindi na natuloy ni Ysa ang sasabihin ng makita ang loob ng bahay nila Aileen, puro ito kandila at napapaligiran ito ng kung ano anong rebulto.

"Huwag ka matakot Hija, hindi ako masama, antique collector ako kaya madami akong ganyan, naroon si Aileen sa kwarto nya." Sabi ng matanda sabay turo sa pintuan ng kwarto ni Aileen.

Tumalima naman si Ysa at lumakad papunta kwarto nila Aileen.

"Aileen?" Katok nito sa kwarto.

Pero walang sumasagot sa loob. "Aileen, papasok na ako ah?" At saka nito binuksan ang pintuan.

Madilim sa loob ng silid ni Aileen, gulo gulo ang mga gamit nito.

"Aileen.. Nasaan ka ? Aileen?" Tawag ni Ysa ngunit hindi niya ito mamataan nang biglang may dumagundong sa bandang cabinet ni Aileen, nagulat naman si Ysa pero nakabawi din, pinuntahan nya iyon at dahan dahan binuksan pero wala naman naroon. Sinubukan nyang kapain kung nasan ang switch ng ilaw, ng makapa niya iyon ay ini-on nya iyon at....

" AHHHHH!!!!!!!!!!!!!!"

* * * * *

Next : Chapter 15

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now