Chapter 67

4.1K 113 5
                                    

Chapter 67

+

"Lexin! Lexin! Wait!!!" Habol ni Corine kay Lexin at ng maabutan ang binata a hinatak niya ito. "I SAID WAIT!"

"Bakit kailangan mong gawin yon Corine?!" Malakas na sabi ni Lexin kay Corine nang huminto ito. "Ang alin?" Maang maangan na tanong ni Corine.

"Ang saktan ng ganon si Ysa? Ang pagmukhain syang tanga? Ang paniwalaing may relasyon tayo!!?ganong nagpumilit ka lang naman talagang makisabay sa akin? Ano ba talaga ang gusto mo mangyari?" Sita ni Lexin at saka nagpatuloy sa paglalakad, hindi naman nakapag pigil si Corine at muling hinatak ang braso ni Lexin at pumasok sa isang kwarto at agad iyong nilock.

Napakagat labi si Lexin at kinuyom ang kamao sa ginawa nang dalaga. Hindi naman namalayan ni Corine na nasa announcement studio room sila pumasok.

"Bakit ba patay na patay ka sa aswang na yun? Mamamatay tao sya Lexin! Sya ang pumatay kila Yuan at Kay Bea.. Alam ko sya!!" Sigaw ni Corine.

"Pwede ba Corine, utang na loob, wag kang gumawa ng kwento! Hindi mamamatay tao si Ysa.. Baka ikaw!" Sagot ni Lexin at hinilot ang punong ilong niya.

"KUNG MAMAMATAY TAO AKO, SI YSA ANG UNANG UNA KONG PAPATAYIN! DAHIL INAGAW KA NYA SA AKIN!" Sigaw ni Corine.

"Walang inaagaw sayo si Ysa dahil kahit kailan hindi ako naging sayo! At hinding hindi ako magiging sayo!" Sabi ni Lexin at saka akmang lalabas na ng studio pero niyakap ito bigla ni Corine dahilan para mapaatras ang binata ay di sinasadang matabig ang ang On Air button.

+

Samantalang ng sandaling iyon ay tulala pa din si Ysa, mabuti na lamang ay nandon pa rin si Lina at nasaksihan ang mga pangyayari kaya agad nyang nadamayan ang anak.

"Anak.. Tahan na.. Kalimutan mo na sya.. " Alalang alalang wika ni Lina sa anak. "Para mo na ring sinabi Mamang kalimutan ko ng huminga.." Sagot ni Ysa.

Tinayo ni Lina ang anak at saka ito inalalayang maglakad. Papunta na sana sila sa room ni Ysa ng mapatigil dahil sa biglang narinig.

"Bakit ba hindi mo ako kayang mahali Lexin! Mas matagal tayong magkasama! Pero yang si Ysa, nito mo lang nakilala pero halos mabaliw kana sa kanya!!!" Rinig ng buong eskwelaha na sabi ni Corine, walang kamalay malay ang dalawa na dinig na dinig na pala sila sa buong Campus.

Napatigil ang mga estudyante at nakinig, si Ysa naman noon ay napakunot ang noo at nakinig din.

"Corine, ano pa ba ang gusto mong marinig? Ha!? Ayoko sayo!! Si Ysa ang mahal ko! Siya lang.. kaya pwede ba itigil na natin itong usapang ito! Magkaroon ka naman ng kahit konting respeto sa sarili mo!!" Wika ni Lexin at saka akmang lalabas na.

"Pero hindi pwedeng maging kayo right?" Wika ni Corine dahilan para mapatigil si Lexin sa paglabas.

"Anong....—"Kunot noong tanong nya.

"Kanina, pwedeng pwede mong ideny na hindi naman talaga tayo pero ano!? Hindi mo nagawa, dahil sinasadya mo ding saktan sya para lumayo na sya sayo.. diba!?" Seryosong sabi ni Corine.

"Anong pinagsasabi mo Corine!?" Tinignan ito nang matalim ni Lexin at bahagyang napaatras si Corine sa mga titig na iyon pero kinuyom niya ang mga kamay niya at muling nagsalita.

"Come on Lexin! Alam ko na.. Alam ko ang dahilan kung bakit pinagtatabuyan mo si Ysa palayo sayo.. I know her mom's dirty little secret!" Parang nakakaasar na sabi ni Corine.

Napatingin naman si Ysa sa kanyang ina ng mga sandaling iyon na nanlalaki ang mata.

"Itigil nyo yan! Wag.. Wag nyo ituloy.. Itigil nyo yan!!" Wala sa sariling wika ni Lina at saka tinakbo ang direksyon papasok sa school.

"Ma!!?!" Habol ni Ysa sa ina. bigla namang huminto si Lina at parang baliw na natataranta.

"Shut up Corine!" Nadinig muli nilang sabi ni Lexin.

"Oh.. Come on Lexin.. Tayo lang namang dalawa ang nandito.. So Lexin.. Tell me.. How does it feel... How does it feel to kiss your own sister.." Pagbubunyag ni Corine.

Napalaki ang mata ni Ysa sa narinig.

"Anak, wag mo silang pakinggan, hindi totoo yan, halika na umuwi na tayo!" Hila ni Lina sa anak pero binawi ni Ysa ang kamay at nakinig pa rin.

"Corine.." Rinig nilang wika ni Lexin na may delikadong tono.

"Narinig ko kayo naguusap ng mommy mo Lexin, dun sa funeral ng lola mo.. I heard it all.. NA ANAK SI YSA SA AMA MO! BUNGA SYA NG PANGRERAPE NI GOV SA NANAY NYA!" Nakakabinging rebelasyon ni Corine.

Halos tumigil ang panding ni Ysa sa sinabing iyon ni Corine at agad na nanginig ang katawan niya, Si Lina naman ay walang nagawa kundi ang mapaupo at mag iiyak.

Sa studio naman ay isang malakas na katok ang narinig ng dalawa.

"WHAT!" Bukas ni Lexin sa pinto, at bumungad sa kanya ang isang estudyante.

"ON AIR KAYO! DINIG NA DINIG KAYO NG BUONG SCHOOL!!" Hinihingal na sabi nito.

Napatingin si Lexin sa pinagsandalan kanina at doon nakita nya ang ON AIR sign na umiilaw. Agad na sumikip ang dibdib nito.

"YSA..!" Nanlalaki ang matang sabi ni Lexin at saka patakbong lumabas.

"TOTOO BA?" Kompranta ni Ysa sa ina.

"Y-Ysa.. Umuwi na tayo.." Nanghihinang sabi nalang ni Lina.

"TOTOO BA MA!" Umiiyak na sigaw ni Ysa.

Umiiyak na tumango lang si Lina.

"N-Nagka-anak t-tayo Cely..?" Agad na kumabog ang dibdib ni Lina nang marinig ang boses na iyon dahilan para manginig ito sa galit.

Napatingin rito si Ysa at sa Ina na bumangon na mula sa pagkakaupo.

Siya namang dating ni Lexin na humahangos. Nilingon ito ni Ysa at agad na nilapitan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sita kaagad ni Ysa kay Lexin.

"Dahil ayokong masaktan ka.." Sagot ng binata.

"At sa tingin mo ngayon hindi ako mas nasasaktan na kasabay ng buong school ko malaman ang totoo?!" Umiiyak na wika ni Ysa.

"Mahirap din para sa akin tanggapin ang lahat Ysa, kung alam mo lang.."

"SINUNGALING!" Putol ni Ysa sa sasabihin pa ni Lexin.

"Anak.. Hindi namin gusto ang lokohin ka.." Sabi ni Lina, Na bahagyang nilipat ang atensyon sa anak.

"ISA KA PA! MAGSAMA SAMA KAYONG MGA SINUNGALING!" Umiiyak na wika nito. Ngunit agad nalipat ang tingin nito sa likod nang Ina nang makita ang maluha luhang lalaki na nakatitig sa kanya.

"Hija.. Kailangan mo tanggapin ang katotohanan na ako ang ama mo." Tinignan siya ni Albert na parang isa siyang napaka importanteng parte nang buhay niya, napansin rin ni Lexin ang mga titig na yon na kahit kailangan hindi binaling sa kanya.

"Hindi.. Hindi ikaw ang ama ko, nagiisa lang ang ama ko.. At wala na siya!" Wika ni Ysa rito at agad na tumakbo palayo sa kanila.

Sinungaling!! Lahat sila sinungaling!!!

Hahabulin na sana ito ni Lexin pero pinigilan sya ni Lina.

"Hayaan na lang muna natin sya.." Umiiyak na pakiusap nito. Agad na hinagod ni Lexin ang likod nito at inalalayan.

Habang si Albert naman ay abot langit ang ngiti nang makita ang anak niya kay Cely.

+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now