Chapter 23

7.8K 198 13
                                    

Chapter 23

* * *

~

"Lexin .. may papakiusap sana ako sayo.."Biglang sabi ni Ysa habang nasa biyahe sila, nasa likod si Marj at tulog na tulog.

"Ano yon?"Tanong ni Lexin na hindi tumitingin kay Ysa.

"Kung pwede, yung mga kinwento ko sayo, sa atin na lang, wag mo na ikwento kay Marj at lalong lalo na sa parents ko, masyadong madami ng pinagdadaanan si Papa eh."Pakiusap ni Ysa.

"Oh sige, pero hindi natin maaring palampasin lahat ng to.."Wika naman ni Lexin.

"Ayoko ng gulo Lexin, hayaan mo na ako ang may gawin.."Sabi ni Ysa at saka tumingin sa salamin para tingnan si Marj pero hindi lang si Marj ang nakita nya doon kung hindi ang isang babaeng nakaitim, napalingon sya bigla kay Marj pero wala na ang babae.

"Ysa bakit?"Tanong ni Lexin ng makitang putlang putla ang dalaga.

"A-Ahh .. W-Wala .. "Pagsisinungaling ni Ysa.

+

"Hi Corine!!"Matamis na bati ni Bea sa dalaga na kakapasok lang, tulala ito at hindi tulad ng dati ay hindi man lang to gaano nakapustura.

"Corine, are you okay? You look different?"Usisa ni Mildred.

"Yeah, I'm okay.."Maikling tugon ni Corine.

Siya namang dating ng grupo ni Yuan na abot abot tenga ang tawanan, kanya kanya silang upo samantalang si Yuan ay dumiretso sa dalaga.

"Hi Babe!!"Bati nito sa dalaga at saka hinawakan ito sa baba, iniwas naman ni Corine ang mukha sa binata.

"Opps! Sungit naman ng babe ko."Ngiting sabi ni Yuan.

"Pwede ba Yuan, wala ako sa mood, kaya kung pwede lang tantanan mo ako.."wika ni Corine.

Tinaas naman ni Yuan ang dalawang kamay at nagkibit balikat.

Parang nahiwagaan naman si Bea at Mildred sa nasaksihan at napalitan naman ng ismid ng makitang papasok si Ysa.

"Here comes the devil.."Taas ang kilay na sabi ni Mildred.

"Corine, pwede ba kitang makausap? Ng tayong dalawa lang?!"Bungad ni Ysa pagkadating na pagkadating.

"Hoy aswang! Sino naman ang nagbigay sayo ng karapatan na kausapin si Corine ng ganyan?"React ni Bea sa ginawa ni Ysa.

"Hoy Tyanak ka! Kung ayaw mong magpalit ng mukha ng aso tigil tigilan mo ako!"Galit na duro ni Ysa kay Bea, para namang natameme si Bea sa tinuran ni Ysa.

"Lets go Ysa.. "Aya ni Corine kay Ysa, lumabas sila ng room at pumunta sa isang room na walang tao.

"Plano mo ba talaga na iparape ako Corine ha!? Anong ginawa ko sayo para gantuhin mo ako!?"Galit na galit na salita ni Ysa.

"Anong ibig mong sabihin??"Maang na tanong ni Corine.

"Pwede ba Corine! Wag ka na magmaang maangan! Alam kong kagagawan mo yung muntik ng pagkarape sa akin kagabi! Ikaw ang kasama namin bago ako mawalan ng malay!"galit na sabi ni Ysa.

"Pero biktima din ako Ysa! Biktima din ako!!"Umiiyak na sabi ni Corine at saka tumalikod at tinanggal ang damit, at pagkatanggal ay nanlaki ang mata ni Ysa ng makit ang mga pasa at kiss mark sa likod ng dalaga.

Napahawak sa bibig si Ysa sa nakita at dahan dahan lumapit dito at pagkatapos hinawakan ito.

"Sinong may gawa nyan? Sila Yuan din ba?"Naaawang tanong ni Ysa.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now