Chapter 04

10.9K 336 20
                                    

Chapter 4

* * *

~

"Ysa!! pinapatawag ka ni Mrs. Del Mundo.. " Sigaw sa kanya ng isang estudyante, Napaangat naman nang tingin si Ysa habang nag aayos nang kanyang gamit , pauwi na sana ito kasama ang dalawa niyang bagong kaibigan na sila Aileen at Marj.

"Bakit daw?"takang tanong ni Ysa.

"Basta tawag ka eh, halika na at hinihintay na tayo ni Mrs. Del Mundo!" Inis na aya nito sa kanya.

"Nagmamadali nagmamadali? May lakad ?" Pambabara naman ni Marj.

"O sya, sige, mauna na kayo guys, bukas na lang tayo umuwi ng sabay sabay." Paalam ni Ysa sa mga bagong kaibigan.

"Okay okay , Byebye!!" paalam naman ng dalawa.

Ngumiti naman si Ysa at tsaka sumunod na sa kaklase niyang lalaki.

+

Habang naglalakad ay tsaka sila huminto sa isang pintuan sa 3rd floor.

"Nandito si Ma'am?" kunot noong tanong ni Ysa pero hindi kumibo ang lalaki, bagkos ay binuksan lang nito ang pinto at sinenyasan si Ysa na pumasok.

Takang taka naman si Ysa na pumasok, pagpasok nya ay nakita nyang storage room pala ito.

"Eh hindi naman --"hindi na naituloy pa nang dalaga ang sasabihin dahil agad itong sinara nang lalaki .

"SANDALI!!!--" Kinakabahang sigaw ni Ysa at tsaka kinalampag ang pinto ngunit naka lock na ito.

"BUKSAN NYO TO! BUKSAN NYO TONG PINTUAN! PARANG AWA NYO NA!!" Pagmamakaawa ni Ysa.

Sa labas naman ng Storage room ay nag-apir si Yuan at ang estudyanteng inutusan niya para dalhin si Ysa doon.

"Sinet up mo na ba yung camera sa loob?" Tanong ng lalaki.

"Oo naman, o paano, halika na, hayaan mo siyang mag-iiyak diyan sa loob, balikan na lang natin maya maya, inuman muna tayo sa may rooftop!" bulong na sabi ni Yuan.

Takot na takot naman sa loob ang dalaga habang patuloy na pinaghahampas ang pintuan ngunit hindi na talaga ito mabuksan.

"PLEASE BUKSAN NYO NA TO! PLEASE!" Naiiyak nang wika ni Ysa hanggang sa mapaupo ito sa gilid at umiyak ng umiyak.

Pinagmasdan nang dalaga ang maliit na kwarto, Madilim , mabaho at marumi , habang tinitignan niya ang paligid ay bigla na lamang natumba sa tabi niya ang lumang manikin dahilan para tumaas ang balahibo nito sa takot.

"AHHHH AHHHH AHHHH!!" Sigaw ni Ysa at saka tumayo ulit at kinalampag ang pintuan.

"PARANG AWA NYO NA BUKSAN NYO NA PO! BUKSAN NYO NA!!"humahagulgol na sigaw nang dalaga,

Maya maya ay natigil sa pagsigaw si Ysa nang may marinig syang isang mahinang iyak, iyak ng isang babae at dito mismo nanggagaling sa loob ng kwarto na kinatatayuan niya, isang kamay ang biglang humawak sa paa nya mula sa likuran.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nang dalaga at pagkatapos noon ay bigla na lamang itong nawalan nang malay.

"Ysa.. Ysa.. Ysa gising, gumising ka!" nadinig ni Ysa na tawag ng isang lalaki, unti unti nyang dinilat ang mata at doon ay nakita nya si Tristan na nag aalalang nakatingin sa kanya,

"A-Anong nangyari? Nasaan ako?" Namamalat ang boses na wika nito,

"Nandito ka sa school, nakita ka namin ni Mang Dante sa loob ng storage room, narinig ko kasi yung mga classmates mo ata yun na kinulong ka daw nila dito kaya dali dali kong tinawag si Mang Dante"Kwento ni Tristan.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now