Chapter 15

7.1K 243 7
                                    

Chapter 15

 * * *

~

"Aileen! Ano ka ba? Bakit nang-gugulat ka!!?" Sigaw ni Ysa ng makita si Aileen pala ang nasa likod.

Tumawa naman ng tumawa si Aileen. "Haha !! You should see your face !!" Aliw na wika nito sa namumutlang si Ysa.

"Ikaw talaga Aileen ang hilig mong magbiro, sa mga nangyari sayo may gana ka pang mag-biro .. " Biglang singit ng Lola ni Aileen na kakapasok lang.

"Ano ka ba naman La, nagbibiruan lang kami ni Ysa!" Sagot naman nito sa Lola.

"Ikaw talaga gaga ka! Balak mo ba akong patayin sa takot!!?" Nakabawi ng sagot ni Ysa.

"Hahahaha!! Hindi ka pa ba sanay Ysa? Sa dami daming kababalaghan sa school dapat masanay ka na .. Mas madami pang darating.." Makahulugang sabi ni Aileen.

"Ano ka ba Aileen? Tinatakot mo nanaman yang kaibigan mo eh, mabuti pa at bumaba na kayo para magmeryenda." Utos ng lola nito at saka bumaba.

"Halika na Ysa.." Masayang aya ni Aileen kay Ysa.

Bumaba sila at masayang nagkwentuhan nila Ysa at Aileen pati na rin ang Lola nito, maya maya pa ay nag ring ang cellphone ni Ysa.

"Uyy!! Si Marj, tumatawag.. " Sabi ni Ysa at akmang sasagutin na sana ang phone ng pigilan ito ni Aileen.

"Naku, hayaan mo na yang si Marj, mangungulit lang yan!"Sabi ni Aileen.

"Hija, ala-sais na, mabuti pa umuwi ka na at mag-gagabi na." Wika ng lola ni Aileen.

"Ay, oo nga po, sige po mauna na ako, Aileen, pagaling ka na ah? tapos pasok ka na para party party ulit tayo!"Masayang biro na sabi ni Ysa, pero imbes na sumagot ay niyakap lang ni Aileen ang kaibigan.

"Ysa, mag-iingat ka ... mag-iingat ka sa mga taong napapalapit sayo.. Pangako mo Ysa.."Umiiyak na sabi ni Aileen.

"A-Ano ka ba? bakit ka ba nag-kakaganyan.." Naiiyak narin na tanong ni Ysa sa hindi malamang dahilan ay tumulo nalang ang luha nito.

"Basta pangako mo, pangako mo na wag ka mag-titiwala kung kani kanino."Pilit ni Aileen.

"O-Oh sige, sige.. Pangako.. Pangako.." Nasabi na lang ni Ysa para matigil na ang kaibigan. Nagpaalam na ito sa kaibigan at sa Lola nito.

"Sige po, mauna na po ako.." Paalam ni Ysa.

Paglabas ng paglabas ni Ysa ay saktong dating naman ng sasakyan ng mommy ni Aileen.

"Good Evening po.." Bati dito ni Ysa sa ina ng kaibigan, napansin nya na mugto ang mga mata nito.

"Ysa.. Anong ginagawa mo dito?"Tanong ng ina ni Aileen na minsan na rin nyang nakilala ng sunduin nito si Aileen sa school.

"Dinalaw ko lang po si Aileen, matagal na po kasi sya hindi pumapasok eh."Nakangiting sabi ni Ysa.

Kitang kita naman ni Ysa kung paano parang naupos sa kinatatayuan nya ang ina ni Aileen.

"Hindi mo pa ba alam Ysa?"Tanong nito at saka humikbi ng humikbi.

"Ang alin po?!"Naguguluhang sabi ni Ysa.

"Si Aileen .. A-Ang anak ko .. w-wala na siya , p-pumanaw na siya kagabi."Iyak ng ina nito. 

"Natagpuan na lamang namin sya sa cr na wala ng buhay kaninang umaga, sabi ng doctor inatake sya pero napakabata pa nya.."Kwento ng ina ni Aileen.

Si Ysa naman ay parang walang narinig, tulalang tulala sya at kilabot na kilabot, paanong patay na si Aileen samantalang masaya pa silang nagkwekwentuhan kanina.

"Kakamatay nga lang ni Mommy tapos ngayon si Aileen naman,"Iyak pa ng ina ng kaibigan.

Mommy? Ang lola ni Aileen ay patay na din?

Ibig sabihin, ang dalawang kausap nya kanina ay pawang mga sumakabilang buhay na pero nakausap at nayakap pa nya ang mga ito.

Dahan dahang napaupo si Ysa, sya namang nag ring ang cellphone nya, tumatawag si Marj.

"H-Hello" sagot nya.

Isang malakas na iyak ang narinig ni Ysa sa kabilang linya.

"Ysa!! Si Aileen.. Si Aileen.. P-Patay na sya.. Patay na si Aileen.. Kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinasagot!?" Sabi ni Marj at saka humikbi ng humikbi..

Doon na napaiyak si Ysa, hindi dahil sa nakakakilabot na nangyari kanina, kung hindi dahil sa nawalan na sya ng isang kaibigan. Napayakap na lang sa kanya ang ina ni Aileen at sabay nilang iniyakan ang pagkamatay ni Aileen.

* * * * *

Next : Chapter 16

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now