Chapter 71

3.2K 65 2
                                    

Chapter 71

"Mam Corine, nandito na po tayo.." Gising ng driver kay Corine na naidlip pala habang nasa byahe papuntang LAC.

Pupungas pungas na bumangon si Corine at sumilip sa bintana, kapagdakay tiningnan ang oras sa kanyang relo. Quarter to 10 na, maya maya lang ay maghaharap na sila ni Ysa. Hindi nya alam kung anong kailangan ni Ysa pero napag usapan nilang magkita sa LAC. Kahit ano pa man ang mangyari ay handa sya, sinilip nya ang kanyang bag kung saan nakatago ang baril na ninanakaw pa nya sa drawer ng Ama.

"Mang Dencio.. Salamat po, iwan nyo na po ako dito.."Paalam ni Corine.

"Hindi na ba kita hihintayin Hija?

Ngumiti lang si Corine at bumaba na ng sasakyan, pero bago nito isara ang pintuan ng sasakyan ay lumingon ito sa driver at nagwika.

"Mang Dencio, Kayo na po ang bahala kay Daddy.." Aniya saka sinara ang pintuan.

+

TOK TOK TOK..

TOK TOK TOK..

Sunod Sunod na katok ang gumising kay Flor na nakatulog na sa sofa dahil sa pagbabakasakaling uuwi ang kapatid. Nakakunot na tiningnan nya ang orasan.

"Magaalas diyes na, sino kaya ito?" Sabi nito at saka tinungo ang pintuan. "Sino yan?" Tanong nya.

"Inspector Bonker Moral po..!"

Kunot noong binuksan ni Flor ang pintuan. "Inspector? Ano pong ginagawa nyo dito sir? Nang gantong oras?"

"Pasensya na sa istorbo Mam, gusto lang po sana naming makausap si Ysabella Fajardo.." Magalang na wika ni Bonker.

"Anong kailangan nyo sa kapatid ko?" Tanong ni Flor.

"Gusto lang namin sana syang makausap, may importanteng sasabihin lang ako.." Magalang na wika ni Bonker.

"Wala po sya dito.. Matagal na syang hindi umuuwi, tungkol po ba saan yun sir?" Usisa ni Flor.

"May mga bagay po kasi akong kailangang itanong sa kanya.." Magalang parin na wika ni Bonker.

"Katulad ng?"

"Pasensya na pero kay Ysa ko dapat idiscuss ang mga bagay bagay tungkol dito.." Dagdag pa ni Bonker.

"Ganon po ba? Sa totoo lang po sir, wala talaga akong ideya kung nasan sya, ang huling kita pa namin eh nung naghakot siya ng ilang gamit." Kwento ni Flor.

"Ganon ba.. Saan ko kaya sya pwedeng makita.." Isang malungkot na mata na lang ni Flor ang naging sagot sa katanungan ni Bonker.

Totoo ang sinasabi ni Flor, nung araw na mamatay si Maita Apostol, ang ina ni Lexin. Tandang tanda nya pa ng humahangos at umiiyak na umuwi ito.

+

Isang malakas na katok din ang gumulat kay Flor, Lina at Lewis, agad naman itong binuksan ni Lewis at sumambulat ang takot na takot na si Ysa.

"Ate Ysa!!" Sigaw ni Lewis.

"Si Ysa nandito si Ysa," Gulat namang sabi ni Lina, pero si Ysa ay dire diretso sa kanyang kwarto at nag-impake. Maya maya ay pumasok na ang ina at mga kapatid.

"Bakit nagiimpake ka? Saan ka pupunta? Talaga bang hindi mo na ako mapapatawad at aalis ka.." Emosyonal na sabi ni Lina habang pinipigil ang nagiimpakeng si Ysa.

Pero hindi kumikibo si Ysa, bagkus ay pinagpatuloy nya ang pagiimpake, ilang ulit pinilit ni Linang tanggalin ang mga ineempake nyang gamit. Pero sadyang mapilit si Ysa.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now