Chapter 11

8.1K 232 4
                                    

Chapter 11

* * *

~

"Hi Ysa!" Masayang bati ni Corine sa kararating lang na si Ysa. "How's your sleep? hm, kamusta ka na?" Sunod sunod na tanong ng dalaga rito.

"Uhm, Okay naman." Maikling tugon ni Ysa at saka pumunta sa kanyang upuan. Lumapit naman si Corine dito at tumabi kanya. 

"Tabi tayo Ysa ah. " Nakangiting sabi ni Corine at yun ang eksenang nadatnan nila Bea at Mildred.

"Corine! Why are you talking to that aswang!?" Nakakairitang tanong ni Bea.

Tinignan naman nang matalim ni Corine si Bea.

"Sawa na kasi ako sa mga malignong tulad mo.." Matapang na sagot nito,

Isang malakas na tawanan naman ang narinig mula sa mga kaklase na nandoon, maging si Ysa ay hindi mapigilang matawa.

"Corine .. pwede ba kita makausap?" wika ni Mildred na seryosong nakatingin sa dalaga.

Tinitigan naman ito ni Corine at tumayo din at saka pumunta sa bandang likod ng classroom.

"Ano bang kalokohan ito sis? why are you wasting your time with that bitch?"Sita kaagad ni Mildred.

"Mil, I'm not wasting my time with her, and to be honest with you, mas nasasayang ang oras ko sa inyong dalawa ni Bea because of your stupidity!" Mataray na sabi ni Corine at saka tinalikuran ang nakangangang si Mildred.

Naguguluhan naman si Ysa sa nangyayari kaya lakas loob itong nagtanong kay Corine pagkaupo nito sa tabi nya.

"Corine, bakit mo ginawa  yun sa mga kaibigan mo?"tanong ni Ysa.

"They are not good enough for me, puro na lang sila pambubully and pag-iinarte, I'm so fucking tired with that, gusto ko naman ng serious life, tumatanda na tayo.." paliwanag ni Corine habang nakangisi.

Nagkibit balikat na lang si Ysa, ayaw nyang magpadala sa gimik nitong si Corine kaya wala syang balak makipag close dito.

+

"ALBERT! ALBERT TAMA NA! TAMA NA! TIGILAN MO NA YAN! MAPAPATAY MO SI LEXIN!!"Pigil ni Marietta sa anak, naabutan kasi niya nitong binubugbog na naman ang apo.

"MA! WAG KAYONG MAKIALAM! KAILANGANG MATUTO NITO NG LEKSYON!!"Galit na galit na sabi ni Albert habang binubugbog si Lexin na hindi kumikilos.

"PARANG AWA MO NA! TIGILAN MO NA ANG ANAK MO!!" Sigaw ni Marietta at saka sinampal ang anak. "Sinabi ko ng tumigil ka na eh! Ano ka ba naman!" Galit na sabi nito.

"Diyan kayo magaling, ang kampihan yang tarantado nyong apo!!"Nang-gagalaiting sabi ni Albert. 

"Alam nyo ba kung anong kalokohan na naman ang ginawa nyang apo nyo?! Alam nyo ba! Naglasing sa bar at saka binugbog yung isang costumer doon at yung costumer na yon anak ng kliyente ko! pati ako ngayon damay sa kagaguhan nyang apo mo!!!" Malakas at galit na sabi ni Albert.

"Kahit na ano pang ginawa ni Lexin wala ka pa ring karapatang saktan sya!!"sagot na sigaw ni Marietta at saka pinuntahan ang apo.

"May karapatan ako dahil anak ko sya!" sagot ni Albert.

Biglang natayo si Marietta sa sinabi ng anak at saka binigyan ito ng isa pang malutong  na sampal.

"Mas wala kang karapatang tawagin syang anak! Lumayas ka sa harap ko!!" Galit na galit na utos ni Marietta at saka binalikan muli ang apo at niyakap ang tulalang si Lexin. Wala namang nagawa si Albert kundi ang umalis.

+

Sa cafeteria naman ay sabay sabay nag lunch si Ysa, Aileen at Marj. Masaya silang nagkukwentuhan ng biglang mapadaan sila Mildred at Bea.

"What's that smell? Ew .. Amoy Tuyo.." Parinig ni Bea sa grupo nila Ysa at saka dumaan sa table nila ng nakatakip ang ilong.

"Eiw Guys !! What's this smell ? I smell a stinky frog." Ganting parinig naman ni Marj at saka tumingin kay Bea.

Galit namang tinignan ni Bea si Marj at saka ito inirapan.

"Marj, hayaan mo na sya, wag mo na lang pansinin,  nakagalit kasi nila si Corine kaya mainit ulo." bulong ni Ysa.

"Oo nga Marj, papapansin lang yan," Sang-ayon ni Aileen at saka tumayo para kumuha sana ng tubig, napadaan ito sa table kung nasaan sila Bea at Mildred ng biglang tumayo si Bea at binuhusan si Aileen ng softdrinks.

"Oopss, sorry, my fault.." natatawang sabi ni Bea at saka naman pinahid pa ang cake na kinakain.

Natulala naman si Aileen sa ginawa Bea.

"O ano? Iiyak ka na? Kawawa ka naman.. Ano gagawin mo ngayon? Magsusumbong ka sa tatay mong kriminal? Whoa.. Wag mo kami ipapatay Aileen ha?" Pang-aasar pang sabi ni Bea.

Nakita naman ni Marj ang ginawa na yun ni Bea, kaya agad agad itong tumayo, hindi na to napigilan ni Ysa na nakakuyom narin ang kamao sa nakita.

Tinulak kaagad ni Marj si Bea, tatayo na sana si Mildred para saklolohan ang kaibigan pero nginudngod na ito ni Marj sa kinakaing pasta.

Si Bea naman ay tatayo na sana pero biglang kinuha ni Marj ang bote ng softdrinks at inakma dito.

"Sige pa palaka ka! Wag ka pang tumigil at siguradong ipapalo ko sayo tong bote na to, Ano?!!" banta ni Marj.

"Iskwater na iskwater ka talaga Marj! Hindi ka bagay sa school na to!!"At saka tumayo at inayos ang sarili.

"ULUL..Sino kaya sa atin ang mukhang iskwater? wag ka ngang filingera Beatrice, mas nakakahiya pa background ng pamilya mo kaysa kay Aileen! Ano, gusto mo ikwento ko sa lahat ng nandito?"  Banta ni Marj.

"Wala ka talagang breeding noh!? Siguradong makakarating tong ginawa mo sa Dean at sa Daddy ko!" singit naman ni Mildred.

"Mag susumbong ka? Sige lang, samahan pa kita diyan eh, tignan natin kung sinong unang makikick out.. " Mataray na sagot ni Marj

Nagmamadali namang umalis si Bea at Mildred. Si Aileen naman ay tulala pa din. Nilapitan agad ito ni Ysa.

"Aileen, okay ka lang?"Tanong nito sa dalaga na tulala at umiiyak.

Kinuha naman ni Ysa ang panyo para punasan ang dalaga pero bigla itong tumakbo.

"Aileen!!! " Tawag ni Marj at Ysa dito at saka nila ito hinabol.

* * * * *

Next : Chapter 12

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now