Chapter 02

17.7K 401 30
                                    

Chapter 2

* * *

~

"Why did you do that?!" galit na sita ni Mildred sa dalawang kaibigan na tumatawa ng makita sya.

"Come on sis, we're just having fun!!" nakangising sagot ni Corine rito ,

"Fun? Muntik na akong atakihin sa puso!! Alam mo ba yun ??"Galit parin na sigaw nito ..

"But you didn't .. So ano pang pinuputok ng butsi mo diyan! Umayos ka nga! Mukha kang may LBM.." natatawang asar ni Corine sa kaibigan.

Tawa naman ng tawa si Bea sa dalawa , nilingon ito nang dalaga at tinitigan ito ng masama kaya naman tumahimik ito.

"Good Morning Class!" bati ng guro nilang si Mrs. Del Mundo na kararating lang. "Im sorry, Im 5 minutes late.." wika nito.

"Excuse me po ma'am!!" Agaw pansin ni Ysa sa guro na kakaupo lang.

"Yes?" sagot naman nang guro, pumasok sa classroom si Ysa at lumapit sa guro sabay abot ng isang papel.

Kinuha iyon ni Mrs. Del Mundo at saka binasa. "So you are Maria Ysabella Fajardo."basa nito sa papel.

"OH MY GOD! Look who's here.." bulong ni Mildred nang makita si Ysa.

"That Bitch!"asar na sabi ni Bea ..

"Classmate na natin siya ? this is interesting .." masayang bulong ni Corine.

"You are from Siquior.. " nadinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

"Yes ma'am.."Maikling tugon ni Ysa sa guro .

"Whoa!! may kaklase yata tayong aswang.." Biro ng isa nilang kaklase na si Yuan.

Nagsi tawanan naman ang buong klase lalo na ang grupo nila Corine ..

"Class! Quite.. Is that the proper way of welcoming a new classmate?" Saway ni Mrs. Del Mundo at tsaka nilingon si Ysa.

"Miss Fajardo, you may sit down, humanap ka na lang ng bakanteng upuan diyan." sabi sa kanya ng guro.

Hiyang hiya namang naglakad si Ysa papasok at naghanap nang bakanteng upuan , nakakita naman sya ng bakanteng upuan sa likuran kaya naman pinuntahan nya ito. Nang madaanan niya ang pwesto nila Corine ay kitang kita niya agad ang masamang titig sa kanya ni Bea, si Corine naman ay nakangiti lang sa kanya.

"Witch...!!"Parinig naman ni Bea.

Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy nalang sya sa paglalakad at saka umupo sa bakanteng upuan sa may bintana.

Nagumpisa na ang klase at buong oras ng klase ay panay ang lingon sa kanya ng mga kabarkada ni Corine.

Ilang saglit pa ay may isang lalaki ang pumasok, matangkad, gwapo, at maporma, pero ang mata nito ay tila kakaiba na parang malungkot.

"Oh .. Mr. Apostol, you're so early for the next class!"sarkastikong sabi ng guro. Pero parang walang narinig ang lalaki at dire diretso lang ito papasok.

Habang naglalakad ang lalaki ay nakatingin lang dito si Ysa at habang papalapit ay amoy na amoy na niya ang mabangong amoy nito , hanggang sa magtama ang mata nilang dalawa at hindi na napansin nang dalaga na nakatitig na siya rito, pero habang nakatitig siya rito ay kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nang binata..

"Miss, Miss, Miss!" tawag sa kanya nito at saka sya biglang nagising at ilang beses napapikit.

"Ah, eh bakit?" nakangiting sagot nya.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now