Chapter 68

4.9K 118 1
                                    

Chapter 68

+

Nang gabing iyon ay laman ng isang sikat na bar si Albert na tila nagsasaya sa natuklasan. Ngingiti itong mag-isa sa isang sulok na para bang nasisiraan na nga bait.

"Gov.. Gumagabi na po, hindi pa po ba tayo uuwi?" Napapakamot na tanong ni Gilbert sa amo.

"Kung gusto nyo na umuwi, umuwi na kayo.. Kaya ko pangalagaan ang sarili ko.." Pagkawika nun ay nilabas nito ang isang 45 caliber na baril at nilapag sa mesa. "Tingnan lang natin kung lumoko loko pa sila sa akin." Mayabang na sabi nito at saka lumagok pa ng isang baso ng alak. "Sige na, mauna na kayo, iwan nyo na lang yung kotse." Utos nito sa tauhan.

Tumalima naman agad si Gilbert, inaantok na rin sya at ala una na ng madaling araw non kaya hindi na sya nagdalawang isip. Si Albert naman ay naiwanan mag-isa at nagmumuni muni pa sa kaninang narinig na balita.

"My god Cely, may anak tayo! HAHAHAHAHA! MAY ANAK TAYO.." Sigaw nito at humalakhak ng humalakhak.

"Gov.." Bati ng isang matanda na kararating lang, eto ang abogado ni Albert, agad nya itong tinawagan at nagpagawa ng bagong testamento kanina ng malaman nya ang katotohanan na anak nya si Ysa.

"Gov, bakit ho ata bigla bigla ang pagbabago nyo ng testamento? at bakit di nyo pa pagpabukas ang pagpirma?" Tanong nito kay Albert.

Hinila bigla ni Albert sa kwelyo ang attorney. "Attorney, hindi kita binabayaran para kwestyunin ang desisyon ko.."

"Sorry Gov, eto napo yung pinapagawa nyo.. " Takot na sabi ng abogado at saka inabot ang papeles. "Nakasaad po diyan na si Ma. Ysabella Fajardo ang nag-iisa nyong anak at magmamana ng lahat lahat ng kayamanan nyo, " Paliwanag ng abogado.

"Tama! Karapatan nya naman talaga lahat ng kayamanan namin dahil isa syang tunay na Apostol!!" Masayang sabi ni Albert.

"Paano po si Lexin? legal nyo rin po syang anak.."

"Sa papel lang iyon! Wala akong anak na walang hiya.. Pasalamat sya at may pinamana pa sa kanya si Mama dahil kung ako masusunod wala syang karapatang magmana ni singkong duling sa kayamanan ng mga APOSTOL!" Putol ni Albert sa ano man ang sasabihin ng Attorney. Kinuha nito ang testamento at saka pinirmahan iyon.

"Oh ayan Attorney, asikasuhin mo na yan! Basta ikaw na bahala sa anak ko.."Paalala ni Albert.

"Aalis ho kayo Gov?" Tanong ng attorney.

"Tonto! Pinapaasikaso ko lang yan at syempre hindi ko pa mabubulgar ang katotohanan sa lahat.. Masisira ang pangalan ko.. Basta kung ano man at ano man ang mangyari, ikaw na ang bahala sa anak ko attorney."Sabi ni Albert at saka umalis at halatang lasing na lasing na ito.

"At tsaka nga pala Attorney, may dineposit na akong pera sa account mo, nakatime deposit yun, sapat na siguro yun para sa madaming taon na tapat na paglilingkod mo sa pamilya Apostol." Parang namamaalam na bilin ni Albert.

Napatingin na lang dito ang abogado at naiiling na tumayo bitbit ang mga papeles.

Si Albert naman ay hindi na tuwid ang lakad na dumiretso sa parking lot, patungo sa kotse nya ay may isang babae syang natanaw na nakatayo sa harap ng kotse, nakaitim ito.

"Sino ka?" Wika nito pero di kumibo ang babaeng nakaitim. "SINABI NG SINO KA EH!!" Sita nito sa babae pero bago pa man nya malapitan ay isang busina ng kotse ang sa kanya ay gumulat dahilan para maatras ito at malingon sa bumusinang kotse.

+

"MA! MA!" Nagpapanic na katok ni Flor sa pinto ng kwarto ng ina, kagagaling lang nito sa bakery para bumili ng pandesal.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now