Chapter 25

6.8K 205 5
                                    

Chapter 25

* * *

#Wavering Hearts.

~

Sunod sunod na wang wang mula sa Ambulansya at Pulis ang pumaibabaw sa tapat ng bahay nila Marj, kasabay non ay ang palahaw ng Mama at Papa ni Marj at dalawang kapatid nito.

"Marj!! M-Marj ... "Iyak ng ina nito.

Si Ysa naman ay nasa isang sulok at tulala pa din sa mga pangyayari, katabi nito si Tristan na ang tanging nagawa na lang ay ang humawak sa balikat ng dalaga.

Dumating ang ama ni Ysa na si Javier, at sinama si Ysa, hindi na pinasama ni Ysa si Tristan sa presinto. Matapos ang imbestigasyon ay inuwi na nang ama ang anak.

Hindi na nakipag usap si Ysa sa mga magulang, agad agad tong tumakbo sa kwarto at doon ay nag-iiyak sya sa pagkawala na naman ng isang kaibigan.

"M-Marj.. A-Aileen.."Iyak na sambit ni Ysa at saka nagtaklob ng kumot, maya maya ay pumasok ang ina nitong si Lina. Naikwento na ng asawa ang nangyari.

"Anak.."tawag nito dito at saka niyakap si Ysa.

"B-Bakit ganon Mama, bakit lahat na lang ng k-kaibigan ko namamatay.."panaghoy ni Ysa.

Awang awa naman si Lina sa nangyari sa anak, wala itong ibang nagawa kung hindi ang yakapin ito.

+

Matapos ang libing ni Marj ay pumasok na muli si Ysa, pakiramdam nya ay kakaiba na ngayon ang school dahil wala na ang mga kaibigan na palaging nagtatanggol sa kanya. Napansin nya na nakatingin sa kanya lahat ng estudyante at saka nagbubulungan paglampas sa kanya. Hindi na nya pinansin iyon bagkus ay nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad.

"Ysa!"narinig nyang tawag sa kanya ng isang babae, paglingon nya ay nakita nya si Corine na palapit sa kanya, ibang iba na ang itsura nito kaysa sa huli nya itong makita.

Nginitian lang nya ito, agad naman syang niyakap ni Corine.

"I heard the news about Marj, I'm so sorry.."sabi ni Corine at saka bumitiw sa pagkakayakap dito. "Ysa .. kung gusto mo ng makakausap, nandito lang ako, I know you're having a hard time because of your friend's lost pero nandito naman ako, we can be friends right?"mabait na sabi ni Corine.

"Oo naman.."maikling sagot ni Ysa.

"Good"nakangiting sabi ni Corine at saka niyakap si Ysa. "I got you now bitch"sigaw ng isip ni Corine.

+

Nauna na sa room si Ysa, pinatawag daw kasi sya sa office, pagpasok na pagpasok sa room ay pansin nya na nagbubulungan ang mga kaklase nito, pagdating nya sa upuan ay nakita nyang may bawang dito. Napatingin sya sa mga kaklase at pagkatapos ay kanya kanyang yukuan ang mga ito. Tinanggal ni Ysa ang mga bawang sa pwesto nya.

"Well well well, look who's here, the monster is back.."bungad ni Mildred. Hindi ito pinansin ni Ysa, patuloy nitong tinanggal ang mga bawang sa upuan.

"Kung ako sayo Ysa, hindi ko na tatanggalin ang mga yan, proteksyon na rin sa aming mga kaklase mo, at saka kung tanggalin mo naman yan, magdadala at magdadala pa rin ako."mataray na sabi ni Bea.

"Ikaw ang naglagay nito?"seryosong tanong ni Ysa.

"Eh ano naman? Natural lang na mag ingat kami sa aswang na katulad mo, kita mo nga, dalawang kaibigan mo na ang namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan."nakahalukipkip na sabi ni Bea.

"Anong sinasabi mo?"tanong ni Ysa.

"Na ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila, na hindi mo nacontrol ang sarili mo kaya nagawa mong--"

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora