Chapter 08

9.2K 274 19
                                    

Chapter 8

* * *

~

"Huwag! Huwag! Parang awa mo na! maawa ka! Maawa ka!" Sigaw ng babae habang tumatakbo ng bigla itong madapa.

Naabutan ito ng humahabol sa kanya at isang kutsilyo ang sinaksak sa likod nito at ang babae ay walang iba kundi si Ysa.

Biglang napabalikwas ng bangon si Ysa at pagbangon nya ay may naramdaman syang kamay sa kanyang paa na syang ikinasigaw nya.

"Mama! Papa! " Malakas na sigaw nito at nagpupumiglas dahil sa nakahawak sa paa niya.

Bumukas naman ang pinto sa kwarto nya at agad agad pumasok ang mga magulang ni Ysa na alalang alala.

"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?"Nag aalalang tanong ng ina ni Ysa.

Habang ang dalaga naman ay hindi na nagawa pang magsalita at tinuro na lang nito ang paa.

"Yung paa mo? Ano?" tanong ng ina nito. At saka tinanggal nito ang kumot. Nanlaki naman ang mata ni Ysa nang makita kung sino ang nandoon.

"Punyeta ka talaga Lewis!! Napakalaki talaga ng tira mo !! Urgh!!" Sigaw ng ina ni Ysa ng makitang ang bunsong anak ang nandon.

Galit na galit naman si Ysa na hinabol ang kapatid dahil sa sobrang inis dito.

+

"Hi Lexin .." Bati ni Corine sa lalaki. "Aga mo ata ngayon?" puna nito, kadalasan kasi ay tanghali na ito kung pumasok, minsan nga ay halos mag-uwian na.

Pero hindi man lang pinansin ni Lexin ang dalaga, bagkus ay tumanaw ito sa may pintuan na para bang may hinihintay.

Napansin naman iyon ni Corine at lumapit pa lalo sa binata.

"May hinihintay ka ba?"Usiaa ni Corine.

Pero dedma pa rin sya sa binata, para ngang wala itong nakikita at naririnig, nakasimagot naman na tumalikod si Corine.

"Ano? Dinedma ka na naman ni Lexin no?"bulong na bati sa kanya ni Bea.

Isang matalim na tingin naman ang pinukol ni Corine kay Bea.

"Sabi ko nga tatahimik na ako.."wika nito at saka tumalikod na.

Si Lexin naman ay nakaabang pa rin sa pinto, hinihintay nito si Ysa. Pamaya maya ay narinig na nya ang maingay na kwentuhan ng mga kaibigan nito.

"Ay oo nga sis! 6k plus na ang GSMPMD, napuyat nga ako kakatambay doon eh!"Rinig ni Lexin na kwento ni Marj.

"Adik ka talaga Marj!! Pero deserve naman nila yung ganong kadaming likes kasi magaganda yung kwento at saka mababait ang mga admins.." Dinig naman nyang sabi ni Aileen.

Kaya hindi pa man din nakakapasok ang mga ito ay tumayo na to sa pag-aakalang kasama nila si Ysa pero ng makapasok ang dalawa ay si Aileen at Marj lang.

Napa bagsak naman nang balikat ang binata ng hindi niya makita ang dalaga pero nabawi kaagad yun ng matamis na ngiti nang maya maya pa ay pumasok na rin ang dalagang hinihintay. Isang matamis na ngiti ang pinukol nya dito ng magtama ang kanilang mata ngunit Irap naman ang tinugon ni Ysa.

Nasaksihan din ni Corine ang mga yon kaya masamang masama ang loob nito. "Humanda ka sa akin Ysa, inumpisahan mo ang laro ni Corine Rivera!!" Malakas na sigaw nya sa isip.

+

Habang Abalang abala sa pag-didiscuss ang guro nila Ysa ay siya naman nakikinig nang mabuti at titig na titig sa guro.

Mahaba ang buhok ng guro ni Ysa. Nakalugay ito, at nakatitig namang mabuti si Ysa ng napansin nito na mula sa buhok ay may lumalabas na kamay, at unti unti itong yumayakap sa leeg ng guro, gimbal na gimbal naman si Ysa, tiningnan nya ang mga kaklase pero abala pa rin ang mga ito sa pakikinig at tila hindi nakikita ang nakikita nya.

Maging ang guro ay parang walang nararamdaman. Mas nasindak sya ng makitang ulo naman ng babae ang lumabas sa mahabang buhok ng guro. Nanlaki ang mata ni Ysa, nabitawan nito ang hawak na ballpen. Nilingon nya ang pinaghulugan ng ballpen para kunin pero dun ay nakita nya ang babaeng nasa likod ng guro na nasa tabi na nya ngayon, bigla nitong hinawakan ang braso niya at kapag dakay tiningnan sya, nanlilisik ang mga mata nito.

"AHHHHHH!!!!" Malakas na sigaw nito at saka biglang tumayo sa inuupuan.

Nagsi tinginan naman sa kanya ang mga kaklase

"Miss Fajardo, What's wrong?!" Gulat na tanong ng guro kay Ysa.

Pero imbes na sumagot ay nanlalaki ang mata nito at tinuturo ang pinagkakitaan sa babae. Nginig na nginig sya sa takot at biglang hinimatay.

"Miss Fajardo? Are you okay!? Miss Fajardo!!Nag aalang wika ng guro. Bumaling ito sa ibang estudyante na nagpapanic na din, sasabihin na sana nya na dalin si Ysa sa Clinic pero hindi na nya nagawa dahil lumapit na si Lexin rito at ito ang nagbuhat sa dalaga. Punong puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Naiwan namang mga nakanganga ang mga kaklase at ang iba naman ay nagtaas ng kilay, lalong lalo na ang grupo ni Corine.

"Okay, class dismiss!" Nagpapanic na sabi ng guro at saka sumunod kay Lexin.

Nang makaalis na ang guro ay namewang naman si Bea at saka pinaikot ang mata. "I'm sure, kadramahan lang yun ng aswang na yon para mapansin sya! She is so desperate!" maarteng wika ni Bea.

"Hindi naman kailangan ni Ysa na gumawa ng eksena para mapansin, hindi naman sya tulad ng iba dyan!" Makahulugang sabi ni Marj na hindi nakatiis sa paninira ni Bea kay Ysa.

"HOY PROMDI! Tumigil ka nga jan! Hinihingi ko ba opinyon mo!?" Nanlalaking mata ni Bea kay Marj.

"HOY PALAKA, DI BALE NA PROMDI WAG LANG MUKHANG ZOMBIE!" Galit namang sabi ni Marj, inaawat naman na ito ni Aileen.

"Aba, matapang ka ah! Sino pinagmamalaki mo! Yung kaibigan mong aswang! feeling nyo naman sikat na kayo?!" Pangungutya ni Bea.

"Oo promdi kami, Oo di kami sikat, DI kami mayaman.. Pero Maganda kami!! Ikaw maganda ka ba?"Mataray na sabi ni Marj at saka tinalikuran si Bea at sumunod kela Lexin.

Akmang susugurin ni Bea si Marj paro pinigilan ito ni Corine.

"Bea, tama na.. Hayaan mo na.. " pigil nya sa braso nito.

"Pero sumosobra na yung babae na yon, akala mo kung sino sya porket --"

"I SAID THAT'S ENOUGH!!" Galit na galit na sigaw ni Corine, nanlilisik ang mga mata nito.

Humanda ka sa akin Ysa! I'll make your life miserable! Sigaw ng isip nito.

* * * * *

Next : Chapter 9

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now